CHAPTER 30

54 7 2
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

"P-pejay" nauutal kong banggit sa pangalan niya.

"Ate? Ate ikaw ba 'yan? Kuya si ate ba talaga 'yang kasama mo?" Nasasabik na sabi ni Pejay habang dahan-dahan na lumalapit saaken.

Tinignan ko si Mark Jade na may pag-aalala at mas doble pa ang kaba ko kesa nung una ng makita ko ulit si Tito Joshua. Tinignan ko ulit si Pejay bago ako tumalikod at nahilamos ko ang sariling mukha.

"Ate!" Umiiyak ng sabi ni Pejay at naramdaman ko na lang bigla ang pagyakap niya mula sa likuran ko.

Tahimik akong umiyak habang yakap niya ako at ngayon ko lang labis na naramdaman ang pangungulila sa kapatid kong 'to. Pinunasan ko ang mga luha ko saka ako humarap sakanya at niyakap din siya.

Ang tangkad-tangkad niya na at mas lalong lumaki ang katawan niya na dati'y parang mga tingting lang. Bumitaw din agad ako sa yakap at hinawakan ko siya sa magkabilang balikat.

"Alis na, Pejay. Wala kang pagsasabihan na buhay ako. Kailangan mo ng umalis baka biglaang pumunta dito sina tito. Alis na" sabi ko kaya naguluhan naman siya.

"Anong nangyare? Bakit ako aalis? Ate–"

"Ako na, ako na magpapaliwanag sakanya, Czar. Magpahinga ka na, kailangan mong magpahinga ng maayos" putol ni Mark sa sasabihin ni Pejay. "At kahit puntahan ka nila dito hindi sila makakapasok dito, 'wag kang mag-alala" dagdag niya pa. "Ihahatid na muna kita sa taas. Pejay, hintayin mo ako sa sala" sabi niya bago niya ako inalalayan papunta sa taas kaya tinignan ko ulit si Pejay bago ako tumalikod sakanya.

Kapag nalaman talaga nina lolo na nakita niya ako, siguradong malaking gulo ang mangyayare. Hindi lang gulo, kaya rin nilang pumatay ng tao kung gugustuhin nila. Kaya nga ako nandito sa sitwasyong eto, kaya nga ako nasa puder ng lolo dahil ayokong mahirapan sila, ayokong pare-pareho kaming masasaktan.

Kaya nga sinalo ko lahat, sinakripisyo ko ang buhay ko para sakanila. At simula pa nung unang tumungtong ako sa mansyon, alam kong hindi lang ang dahilan na pagsama ni mama kay papa ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon.

Bakit nila ako kukunin sa pamilya ko kung ang ang dahilan ay ipagpapatuloy ko ang hindi natapos na pagsusundalo ni mama? Si mama lang ang makakasagot sa mga katungan ko kaya kailangan kong lumaban para masagot ko ang mga katanungan ko.

*****

Matapos ang ilang oras pinuntahan ako ni Mark dito sa kwarto ko at sinabing may pinapabigay lang si mama sakanya kaya nandito ang kapatid ko. Naipaliwanag niya na din ang lahat at nangako raw si Pejay na wala siyang sasabihin tungkol saaken.

Pinahatid niya din ang kapatid ko sa driver niya para protektado siyang aalis dito.

Kinabukasan, nagulat na lang ako bigla ng makita ko ang isang puting mahabang dress malapit sa higaan ko kaya biglang pumasok sa isip ko ang pinag-uusapan nilang kasal kahapon.

"Czar, you're awake" biglang pasok ni Mark Jade sa kwarto.

"Hindi tulog pa ako" mataray kong sabi sakanya para inisin siya pero bigla siyang ngumiti saka tumawa kaya inirapan ko siya. "Ngayon na ba?" Tanong ko sa seryosong mukha at tinignan ko ulit ang dress na puti.

"Hmm. It's a fake wedding, napag-usapan na namen nina daddy kahapon na hapon eto at 'yon din ang gusto nila. Pagkakataon na 'to para bumagsak sila" seryoso niya din na sabi kaya napatingin ulit ako sakanya. "And it's time para unti-unti kang makalaya sakanila" dagdag niya saka ngumiti saaken.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now