CHAPTER 32

48 6 0
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

"I'm sorry. Patatahanin ko na–" sabi ko pero naputol ang sasabihin ko ng mabilis siyang nakalapit sa kuna kung nasaan si Czallen at agad niyang binuhat ang bata at nanggigigil niyang tinakpan ang bibig neto kaya napasigaw ako. "Tito! Hindi makakahinga ang anak ko! Tito!" Sigaw ko at pilit kong inaailis ang kamay niya pero mabibitawan ko si Czallie kapag ginamit ko ang buong lakas ko.

Lumapit naman si Nei sakanya at aagawin sana si Czallen mula sakanya pero tumalikod siya saamen at malakas na pinalo sa legs si Czallen kaya mabilis kong binigay si Czallie kay Neicaj at malakas kong sinampal ang kaliwa niyang pisngi kaya madali kong naagaw si Czallen mula sakanya dahil sa pagkabigla niya.

"Bata lang siya! Ano ba ang nasa utak mo tito ha!?" Galit kong sabi at mas lumakas ang iyak ni Czallen at ganon din si Czallie dahil sumisigaw na ako.

Ayaw nilang nakakarinig ng sigaw lalong-lalo na ng ingay.

"Papatayin ko ang mga 'yan! Wala namang maiaambag ang mga 'yan sa pamilyang 'to–"

*Pak*

"How dare you" nagulat naman ako bigla ng makita ko si Tito Harvey na sinuntok si Tito Henry sa mukha. "I warned you. Don't touch my niece and her two child, this is the last warning Henry. Makikita mo ang hinahanap mo kapag lumapit ka pa sakanila" banta niya kay tito at bigla akong nanginig dahil ako ang natakot.

Natatakot na baka mas pag-initan pa ako ni Tito Henry.

"Czar!" Bigla namang humahangos na sabi ni Mark Jade pagpasok dito sa kwarto ko kaya naluluha ko siyang tinignan.

Hindi ko kaya. Hindi ko kayang alagaan ng mag-isa lang ang mga anak ko. Mahina ako.

"Go back to your house, bring the babies and don't come back here, Czar" sabi ni Tito Harvey kaya agad kong dinampot ang mga gamit ng kambal na agad namang kinuha ni Neicaj mula saaken bago kami lumabas ng kwartong 'yon.

Hindi ako lumingon ng tawagin ako ni Tito Henry at tiim bagang akong lumabas ng mansyon na 'yon kasama ang mga anak ko.

"Are you ok Czar? Wala ba siyang ginawa sa 'yo?" Tanong saaken ni Mark Jade habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. "That bastard, buti na lang at nakatakas agad ako kina Jellian" sabi niya bago niya kinuha si Czallie kay Neicaj.

"Shhh tahan na baby ko, uuwi na tayo" pagpapatahan ko kay Czallen na hanggang ngayon ay ang lakas ng iyak.

Namumula din ang mukha niya kaya pinunasan ko ang mga luha na nagkalat sa mukha niya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan at agad na sumunod si Mark karga si Czallie bago kami nagpaalam kay Neicaj.

Hindi na din sila nalalapitan ni Tito Henry dahil kay Tito Harvey na palagi ng nasa bahay netong nakaraang araw kaya panatag akong iwan sila doon.

Bumalik kami sa mansyon nina Mark at tulog na ulit ang dalawa kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Akin na si Czallen, matulog ka na" sabi ni Mark Jade pagpasok namen sa loob ng kwarto kaya tinitigan ko siya.

"Kailangan mo din ng tulog. May pupuntahan kayo bukas hindi ba?" Sabi ko dahil hindi siya pwedeng mawala sa sarili nilang concert bukas kasama sina Allen.

"Hapon pa naman, kaya kong matulog kahit anong oras. Matulog ka na, matutulog na din ako pag natulog na ng tuluyan si Czallen" sabi niya bago kinuha sa braso ko si Czallen.

Pagkakuhang pagkakuha niya sa anak ko ay agad akong nahiga dahil pakiramdam ko babagsak na ang katawan ko ano man na oras, nakatulog din ako agad at hindi ako nagising ng alas dose sa gabi gaya ng nakasanayan ko dahil pinapalitan ko ng diaper ang kambal. Si Mark Jade ang gumawa non at hinayaan niya akong makabawi ng tulog.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now