CHAPTER 42

30 5 0
                                    


Allen POV

Gabi na nung umalis sina papa para puntahan ulit ang lugar kung nasaan si Henry at magsimula pa kanina, kinakabahan na talaga ako.

"Allen" tawag saaken ni Justine kaya nilingon ko naman siya.

Nakatayo ako dito sa malaking bintana ng mansyon nina Mark Jade at nakatingin sa buwan habang tahimik na nananalangin na sana ay ligtas lang ang mga anak ko.

"Ayos ka lang?" Tanong niya saaken.

"Kailangan ko maging maayos" sagot ko sakanya.

"Kakayanin mo 'to, laban lang" pagpapalakas niya sa loob ko kaya tumango lang ako.

"Allen" biglang tawag naman saaken ni Jellian kaya nilingon ko din siya at kasama niya si Lawrence.

"Tulog pa ba si Czar?" Tanong ko sakanila dahil pumasok sila sa kwarto ni Czar kanina.

"Hmm" sagot ni Jellian bago sila tumabi saaken. "Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon" sabi niya bago bumuntong hininga.

"Ako rin" sabi naman ni Lawrence.

"Mga tol" biglang dating naman nina Val pero nagpatuloy lang si Jellian sa pagsasalita.

"Matagal na saaken kinukwento ni Czar ang tungkol sa pamilya ni tita, sa lolo niya. Sabi niya saaken noon, kinukwento sakanya ni tita ang tungkol sa mga pinsan at lolo niya na sundalo" sabi niya ulit kaya tinignan ko siya. "Ang bobo ko lang kasi hindi ko kaagad naisip ang tungkol sakanila dahil masyado ko din inabala ang sarili ko para hindi ko maisip noon si Czar, dahil masakit din saakin na mawalan ng kaibigan noon" kwento niya habang nakatingala sa buwan.

"Naiintindihan namen" sabi ni Val bago niya inakbayan si Jellian.

"Kung naisip ko kaagad 'yon edi sana hindi nahirapan ng sobra si Czar sa puder nila" sabi niya ulit.

"Ang mahalaga nakabalik na siya saatin" sabi ni Lawrence.

"Kaya natin maibalik ang dati" sabi naman ni Val.

"Kaya din natin pasayahin ulit si Czar," sabi ni Renzo.

"Tutulungan naten siyang makabangon ulit gaya ng ginagawa natin kay Allen hanggang ngayon" sabi naman ni Mark Jade mula sa likuran namen. "Kahit naman wala kayo sa tabi ni Czar noon, masaya naman siya saakin" sabi niya habang nakangisi kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hoy manahimik ka! Ikaw ah napakalaking sinungaling mo talaga" sabi sakanya ni Leonardo kaya tumawa si Mark Jade.

"Edi kung hindi ko ginawa 'yon panigurado hindi na talaga makakabalik si Czar" sabi niya naman.

"Pero biruin mo 'yon, lahat ng sinasabi noon ni Allen na nakikita niya si Czar totoo pala talaga 'yon" sabi naman ni Zendel kaya naalala ko din yung mga panahong akala ko ay namamalikmata lang ako.

"Dito din mismo, muntik nang malaman ni Allen na buhay si Czar," sabi ulit ni Mark Jade habang nakatingin saaken.

"Oo nga, nung oras na 'yon nandito pala talaga si Czar. Kaya pala todo lingon ka kahit saan, akala pa naman namin may tinatago ka ng chicks" sabi ni Jellian kaya natawa sila.

"Hirap na hirap akong itago sainyo si Czar 'no, tinatakas ko talaga sa mansyon nila si Czar at dinadala ko dito kase torture masyado ang buhay niya sa loob ng mansyon na 'yon" sabi niya.

"Saludo kami sa 'yo. Salamat sa pag-aalaga sa kaibigan ko" sabi ni Jellian sakanya.

"Kaibigan din namen siya Jellian, for your information" sabat ni Ken.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now