CHAPTER 33

47 7 0
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

*Blag*

Buong lakas kong binuksan ang pintuan at mabibigat ang yabag ko habang naglalakad ako papunta sa opisina ni lolo. Pero pagpasok ko doon wala sila kaya nagtaka ako.

*Bang*

Nanlaki naman ang mga mata ko ng marinig ko ang tunog na 'yon kaya dumoble ang kabang nararamdaman ko kaya napatakbo ako papunta sa likod ng mansyon at doon ko nakita ang tatlong bata habang nanginginig na hawak ang isang baril kaya parang sasabog ang puso ko ng makita ang takot sa mga mata nilang tatlo.

"Lolo!" Sigaw ko at agad na inagaw ang mga baril na hawak nila at tinapon 'yon. "Anong ginagawa niyo!? Nababaliw na ba kayo ha!?" Naiiyak kong sabi na halos ramdam ko na ang pag-iinit ng mga mata ko dahil sa pagpipigil ng luha dahil galit na galit ako.

"What? They're playing–"

"Totoong baril ang hawak nila! Mga bata lang sila ano ba ang iniisip niyo! Kinuha niyo pa sila sa bahay dahil alam ninyong wala ako!" Galit kong sabi sakanya.

"Apo ko sila at may karapatan akong gawin ang gusto kong ipagawa sakanila–"

"At anak ko pa rin sila! Apo niyo sila pero ako pa rin ang may karapantan kung ano ang nakakabuti sakanila! Hindi ka ba naaawa sa mga bata, lolo ha?" Putol ko sa sinasabi niya kaya umigting naman ang mga panga niya at tinignan ako ng seryoso. "Sawang-sawa na ako! Hanggang kailan niyo gagawin saamen 'to? Hanggang kailan niyo pakikialaman ang buhay ko!?" Umiiyak ng sabi ko sakanya.

"You're talking back now–"

"I always do that! Bakit niyo ako dinala dito, bakit niyo pinakialaman ang nanahimik kong buhay noon? Alam mo ba? Alam mo ba lolo? Kailanman hindi naging masaya ang buhay ko dito, kailanman hindi ko narasanan ang maging malaya sa ilalim ng pangangalaga ninyo. Sana pinatay niyo na lang din ako, doon kaya magaling hindi ba?" Punong-puno ng galit kong sabi. "Gusto namen ng magandang pamumuhay, gusto kong ilabas ang mga anak ko at ipakilala sa mga magulang ko pero hindi ko magawa. Anong klaseng tatay at lolo kayo?" Dagdag ko pa at napahawak naman siya bigla sa dibdib niya kaya bigla akong kinabahan.

"C-czarianne" nahihirapan niyang sabi kaya nanlaki ang mga mata ko at agad siyang nilapitan pero hahawakan ko pa lang sana siya pero bigla kong narinig ang boses ni Tito Henry kaya imbis na lapitan si lolo, ang mga bata ang nilapitan ko at inilayo sakanya.

"H-henry" tawag sakanya ng tatay niya pero ngumisi lang siya.

"Die" sambit niya tinignan niya lang ang tatay niyang paunti-unting mapa-upo sa lupa.

"Lolo" tawag ko kay lolo na nahihirapan ng huminga. "Buhatin niyo siya at dalhin sa hospital! Ngayon na!" Utos ko sa mga tauhan ni lolo kaya agad naman silang galaw pero biglang nilabas ni Tito Henry ang baril niya itinutok 'yon sakanila dahilan para mapa-atras silang lahat.

"Let him die" sabi niya bago ako tinignan "At ikaw ang may kasalanan kung bakit siya mamatay ngayon" nakangisi niyang sabi saaken kaya yinukom ko ang dalasang kamao ko.

"Stay here" sabi ko sa mga bata bago ako naglakad papalapit kay Tito pero hindi pa ako nakakalimang hakbang ay bigla na lang siyang natumba at nawalan ng malay kaya nagulat ako ng makita ang isang maliit na karayom sa may leeg niya.

"Ohh no, you're not going to fight him" rinig kong sabi ng isang lalake kaya napatingin ako sa harapan at nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko ang matandang lalakeng eto pati na ang katabi niyang isa pang lalake.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now