CHAPTER 46

33 3 0
                                    


Allen POV

Lumabas sandali sina Val dahil hindi pwedeng masyadong maraming tao dito sa loob ng kwarto kaya ang natira lang dito ay si Mark Jade, Lawrence pati na si Jellian.

"Ano na ang nangyayare ngayon?" Tanong ko habang pinaglalaruan ni Czallen ang buhok ko si Czallie naman ay ginagawang seesaw ang paa ni Mark kaya baba taas ngayon ang binti niya.

"Natural umaangal ang ilan at inaatake nila ang pangalan ni pards pero may ilan naman na natuwa" sabi ni Jellian. "Simula nung araw na 'yon mariin na ibinilin ng tito mo sa mga taong nandoon nung araw na 'yon na walang lalabas na video o litrato patungkol doon, pero wala eh hindi na napigilan" sabi niya pa kaya napabuntong hininga na lang ako.

"Ako na ang aayos, hayaan niyo muna ngayon. Ako na ang bahalang umayos" sagot ko kaya natahimik silang tatlo habang nakatitig pa rin saaken. "Trust me" sabi ko kaya sabay-sabay silang bumuntong hininga na ikinatawa nilang tatlo.

"Nag-aalala lang kami sa 'yo" sabi ni Lawrence kaya bahagya ko siyang nginitian.

"Kaya naman namin ayusin 'yon, mas kailangan ka nila ngayon" sabi naman ni Mark Jade bago tinignan si Czar. "Tsaka kung saan ka masaya at kung anong desisyon mo, tatangapin namin 'yon" sabi niya ulit saka ako tinignan ulit.

"Tama siya, mas kailangan ka talaga nila ngayon lalo na ni pards, kami na muna ang bahala sa mga fans mo" sabi niya bago ngumiti. "Konting kindat, kaldag, pakilig at sweet talks lang sakanila, antayin mo at makakalimutan din nila 'yon" sabi niya kaya natatawa akong umiling.

"Babatuhin kita" banta ko sakanya kaya tumawa ulit siya. "Ako na ang bahala, bigyan niyo lang ako ng ilang araw. Kailangan ko muna bantayan dito si Czar at alagaan itong dalawa, tsaka gusto ko din muna sila makasama" nakangiti kong sabi sakanila.

"Basta magsabi ka lang kung kailan mo balak humarap para magpaliwanag. Sigurado ka talagang hindi ka na namen tutulungan?" Paninigurado ni Lawrence kaya tumango ako.

"Kaya ko na" sagot ko bago ko pinaupo si Czallie sa kandungan ko.

"Sige, babalik na lang kami dito mamaya dahil kami na muna ang magtatrabaho para libangin ang mga fanatics natin" sabi ni Jellian kaya tumango ako sakanya.

"Ayusin mo din sarili mo, mukhang tatanggalan ka ng mga buhok ni Czallen hahahahaha" natatawang sabi ni Mark Jade kaya hinawakan ko naman ang buhok ko at ramdam ko na nakaipit na lahat ng buhok ko at sobrang higpit pa ng pagkakatali.

"Eto na yung hinihingi mo Allen," biglang pasok naman ni papa kaya napalingon sakanya sina Mark.

"Tito, mano po" sabi nilang tatlo bago tumingin ulit saakin.

"Mauna na kami tol, tumawag a na lang pag may kailangan ka ha" sabi ni Jellian kaya tumango ako. "Bye Czallen, bye Czallie!" Paalam niya sa dalawang bata kaya masayang kumaway naman etong dalawa sakanila.

"Dad-i! Dad-i! Dad-i!" Excited na tawag saakin ni Czallen kaya tinignan ko siya.

"Po? Ano po 'yon?" Malambing kong tanong sakanya.

"Let's play po" sabi niya bago bumaba sa upuan kaya inalalayan ko naman siya.

"What do you want to play, baby?" Tanong ko sakanya.

"Taguan ng feelings po" sabi niya kaya natigilan kami sandali ni dad bago kami sabay na tumawa.

"Taguan ng feelings?" Natatawang tanong ko sakanya at pinaupo ko din siya sa kandungan ko kagaya ni Czallie.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now