CHAPTER 47

26 2 0
                                    


Czarianne POV

Kinabukasan, nagising naman ako na katabi si Allen sa higaan kaya napangiti ako bago ko pinaglaruan at sinuklay-suklay ang buhok niya gamit ang kamay ko.

Paggising ko kagabi, siya ang unang hinanap ko at medyo nalungkot ako nung hindi ko siya makita kaya hinintay ko talaga siyang dumating. Pero ngayon sobrang saya ko dahil nandito siya sa tabi ko.

Napansin ko naman bigla ang bandage sa bandang kanan niyang balikat dahil bahagyang nakabukas ang butones ng polo niya. Hinawakan ko 'yon pero bigla siyang gumalaw at mahinang dumaing saka niya mabilis na iminulat ang mga mata niya.

"Good morning" nakangiti niyang bati saakin habang inaantok pa rin ang boses.

Ang pogi.

"Good morning" bati ko din sakanya kaya naman mas niyakap niya pa ako. "Masakit pa ba 'yang sugat mo?" Tanong ko sakanya kaya bahagya niya namang tinignan ang balikat niya.

"Hindi na. Nakarga ko na nga ang dalawang nung nagising ako ehh, strong ata 'to" sabi niya. "I miss you" sabi niya pa kaya napangiti na lang ako.

Kagabi niya pa paulit-ulit na sinasabi 'yan at sobrang sarap sa pakiramdam ng mahihigpit niyang yakap. I feel safe.

"Ilang araw na ba akong tulog?" Biglang tanong ko sakanya.

"Tatlo" sagot niya kaya nanlaki naman ang mga mata ko.

"Tatlo? Ang haba naman" hindi makapaniwala kong sabi.

"Hmm. Did you sleep well?" Inaantok niyang tanong.

"Medyo" sagot ko dahil medyo gumaan nga ang pakiramdam ko.

Dahil ba tatlong araw akong natulog?

"Ano gusto mong kainin?" Tanong niya kahit inaantok pa rin ang boses.

"Mamaya na, matulog ka na lang muna ulit" sabi ko.

"I'm fine" sagot niya pero nakapikit na ang mga mata niya. "I'm not going to sleep, baka iwan mo ako dito" sabi niya kaya tumawa ako.

"Saan naman ako pupunta?" Natatawa kong sabi pero hindi niya ako sinagot kaya tinignan ko siya at ang mokong, tulog na ulit kaya mahina akong tumawa. "Sleep well" pabulong kong sabi sakanya pero bigla namang may sumigaw mula sa labas kaya lumingon ako.

"Mom-i!!!" Sigaw ng kambal at sinenyasan ko silang tumahimik pero naghabulan pa ang dalawa paakyat sa kama kaya bigla ulit nagising si Allen.

Natigilan naman ang dalawa sa pag-akyat ng makitang nagising nila ang daddy nila kaya itinikom ni Czallen ang bibig niya at ganon din si Czallie.

"Ang mga baby ko" bati sakanila ni Allen sa inaantok na boses.

"Sorry dad-i" sabi ni Czallen.

"That's ok baby, come here" nakangiting sabi ni Allen bago siya naupo sa tabi ko at kinandong si Czallen. "How's your sleep mga baby?" Tanong niya sa dalawa.

"abi mo... 'di ka alis dad-i, but when we woke up kanina ala ka na" bulol-bulol na sabi ni Czallen kaya niyakap naman si ni Allen.

"Sorry baby ko, kailangan alagaan din ni daddy si mommy ehh. Babawi si daddy sainyo ha" kausap niya dito kaya napangiti na lang ako. "Sino kasama niyo?" Tanong niya ulit.

"All of them dad-i" sagot ni Czallen habang pababa ng kama si Allen at karga siya. "Dad-i, your hair is so messy po" pansin niya sa buhok ng daddy niya kaya sinuklay naman 'yon ni Allen pataas gamit ang daliri niya pero nagtaka ako nung biglang tumili si Czallen.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now