CHAPTER 58

37 4 0
                                    


Czarianne POV

Nang maramdaman ko na huminto sa pagtaas ang kinatatayuan ko, bigla akong nakaramdam ng tao sa tabi ko.

"Tatangalin ko na po eto" rinig kong sabi ng hinfldi pamilyar na tao kaya tumango na lang ako.

Dahan-dahan ang pagtangal nila nung VR headset saakin at nung tuluyan nilang maalis 'yon medyo malabo pa ang paningin ko at kukusutin ko sana ang mata ng biglang pinigilan ako ni Coleen.

"Ate 'wag! Mawawala ang make-up mo" sabi niya bago ko nakita ang paglapit niya saakin kahit pakurap-kurap ako para maging malinaw ulit ang paningin ko.

Nang tuluyang luminaw ang mga mata ko tinignan ko ang suot ko at agad na gumuhit ang pagtataka sa mukha ko ng makitang nakasuot ako ng puting gown na may nakadesinyong parang mga butterfly na kulay purple mula sa dibdib ko at iilan na lang sa baba. Nakasuot din ako ng makinang na bracelet at necklace.

"A-a-anong... bakit g-ganito ang suot ko?" Naguguluhan at pautal-utal kong tanong bago ako tumingin sa harapan at napasinghap ako ng makita si Allen sa hindi kalayuan na nakasuot ng tuxedo, katabi niya sina mistisong hilaw na pare-parehong nakasuot ng parang pang groomsmen suits.

Anong trip na naman ng mga 'to?

May mga bulaklak sa paligid at halos nakikita ng mga mata ko ay kulay purple na bulaklak. May pasilyo din sa harapan ko at sa mga gilid no'n ay may mga bulaklak din. Pero bigla akong nahiya ng makita ang maraming tao sa magkabilang gilid ng pasilyong 'yon na pare-parehong nakatanaw saakin.

"Nawala siya ng ilang taon sa tabi namin pero hinintay ko pa rin siya. Dahil siya, siya ang gusto kong makasama habang buhay" nakangiting sabi ni Allen kaya nagbadya ulit kumawala ang mga luha sa mga mata ko pero pinigilan ko.

Nakakahiya umiyak sa harap ng maraming tao!!

Pero hindi ko talaga mapigilan lalo ng nang biglang magpalakpakan at maghiyawan ang mga taong naririto.

Mayamaya lang sinuot na saakin ang wedding veil bago nila ako sinabihan na maglakad na papalapit kay Allen.

Hindi pa rin ako makagalaw sa kinatatayuan ko at nanatili lang akong nakatingin kay Allen habang umiiyak.

"Czar" tawag niya saakin gamit ang microphone. "Pakakasalan mo ba ako o pakakasalan mo ako?" Tanong niya kaya natawa ako kasama na ng mga nanonood saamin kaya pinunsan ko naman ang luha ko ng marahan.

"Eto na nga pakakasalan ka na" sabi ko kahit alam kong hindi niya naman ako naririnig.

Naglakad ako ng dahan-dahan at pagdating ko sa parteng may arko na puno ng bulaklakin, sumulpot naman sina mama at papa na mas ikinagulat ko.

"Seryoso? Kasal nga 'to?" Nagugulat kong tanong dahil akala ko palabas lang 'to.

"Hahahahahahahaha" tawa ni mama at papa kaya tinignan ko ulit si Allen na tumawa lang din dahil sa reaksyon ko.

"Alam kong nagugulat ka, pero this is for real asawa ko. Pakakasalan kita sa harap nilang lahat" sabi ni Allen kaya napakurap-kurap na lang ako.

"Paanong–"

"Mamaya na ang tanong 'nak. Halika na, hihahatid ka na namin kay Allen" putol ni mama sa sasabihin ko. "Halika na" nakangiti niyang sabi bago sila nagsimulang maglakad kaya naglakad na din ako.

Nagbago naman bigla ang music kaya doon natuon ang atensyon ko nang maging pamilyar eto saakin. At nang maalala ko kung ano at kaninong kanta 'yon, maluha-luha ko ulit tinignan si Allen.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now