CHAPTER 8

87 13 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Nagising naman ako bigla dahil sa sikat ng araw na dumapo sa mukha ko. Tatayo na sana ako ng bigla akong napadaing dahil biglang sumakit ang ulo ko dahilan para bumalik ako sa pagkakahiga.

"Shit" daing ko at napahawak sa ulo ko.

Minulat ko naman ang mga mata ko at agad kong tinignan ang sarili ko at nanlaki agad ang mga mata ko ng makitang wala akong suot na damit kaya nataranta ako.

"May suot ka pang shorts 'wag kang mag-alala"

Napatingin naman ako sa pintuan ng bumukas 'yon at niluwa si Mark Jade kaya nakahinga ako ng maluwag.

Akala ko... Akala ko nangyayare na naman.

"Anong nangyare?" Tanong ko sakanya at naupo ng maayos sa kama ko.

"Naglasing ka kagabi malamang, ano pa ba?" Sarkastiko niyang sabi bago inilapag ang bitbit niya baso na may lamang tubig at gamot.

"Sinong nag-uwi saakin?" Tanong ko dahil wala na naman akong maalala.

"Ako natural. Kung hindi pa kita nakita siguradong pinagpe-pyestahan ka na ngayon ng media" sagot niya kaya napabuntong hininga ako. "Inumin mo na 'yan para mawala ng iyang hangover mo dahil nanjan si Czarina sa baba" sabi niya pa bago naglakad palabas ng kwarto ko.

Bumuntong hininga ulit ako bago tumayo para inumin yung gamot. Hindi pwedeng madagdagan ang kasalan ko sa hindi sinasadyang pangyayare.

May nangyare... Two years ago pakatapos din mismo ng isang show na pinuntahan namen, naglasing ako at sa sobrang kalasingan ko hindi ko na alam kung anong nangyayare sa paligid ko at sa sarili ko hanggang kinabukasan natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakahiga sa isang kwarto at iba na ang suot na damit.

Naalala ko na lang ay ang pagbanggit ko sa pangalan ni Czarianne habang nakapatong ako sa isang babae.

Hindi ko maalala ang mukha nung babae at hindi ko na gugustuhing maalala dahil kinamumuhian ko ang sarili ko! Pumatol ako sa babaeng hindi ko naman kilala at worst hindi ko naman mahal. At tuwing dadalaw ako sa puntod ni Czarianne, nahihiya ako sa sarili ko.

Hinihiling ko na sana... Sana hindi na lang ako nagpadalos-dalos at uminom. Hanggang ngayon nagsisisi akong ginawa ko 'yon.

"Kuya Allen" tawag saaken ni Czarina mula sa labas ng kwarto ko kaya nagmadali akong naglakad papuntang pintuan para pagbuksan siya.

"Good morning, Czarina" nakangiti kong bati sakanya bago siya niyakap.

"Ang bango mo naman po! May pupuntahan ka po?" Tanong niya saaken bago kumalas sa yakap.

"Wala naman, naligo lang ako kasi mabaho si kuya kanina" nakangiti kong sabi.

"Kuya kailan po uuwi si Tito?" Tanong niya saaken patungkol kay daddy.

"Si daddy? Hindi ko pa alam ehh" kamot ulo kong sagot. "Pero malapit na 'yon umuwi, marami lang siyang inaasukaso ngayon kaya hindi pa siya nakakauwi." Dagdag ko.

"Na mimiss ko na siya ehh, ehh si Tita, kuya?" Tanong niya ulit patungkol naman kay mommy.

Yup. Nakilala na nila si mommy, and noon ko din nalaman na kaibigan din ni mommy si Tita, nanay nina Czar. At  hindi na din siya umangal noon nung madalas kaming dalawa ni Katrina kunin ni daddy at isama sa ibang bansa.

Si lolo naman... Well nalungkot din siya nung nawala si Czarianne dahil gustong-gusto niya pa naman daw si Czarianne para saaken. Nasa ibang bansa din siya ngayon at hinayaan nameng magsaya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now