CHAPTER 25

56 6 0
                                    

⚛⚛⚛

MARK JADE

Continuation of flashbacks...

"Nasaan ang mga tao?" Tanong ni Czar pagpasok na pagpasok namen sa loob ng isang mall.

"Pasensya ka na Czar, hindi kasi p'wede na may ibang makakita sa maganda mong mukha, lalo na't sikat ka pa naman. Maraming nakakakilala sa 'yo dahil na rin sa pagiging magaling mong dancer noon" sabi ni tita kaya napatango din ako at malay mo mag-kita na naman sila ni Allen sa mall na 'to kung sakali man. "Kaya naman solo naten ang mall na 'to, huwag ka mag-alala mayaman ang lolo mo, higit pa sa limang mall ang pwede nateng arkilahin gamit ang pera niya" dagdag niya kaya napa-iling-iling na lang ako.

"Naiintindihan ko po" nakangiting sabi ni Czar bago niya iginala ang mata niya sa paligid. "Ano pang ginagawa niyo? Tara na!" Masigla niyang sabi at agad na tumakbo papasok sa isang food court kaya napangiti ako.

Heto ang unang pagkakataon na naransan kong pumasok sa mall na walang ibang tao at sigurado akong ganon din sina Czar.

Nagtawanan, nagtakbuhan, nagtaguan at nag-uunahan kami dito sa loob ng mall at wala akong ibang nakita kundi ang masayang mukha ni Czarianne.

Pagkatapos namen malibot lahat at halos mabilhan at mapasukan na namen ang iba't ibang restaurant at department store, pabagsak kaming naupo sa isang mahabang bench malapit sa korean food court.

"Hay! I miss this!" Sigaw ni Julie na nagpa-ulit-ulit pa sa buong lugar.

"How are you feeling today, Czar?" Tanong ni Neicaj sakanya.

"Happy... And sad?" Sabi niya at bigla na lang lumungkot ang boses niya.

"Ayy nako, alam namen ang ibig mong sabihin. But Czar, you can do it. Someday we'll celebrate your birthday with your whole family and friends. Don't be sad, be strong" pagpapalakas ng loob ni Bella sakanya kaya napatango-tango lang ako bilang pag sang-ayon sa sinabi niya.

"You have to be strong Czar, for yourself, for your family, for your friends, for us... And for Allen" biglang sulpot ni tita sa harapan namen at dala na niya ang dalawang cake.

It's her dream cake. Isa sa dalawang cake ay kulay orange na sumisimbulo ng logo ng Wattpad at ang isa naman ay kulay violet na sumisimbulo sa k-pop boy group ng BTS.

"Tita" naluluha niyang sabi habang nakatingin sa mga cake niya.

"Hindi lang 'yan. You have the whole set merchandise of your favorite k-pop idols, and more books! 'Yon lang ang pwede kong ma-i-regalo ko sa 'yo ngayon" naluluha din na sabi ni tita kaya kinuha ko naman sakanya ang hawak niyang cake kaya agad na yumakap sakanya si Czar.

"Thank you" sabi niya at agad din kumalas sa yakap nilang dalawa.

"I'm sorry if I failed to protect you" simula ni tita at pina-upo niya ulit si Czar sa tabi namen. "You see, nung pina-uwi ulit nila ako sa mansyon, nalaman kong gusto ka nilang kunin sa nanay mo. Sinubukan kong pigilan sila kahit alam kong imposible na magpa-pigil sila, sinubukan kong ilayo sila sa 'yo pero nagawa pa rin nilang kunin ka" kwento niya. "Kaya simula nung dumating ka sa mansyon, inilayo nila ako at binigyan ng napakahirap na trabaho. Araw-araw akong nakikipag-patentero sa mga bala sa loob ng training room para lang hindi ako makalapit sa 'yo. Kaya ibinilin na lang kita sa kapatid ko, sa tatay ni Bella. Nakabalik ako sa mansyon ng dahil na rin sa tatay niya. Gustong-gusto kita ibalik sa mga magulang mo pero hindi puwede." pagpapatuloy niya.

"Naiintindihan ko, naiintindihan ko tita" patango-tangong sabi ni Czar.

"Ohh siya, make a wish na tapos ihipan mo na 'yang kandila" sabi ni tita habang pinapahid ang mga luha sa mata niya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now