CHAPTER 9

83 13 1
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Napalunok naman ako at napapikit bago mahigpit na hinawakan ang pendant ng kwintas ko.

"I'm sorry" rinig kong sabi ng boses babae mula sa kwintas ko kaya doon na bumagsag ng tuluyan ang luha ko sa kanan na mata.

It's her!

Mabilis akong lumingon sa likuran ko pero wala na akong nakitang tao kaya tumakbo ako para hanapin siya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang tumatakbo ako at nagbabakasakaling mahanap siya.

"Please... I know you can hear me... Magpakita ka saaken" nagmamakaawa kong sabi ng huminto ako. "Hindi ko na kaya..." Dagdag ko pero wala akong natanggap na sagot mula sa kwintas ko.

Napabuga naman ako ng hangin at tumalikod na saka naglakad pabalik sa bahay namen at tumaas sa rooftop bago umakyat sa railings na gawa sa semento.

"I'm hurt... I'm in pain... And I'm dying thingking about you. I can jump whenever I want now, hindi ko na kaya, mababaliw na ako." Sabi ko at napapikit ng dumapo sa katawan ko ang malamig na simoy ng hangin.

"Allen!"

"Hoy bumaba ka jan!"

"Shit!"

"Tol hindi magandang biro 'yan"

Biglang dating ng mga kaibigan ko.

"Czarianne" bangit ko sa pangalan niya at naging sunod-sunod na ang luhang bumagsak sa mga mata ko ng marinig ko ang hikbi niya mula sa kabilang linya.

Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon pero isa lang ang sigurado ako. Kahit ano man ang maging reaksyon ko ay siya pa rin at siya lang.

"Hindi ko na kayang magpakatanga at magtanga-tangahan... It's just like I'm digging my own grave. If I end my life now–"

"No" biglang sabi niya sa kabilang linya na ikinagulat ng mga kaibigan ko.

"What's going on– ohh no! Allen! Baba!" Biglang dating ni tito kaya tinignan ko siya.

"You came back so early, tito" sabi ko sakanya at ngumiti ng bahagya.

"Of course! Hindi ko naman kayo maiwan-iwan, now get down here" sabi niya saaken pero umiling ako.

"Not until she talk" sabi ko na ikinakunot ng noo nilang lahat.

"Who?" Nagtatakang tanong ni tito.

"Czarianne" sabi ko at ngumiti.

"Allen, she's dead–"

"Get down, Allen" mas bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla ulit siyang magsalita.

"If I don't–"

"Get down and I'll talk to you tomorrow. I... I promise" putol niya ulit sa sasabihin ko kaya huminga ako ng malalim at napatulala na lang bigla.

At naramdaman ko na lang na nakahiga na ako sa kama ko ng hindi ko man lang namamalayan.

Czarianne... Czarianne is alive.

JELLIAN

Matapos namen maihatid si Allen sa kwarto niya pare-pareho kaming may pagtataka sa mukha.

"Si Mark Jade?" Hanap ko kay Mark Jade pero wala siya dito.

"A-anong sinasabi ni Allen?" Naguguluhan na tanong ni Val.

"T-totoo ba yung narinig naten?" Dagdag naman ni Lawrence

"Yung kwintas?" Sabi naman ni Renzo.

"Malalaman niyo bukas kung ano ang mangyayare, sa ngayon magpahinga na muna kayo" sabi ni tito saamen kaya sakanya napunta ang tingin ko.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now