♡Special Chapter: CzaLlen♡

53 3 2
                                    


Czarianne POV

"Allen!" Tawag ko kay Allen habang sinusubukan kong kapain ang nasa harapan ko dahil nakapiring ako at hindi ko alam kung nasaan kami.

"Dad-i, I can't see anything" rinig kong sabi ni Czallen kaya lumingon ako sa kaliwa ko bago ko hinanap kung nasaan siya.

At nang mahawakan ko ang buhok niya, hinawakan ko ang kamay niya.

"Wait lang, 'wag kayong magulo jan, baka madapa kayo" rinig kong sabi ni Allen kaya nanatili naman kami sa kinatatayuan namin.

"Mom-i, dad-i really loves surprises" rinig ko namang sabi ni Czallie kaya hinanap ko din ang kamay niya para hawakan.

"Ewan ko ba diyan sa tatay niyo, sa susunod aatakihin na ako sa puso neto kakasurprise niya" natatawa kong sabi.

Naramdaman ko naman si Allen sa likod ko bago ko naramdamang inalis niya na ang piring sa mga mata ko. Kumurap-kurap ulit ako bago ako tumingin sa harapan.

"Surprise!" Masayang sigaw ni Allen pero nakatuon pa rin sa harapan ang atensyon ko at hindi agad ako nakapag reack. "Welcome to our new home" sabi niya kaya parang robot naman akong tumingin sakanya.

"Wow! Whaaaa dad-i I love it!" Tili ni Czallen bago tumakbo papalapit kay Allen para yakapin siya.

"Look 'bal! We have swings here!" Tuwang-tuwa namang sabi ni Czallie kaya tumakbo yung dalawa papunta doon sa may malaking puno dahil doon nakasabit ang swing na sinasabi ni Czallie.

"Careful 'nak" paalala ni Allen sa dalawa bago siya tumingin ulit saakin. Ngumiti naman siya saakin bago siya lumapit saakin at inakbayan ako. "Do you like it asawa ko?" Tanong niya saakin kaya nginusuan ko siya.

"Diba sabi ko sa 'yo hati tayo dito? 'di pa nga tayo nakakapag-plano tungkol sa bahay tapos nakapagawa ka na" nakanguso kong sabi.

"Sorry, excited lang" sabi niya.

"Kailan mo pa pinagawa 'to?" Tanong ko.

"Five months ago pa" sagot niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Five months ago pa?" Gulat kong tanong dahil hindi ko man lang napansin na may binabalak na pala siyang magpatayo ng bahay.

"Opo. Simula nung dumating kayo ni Czallen, nakaplano na 'to" proud niyang sabi kaya mas lalong lumaki ang mga mata ko. "Pwede naman natin ipaayos 'tong bahay kung gusto mo, wala namang problema 'yon" sabi niya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Seryoso, pwede natin ipaayos 'to tapos palitan nung plano mo-"

"Hindi na" malumanay kong sabi bago ko siya nginitian. "Hindi na mahalaga yung planong gusto ko, ang mahalaga ay sama-sama tayong titira dito. Kayo ang mahalaga saakin kaya 'wag na" sabi ko kaya bigla niya naman akong hinalikan sa labi.

"Tapos dito natin palalakihin ang mga anak natin," sabi niya bago siya bahagyang yumuko para pantayan ako saka siya ngumiti ng pilyo. "tsaka dito din natin pararamihin ang anak natin" sabi niya kaya tinakpan ko ang mukha ko bago tumawa.

"Tumigil ka ha" banta ko sakanya kaya tumawa din siya bago niya ipinulupot ang braso niya sa bewang ko.

"Tara sa loob" yaya niya saakin kaya pinulupot ko din ang braso ko sa bewang niya bago kami sabay na naglakad.

Tinawag ko naman yung dalawa kaya sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng bahay namin.

Hindi siya gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit. Pinturado na ang loob ng bahay at mukhang matagal na etong napintura dahil hindi ko na naamoy ang pintura.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now