CHAPTER 4

86 10 0
                                    

⚛⚛⚛

JELLIAN

Ilang oras ang lumipas at nagsimula na ngang dumami ang tao sa loob netong arena at ilang minuto na lang at magsisimula na din ang concert namin kaya nagsimula ng ipalabas ang mga mukha namen sa malaking screen habang hindi pa kami lumalabas ng stage.

"Nasaan si Allen?" Biglang tanong ni Val ng makasalubong ko siya dito sa backstage.

Kumunot naman ang noo ko at nagpalinga-linga ang ulo ko para hanapin si Allen.

"Saan na naman kaya nagsusuot 'yon? Magsisimula na" Kamot batok kong sabi at sabay kami ni Val na naglakad para hanapin siya.

"Guys! Guys, hey! Here!" Rinig kong tawag saamun kaya napatingin kami sa isang pintuan kung saan nakabukas at nandoon si Allen kaya nilapitan namin siya.

Pagpasok na pagpasok namen sa loob non nagulat kami ng makita na may walong medyo katamtaman lang ang laki at nakabalot pa na mukhang regalo yata.

"Kanino 'yan?" Nagtataka kong tanong at tinignan si Allen.

"Ewan ko, na daanan ko lang din 'to ngayon-ngayon lang. Tignan natin?" Sabi niya kaya nagtitigan kaming tatlo na parang nag-uusap mata sa mata.

"Huwag na natin pakialaman, hindi naman yata 'yan para saatin–"

"Oh!? Val! May pangalan ko, tol" biglang sabi ni Val at kinuha yung isang box na nasa unahan nung ilang box kaya wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang buksan 'yon.

Naglakad ako papalapit doon sa may mga box para tignan ang mga 'yon at halos yata ng box ay may pangalan at para yata talaga 'to saamin.

Hindi ko na sana papansinin yung isang box na sobrang liit na parang lalagyan ng kwintas ng bigla kong makita ang nakalagay sa card.

"Allen, sa 'yo yata eto" sabi ko at tinuro yung box bago ko kinuha at inabot sakanya. "KMM" basa ko sa nagbigay at tinignan siya sa mata.

Ako duda ako sa KMM na 'to ehh, mukhang obsessed to kay Allen. Kidnap-in ba naman nung isang gabi? Tsaka bakit kaya hindi na lang siya magpakita kay Allen, nagtataka na din ako ehh.

Kaso kung obsessed man siya kay Allen edi sana noon pa siya nagpakita dito sa kaibigan ko at sana umaali-aligid na siya ngayon kay Allen, pero hindi ehh. Pa mysterious effect naman ang taong 'yon.

*Blag*

"Ay pusang gala!" Gulat kong sabi ng biglang may mahulog na kung ano.

"Ano 'yon?" Tanong ni Zendel na bagong pasok kasama ang iba at tumingin doon sa direksyon kung saan narinig namin ang ingay.

"May tao yata. Hello? May tao ba jan?" Sabi naman ni Renzo.

Ako naman tinignan ko si Allen na nakatingin pa rin sa box kaya tinapik ko siya at magsasalita na sana ng biglang may mahulog na naman.

"Ahh... Ha-hahahaha hello?" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses ng babae kaya napatingin ako sa harapan ko.

"Bella!?" Sabay-sabay naming sabi at pati reaksyon ng mga mukha namin ay pararehas na nagtataka.

"'wag mong s-sabihin?" Gulat na sabi ni Lawrence habang nakaturo kay Bella bago itinuro ang box na hawak ni Allen.

"Huh?" Nagtatakang tanong ni Bella.

"'Wag mong sabihin ikaw–"

"Ahh no! Hahahahahahaha hindi! Hindi! Naligaw lang ako, kala ko kasi dito yung cr" putol niya sa sasabihin ko habang umiiling.

"Ahh! Kala naman namin ikaw na nagpadala neto" nakahingang maluwag na sabi ni Mark Jade kaya pati kami napahinga ng maluwag.

Akala ko siya na, hindi pala.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now