CHAPTER 31

49 8 0
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

Dumaan ang ilang buwan at palaki ng palaki ang tiyan ko pero habang lumalaki ang tiyan ko hindi naman ako pinapabayaan ng tatay at lolo ni Mark Jade dito sa bahay nila. Hinayaan ako ng lolo ko na manatili sa bahay na 'to at hinayaan akong buhayin ng malusog ang batang nasa sinalupunan ko.

Hindi rin ako ginambala ng tiyuhin kong manyak at ilang buwan ko silang hindi nakita. Pero habang nandito ako sa puder ni Mark Jade sina Julie naman ang pumupunta at nag-aalaga saaken minsan dito, at may pagkakataon na nagtatago talaga ako tuwing nandito sina mistisong hilaw.

Kabuwanan ko na ngayon at ano man na oras ay pwede na akong manganak, kompleto ako sa check up salamat kay Tito Harvey at Tita Joy. Kambal ang magiging anak ko at hindi naging madali saaken ang pagdadala ko sakanilang dalawa sa loob ng tiyan ko.

Mabigat at sobrang hirap. May mga araw na hindi ako makatulog at lagi kong hinahanap si Allen pero pinag-ta-tyagaan ko na lang na litrato niya ang titigan ko. Pero kadalasan si Mark Jade ang napaglilihian ko, si mistisong hilaw din. At madalas ko din kainin ang apple tsaka kahit anong luto basta kasama ang labanos.

"Czar?" Tawag ni Mark Jade mula sa labas kaya napalingon ako sa may pintuan.

Nakahiga lang ako sa higaan dahil hirap na din akong maglakad ng maayos ngayong kabuwanan ko na. Dito na din ako manganganak at handang-handa na ang mga gamit dito sa loob ng kwarto ko.

"Pasok ka" sabi ko at sinubukan kong tumayo pero hindi ko kaya.

"Si Pejay nandito– ohh wait, let me help you" naputol niya ang sasabihin niya ng makitang nahihirapan ako kaya agad niya akong inalalayan paupo.

"Ayy bakla ka ate, mukha ka ng hippo sa itsura mong 'yan" biglang sabi ni Pejay kaya sinamaan ko siya ng tingin.

Kung noon ay madali kong damdamin ang pangungutya niya saaken pero ngayon hindi na kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Joke lang baka umiyak ka na naman ehh. Anyway, may pangalan ka na ba para sa dalawang pamangkin ko?" Nakangiti niyang tanong.

"Hmm" nakangiting sagot ko at hinimas ang malaki kong tiyan. "Czallen at Czallie" sabi ko.

Babae at lalake ang anak ko at si Czallen ang babae, si Czallie naman ang lalake. Nakangiti lang ako habang hinihimas ang tiyan ko ng bigla akong makaramdam ng sakit at paeang may pumutok na kung ano saaken.

"Mark! Pejay! Manganganak na ako! Dalian niyo" sigaw ko kaya parang the flash naman silang dalawa na nawala sa harapan ko at pagbalik nila kasama na nila ang dalawang doctor at tatlong nurse na magpapa-anak saaken.

Pinanatili ko si Pejay dito sa loob ng kwarto at siya ang kinapitan ko para maka-ere ng maayos. Halos mayupi ko na nga ang kamay niya dahil buong lakas ang ginamit ko para mailabas ko lang ang mga anak ko.

Sa awa ng diyos at nailabas ko din silang dalawa matapos ang isang oras dahil marami pa silang pinagawa saaken bago ko tuluyang mailabas ang mga bata. At nakatulong naman 'yon dahil madali kong nailabas ang kambal, eleven fifteen ko nailabas si Czallie at eleven seventh ng tanghali ko nailabas ang mga bata.

Nakatulog ako matapos ang ilang minuto ng mailabas ko ang mga anak ko at paggising ko naririnif ko na ang mga ingay nina Julie dito sa loob nf kwarto.

"Kamukha ni Mark Jade"

"Hindi! Kamukha ni Allen"

"Kamukha sabi ni Czar"

"Ayy mga sisters, kamukha ni Kuya Jellian lalong-lalo na etong si Czallie"

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now