CHAPTER 51

26 2 0
                                    


Czarianne POV

Matapos namin kumain ng sabay-sabay nakipaglaro muna si Allen sa dalawang bata habang hinila naman ako ni mistisong hilaw para kausapin raw.

"Czar kasi, may concert kami sa susunod na araw, sa sabado..." Nag-aalangan na sabi ni mistisong hilaw.

"Oh tapos?" Kunot noo kong tanong.

"Eh paano 'yon na nga nalaman na ng marami na nagpropose na din sa 'yo si Allen nung nagdaarang araw. Pero mukhang kalmado na silang lahat ngayon–"

"Sino?" Nagtatakang tanong ko kaya sabay-sabay silang natampal ang noo nila.

"Yung mga fans namin asawa ko" sabat ni Allen kaya napa 'ahh' naman ako.

"'yon na nga, gusto ka namin sanang isama sa araw na 'yon para pormal ka namin mapakilala tsaka para malinaw na din natin sa lahat ang namamagitan sainyong dalawa" sabi niya na may pag-aalangan sa mukha. "Naiirita na din ako sa mga taong chismis ng chismis na mali naman ang mga hinala jusme" naloloka niyang sabi.

"S-sigurado kayo?" Tanong ko dahil bigla na lang ako kinabahan "Baka mamaya kuyugin nila ako ahh" natatawa kong sabi.

"They won't hurt you. Nakapagsalita na din naman ako kahapon na ipapakilala kita sakanila ng maayos" sabi ulit ni Allen kaya napunta sakanya ang mata ko.

"Sige. Pero–"

"Ok! Goods na 'yan ah?" Masayang sabi ni Val kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.

"Pero gagawin nating kakaiba ang pagpapakilala namin sa 'yo" nakangiting sabi ni mistisong hilaw kaya tinanguan ko na lang sila dahil tiwala naman ako sa mga gagawin nila. "Pero mamaya pards may darating na stylist dito para sukatan ka para sa susuotin mo sa sabado ha" sabi niya ulit kaya tumango na lang ulit ako.

Kinakabahan ako sa mangayayare pero bahala na. Para sa ikakatahimik nilang lahat, go with the flow na lang ako.

Kanya-kanya namang nagkwentuhan sina mistisong hilaw kaya pinagmasdan ko na lang si Allen at ang dalawang bata na seryosong naglalaro.

Pero bigla na lang lumingon saakin si Allen bago niya ako nginitian kaya napangiti din ako.

Sa ilang taon na hindi ko siya nakikita at nalalapitan ng maayos, aaminin ko na mas lumalim ang nararamdaman kong pagmamahal sakanya. Ewan ko ba at simula nung nawala ako, siya lagi ang iniisip ko at nami-miss ko palagi.

Nakakamangha lang dahil hindi ko inaasahang sobrang bilis kong napamahal sakanya. At hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya ngayon sa tabi ko, kasama ang mga anak namin na hindi ko inaasahang mangyare noon.

Nagpapasalamat din ako dahil nangyare lahat ng 'yon sa buhay ko. Yung pagdating nina lolo, ang pagkuha saakin ni Tito Henry... Tatay ko nga pala siya.

Pero kahit sobrang nahirapan ako noon, nagpapasalamat pa din ako na nandito na ulit ako. Kasama ang mga mahal ko sa buhay.

Siguro sa susunod, makakayanan ko ng dalawin ang totoo kong tatay sa sementeryo para makapagpaalam ng maayos sakanya. Kahit naman ganon siya kasama, may konting konsensya at pagmamahal na natitira pa rin ako para sakanya dahil sa huling pagkakataon na nakita at nakausap ko siya, alam kong totoo ang mga sinabi niya kahit halos ikamatay ko ang pangyayareng 'yon.

"Ayos ka lang?" Malambing na tanong saakin ni Allen ng tumabi siya sa tabi ko at yakapin ang bewang ko bago niya isinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"Iniisip ko lang, paano kung hindi ako nawala sa tabi ninyo ng pitong taon?" Sabi ko kaya itinaas niya ulit ang ulo niya saka niya ako tinignan at bigla din siyang napaisip.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now