CHAPTER 36

76 9 1
                                    


Czarianne POV

"Pards" tawag saaken ni mistisong hilaw ng makababa kami nina Czallen sa sasakyan kaya nilingon ko muna siya.

"Hmm?" Tanong ko at tinignan ko silang lahat ng makitang parareho silang nakadungaw saamen mula sa loob ng sasakyan. "Bakit?" Tanong ko ulit dahil nakatitig lang talaga sila saaken.

Naibaling ko naman ulit kay mistisong hilaw ang tingin ko ng marinig ko siyang bumuntong hininga bago siya bumaba ng sasakyan bago naglakad papalapit saaken saka bigla na lang akong niyakap.

Ngumiti naman ako saka ko siya niyakap pabalik bago ko tinapik-tapik ang likod niya. "Ayos na ako mistisong hilaw, 'wag ka ng mag-alala" sabi ko sakanya.

"Ano gusto mong gawin? Igagala ka namen sa kung saan sabihin mo lang" malumanay niyang sabi kaya napangiti ulit ako.

"Ang anak ko, gusto kong balikan si Czallie sa mansyon at kunin" nakangiti kong sabi at bigla namang yumakap saamen sina Val kaya naipit ako sa gitna.

"Hoy! Moment namen 'to ohh! 'wag kayong epal!" Sigaw ni mistisong hilaw sakanila kaya natawa na lang ako ng mahina.

"Mom-i? Dad-i, mommy where?" Rinig kong tanong ni Czallen kaya kusa naman silang umalis sa pagkakayakap saaken at sabay-sabay namen tinignan si Czallen.

"I'm here baby, sleep na tayo? Halika na kay mommy" nakangiti kong sabi sakanya bago ko siya kinarga saka tumabi kay Allen.

"Ohh, nandiyan na pala kayo" rinig kong sabi ni mama mula sa likuran namen kaya nilingon ko siya.

"Lola!" Masayang sabi ni Czallen kaya binaba ko ulit siya at agad naman siyang tumakbo papalapit kay mama saka nagpakarga.

"Dito ka ulit matutulog kay lola?" Kausap sakanya ni mama bago tumingin saamen.

"Good evenin, tita!" Bati nina mistisong hilaw kay mama kaya ngumiti naman siya.

"Allen iho, dito ka na muna matulog kasama nina Czar" sabi ni mama kaya tinignan ko si Allen.

Undecided pa siya kaya tinanguan ko siya ng marahan bago ngumiti sakanya. "Gusto ka makasama ni Czallen" sabi ko kaya ngumiti naman siya.

"S-sige po" sabi ni Allen kay mama kaya ngumiti naman muna si mama bago sinama si Czallen papasok ng bahay bago ko nilingon ulit sina mistisong hilaw.

"Mauna na kami Czar, kita-kita na ulit tayo bukas" paalim ni Zendel kaya tinanguan ko sila.

"Gabing-gabi na rin kaya bukas na lang ulit. Bye Czar, Allen, una na kami" sabi naman ni Renzo kaya kumaway na ako sakanila.

"Pards! Magpahinga na ha, 'wag muna susundan sina Czallen" sabi naman ni mistisong hilaw kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Baliw ka talaga, tara na nga! Bye!" Sabi ni Val sakanya bago tuluyang sinaraduhan ang pintuan ng sasakyan.

Tinanaw naman namen silang umalis bago kami nagkatinginan ni Allen. "Magpahinga ka na, tara na" yaya niya saaken bago niya hinawakan ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa bahay.

Tulog na si papa pati na ang mga kapatid ko kaya dumiretso na lang kami ni Allen saa kwarto ko sa taas at naabutan namen si mama doon na inaayos ang mga gamit sa gilid.

"Ma" tawag ko sakanya kaya nilingon niya naman ako.

"Shh, natutulog na si Czallen. Sige na matulog na din kayo, lalabas na ako" nakangiti niyang sabi saaken kaya nginitian ko din siya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now