CHAPTER 39

34 3 2
                                    


Allen POV

"Dad, let me help" seryosong sabi ko habang sinusundan si daddy sa paglalakad.

Nandito kami ngayon sa bahay nina Mark Jade dahil nandito ngayon lahat nagtitipon ang mga sundalo ng pamilya ni Czar, Mark Jade pati na ang ibang tauhan nina daddy. May iilang police din at tumutulong sila hanapin si Henry at ang mga anak ko.

"Allen, I said no. Delikado nga, naiintindihan mo ba ako?" Sabi niya at bakas ang inis sa boses niya pero bigla na lang lumambot ang ekspresyon sa mukha niya ng humarap siya saaken. Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit. "Alam kong sobrang nag-aalala ka sa mga anak mo pero mas kailangan ka ngayon ni Czar. Marami kami dito, anak naman ipagkatiwala mo na saamen ang paghahanap sakanila." Malumanay niyang sabi bago niya hinawakan ang magkabila kong balikat.

"Natatakot ako pa, ayoko na mawala ulit sila saaken" nababalisa kong sabi kaya hinawakan niya ang kaliwa kong kamay bago niya ipinatong ang kanan kamay niya doon.

"Maging matatag ka para sakanila at kay Czar, kakayanin mo 'to. Gawin mo silang lakas para kayanin mo, ikaw ang masasandalan ngayon ni Czar kaya maging matatag ka. Kapag hindi mo na kaya, nandito ako, nandito kami para tulungan ka." Malumanay niyang sabi kaya huminga ako ng malalim dahil sobrang bigat na ng dibdib ko. "Sa ngayon, puntahan mo muna si Czar dahil paniguradong gising na 'yon. Kailangan ka niya, sige na ipapahatid na kita" sabi niya ulit kaya tumango na lang ako bago naglakad palabas ng mansyon nina Mark Jade.

Habang nasa loob ako ng kotse at binabaybay namen daan papunta sa hotel kung nasaan sina Czar, naalala ko ulit kung paano ko naabutan na sobrang gulo ng bahay nina tita kagabi.

*Flashback*

Nang makauwi kami, agad akong lumabas ng kotse ng mapansin ko na bukas lahat ang ilaw sa bahay nina tita.

"Bantayan niyo muna si Czar" bilin ko sa mga sundalong kasama namen bago ako tumakbo papasok sa bahay.

"Allen!" Umiiyak na tawag saaken ni tita habang hawak siya ni tito.

"Tita, ano ho ang nangyare? Si Czallen?" Nag-aalala kong tanong sakanya.

"K-kinuha nila si C-czallen, pinigilan namen sila pero n-n-nakuha pa rin nila ang bata-" hindi na natapos ni tita ang sasabihin niya dahil umiyak na siya ng umiyak kaya para namang biglang nanigas ang buong katawan ko ng marinig 'yon.

*End of Flashbacks*

Nahilamos ko na lang ang mukha ko bago ako lumabas ng kotse nang huminto ang sasakyan.

Habang naglalakad ako papasok sa hotel kung nasaan ngayon sina Czar, bigla namang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko namang sinagot ang tawag.

"Hello?" Kunot noo kong sabi habang nakalagay sa tenga ko ang cellphone ko.

"Nasaan na kayo? Naiinip na ang mga bata  kakahintay sainyo dito" sabi ng boses lalake mula sa kabilang linya pero agad ko din nakilala ang boses niya.

"Hayop ka! Nasaan ang mga anak ko!?" Sigaw ko dahil sa galit.

"Hulaan" sabi niya bago malakas na tumawa kaya naiyukom ko ng mariin ang kanan kong kamao dahil sa galit. "Hindi mo na sila saaken makukuha dahil hindi mo naman sila anak, anak ko sila hahahahahaha" sabi niya pa kaya mas kumulo ang dugo ko dahil sa sinabi niya.

"Nasaan ang mga anak ko! 'wag na 'wag kang magkakamaling ilayo saaken ang mga anak ko dahil makikita mo ang hinahanap mong hayop ka!" Puno ng galit kong sigaw kaya bigla na lang akong hinawakan ng dalawang sundalong kasama ko sa braso pero nagpumiglas ako dahilan para bitawan nila ako bago ako naglakad papunta sa elevator

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now