EPILOGUE

54 5 0
                                    


5 months passed...

Allen POV

A few months passed, maraming naganap sa buhay namin ni Czar sa loob ng limang buwan.

Ipinagpatiloy ni Czar ang pag-aaral at ensayo sa modelling hanggang sa makapirma na ng contract sina Czar bilang kasunduan sa pagitan niya at ng agency ng modeling company.

Sa loob ng ilang buwan, bumalik ang sigla ng mukha at katawan ni Czar. Mas gumanda din siya lalo na halos umiyak na ako dahil tuwing lalabas kami ng bahay ay pinagtitinginan siya ng mga lalaki na halos lahat sila ay lumuwa na ang mga mata.

Pero gaya ng pinangarap niya noon, unti-unti niya nang naabot ang pangarap niya bilang isang modelo. Nakikilala na siya ng karamihan at madalas din siya wala sa bahay para sa mga photoshoot na ginagawa niya kaya ako ang naiiwan sa mga anak ko tuwing wala siya.

Ako naman, nagpaalam na ako bilang isang idol. Pero kasama pa rin ako sa world tour na nagaganap ngayon dahil heto na ang huling pagdalo ko sa mga concerts namin. Bawat lugar din na napupuntahan namin ay walang oras na hindi ako naiiyak dahil sa huling oras ng concert namin ay nagpapaalam na ako sa mga taong sumuporta ng matagal saakin.

Masakit at mahirap bitawan ang trabaho kong 'to pero gusto kong manatali na sa tabi ng mga anak ko at kay Czar, gusto ko araw-araw silang nakikita at napaglalaanan ng oras para alagaan sila.

Kaya sa loob ng limang buwan at simula nung magpaalam ako bilang isang P-pop idol, maraming dumating na gusto akong kunin bilang isang artista, brand ambassador o modelo ng kung ano-anong products at minsan na akong nakatanggap ng imbitasyon para maging isang mentor ng mga bagong henerasyon ng P-pop Idols.

Maraming nakapila pero pinag-iisipan ko pa ng mabuti kung saan ako pupunta.

Tungkol naman sa mga anak namin, napag-usapan na namin ni Czar na ipapakilala namin ang kambal sa tamang panahon dahil wala namang sikretong hindi nabubunyag.

"Dad-i! Mom-i!"

Speaking of mga anak, heto at nasa harapan kami ng laptop habang ka video call ang dalawang anak namin na naiwan kina mama. Nandito kasi kami ngayon sa bicol dahil dito huling magaganap at magtatapos ang tour namin.

Guess namin si Czar kaya kasama namin siya.

"Nasaan si Czallen, baby?" Tanong ni Czar kay Czallie na abala kumain ng mansanas.

"Hi mom-i! Hello dad-i!" Masiglang bati ni Czallen nang sumulpot siya sa harapan ng camera.

Natawa naman ako nang makitang puno ng pulbos ang mukha niya habang may hawak etong foundation brush saka niya ikinakalat ang pulbos sa mukha niya gamit 'yon.

"Anong- Pejay! Czallen punasan mo ang mukha mo ngayon na" utos ni Czar sa anak niya pero parang walang narinig si Czallen at nagpatuloy lang sa ginagawa niya na parang inaasar pa ang nanay niya kaya mahina naman akong natawa.

"No pamangkin, ipagpatuloy mo 'yan. Ano nga ulit ang pangarap mo paglaki?" Rinig namin na sabi ni Pejay mula sa kabilang linya.

Ngumiti naman nang pagkalaki-laki si Czallen bago siya sumagot. "I want to become a super star! Just like mom-i and dad-i!" Masiglang sagot niya kaya napailing-iling ako habang tumatawa ng palihim.

"At bakit gusto mo maging super star?" Tanong ulit ni Pejay bago niya itinutok sa may bibig ni Czallen ang suklay na hawak niya.

Si Czallie naman ay walang pakialam sa mga pinagsasabi ng tiyuhin at kapatid niya at patuloy lang na kumakain kaya mas natatawa ako.

Ang cute nilang tignan! Nami-miss ko na tuloy sila.

"Para maraming gwapings na... Na masungkit... Ta... Tapos bigay kay Tito Pejay!" Pahinto-hintong sabi ni Czallen kaya pumalakpak naman si Pejay kaya mas lumakas naman ang tawa ko.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now