CHAPTER 57

31 3 0
                                    


Czarianne POV

Naririnig ko na ang hiyawan at kantahan sa paligid ko kaya hindi naman ako mapakali sa inuupuan ko habang hinihintay ko na may magsalita sa mga kasama ko.

"Nandito na po tayo! Ackk!" Excited na sabi ni Coleen kaya ibinaling ko pakaliwa at kanan ang ulo ko kahit nakapiring pa rin ang mga mata ko.

"Nagsimula na ang concert nila? Late na tayo" kinakabahan kong sabi pero naramdaman ko na may humawak sa kamay ko bago siya nagsalita.

"Hindi pa tayo late ate, magsisimula pa lang tayo sa exciting part ihhhh!" Rinig kong sabi naman ni Chloe kaya mas kinabahan ako.

"A-a-anong gagawin ko? M-may sasabihin ba ako?" Nababalisa kong tanong sakanila.

"Relax, relax lang po. Ang gagawin mo sa ngayon ay maglalakad ng diretso, 'yon lang. Tara na po, aalalayan ka namin maglakad" rinig ko namang sabi ni Amara.

Hindi naman ako nagsalita at panay ang lunok ko sa sariling laway dahil sa sobrang kaba na nararamdaman ko.

Dumadagongdong sa paligid ang hiyawan ng mga babae kaya parang speaker naman ang dibdin ko dahil sa lakas ng kabod neto.

"Hakbang ka po" sabi ni Chloe kaya humakbang naman ako ng isa, pagkatapos ay muntik pa akong matumba dahil biglang umuga ang inaapakan ko pero buti na lang hawak ako netong tatlo.

"Heto na!" Excited na sabi ni Amara habang yinuyogyog ang braso ko pero tinigil naman agad niya.

"Coleen, anong oras na ba?" Tanong ko dahil hindi ko talaga alam kung anong oras na.

"Ala sais na po ng gabi. 'wag mo na po pansinin ang oras, retouch lang namin ulit kayo dahil kanina ka pa po pinagpapawisan ng malamig" natatawang sabi ni Coleen bago nila ako binitawan.

Napakamot na lang ako sa leeg ko bago ko biglang narinig ang boses ni mistisong hilaw mula sa speaker kaya itinuon ko ang atensyon ko sa sinasabi niya.

"Good evening mga lods!" Malakas niyang sigaw kaya umalingaw-ngaw ang boses niya sa paligid pati na ang tilian ng mga tao sa paligid. "Ako muna ang nasa harapan ninyo lahat ngayon dahil ako ang pinakagwapo saamin kaya dapat ako lang makikita niyo ngayon" mayabang niyang sabi pero ang lakas pa rin ng tilian sa paligid. "Gusto niyo ba 'yon!?" Pasigaw niyang tanong.

"Hindi!" Sigaw ko bago ako tumawa.

"Maraming oo pero may nararamdaman ako na may isa na sumagot ng hindi" sabi niya kaya natigilan ako.

Alam niya ba na nandito na ako?

"Hahahahaha lagot ka Ate Czar" rinig kong sabi ni Coleen pero tumawa lang ako.

"So ngayon, ititigil muna namin ng pandalian ang sayawan para sa isang malaking okasyon na magaganap... Ngayon din!" Sabi ni mistisong hilaw na bakas din ang pagkasabik sa boses niya. "As you see, alam kong maraming naguguluhan pa rin hanggang ngayon, marami pa rin ang nagtatanong kung sino nga ba si Czarianne Mendioro sa buhay namin" biglang seryoso niyang sabi kaya napatayo naman ako ng maayos.

Ako? Ako ang tinutukoy niya diba? Whaaa!! Gusto ko na umuwi.

"Ate, kalma lang. Nanginginig ka na jan" malumanay na sabi ni Amara saakin habang nararamdaman ko na inaayos niya ang buhok ko.

"Nasabi na namin noon na matalik namin siyang kaibigan, at she is one of the most important people to us. Czarianne, is my childhood friend, but I also considered her a sister because there wasn't a day that I wasn't with her." Sinserong sabi ni mistisong hilaw kaya napalitan ng tuwa ang puso ko. "Nakilala din namin sina Allen noong high school at ilan sa mga hindi kagwapuhan kong kasama ngayon ay kaklase ko noon" sabi niya kaya may ilan akong narinig na tumawa peeo ang ilan naman ay napa 'whoa' pero ako, nanatili akong nakangiti habang pinapakinggan siya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now