CHAPTER 56

31 2 0
                                    


Czarianne POV

Habang nasa sasakyan ako kasama yung mga stylist nina mistisong hilaw, hindi ko maiwasang magtanong dahil nagtataka na talaga ako bakit wala akong alam sa magaganap ngayong araw.

"Uhm tanong lang ulit. Saan niyo ako dadalhin?" Tanong ko sakanila kaya sabay-sabay pa silang tumingin saakin at ngumiti.

"Secret na lang po 'yon. Iyon po ang bilin saamin ng mga kaibigan mo po" nakangiting sabi ni Coleen na inaayos ang mga make-up kita.

Nagpakilala na sila saakin kanina at medyo komportable naman ako sakanila kaya nakakapagsalita at nakaka-usap ko sila ng maayos.

"Ehh alam niyo ba kung nasaan eksakto pumunta yung mga kasama ko sa bahay?" Tanong ko ulit dahil baka alam din nila.

"Ah! Yung dalawang bata po kasama na nina Sir Mark, 'yon lang po ang alam namin." sabi ni Chloe kaya napanatag agad ang loob ko.

Tumahimik na lang ulit ako dahil mukhang abala sila sa pag-aayos ng mga gamit nila kaya hindi ko na muna sila aabalahin.

Pero habang binabaybay namin ang daan patungo sa kung saan man nila ako dadalhin, napatingin ako sa sarili ko dahil hindi pa ako nakakaligo, nakakahilamos man lang ng mukha dahil kagigising ko lang nung dumating sila. Hindi pa ako nagsisipilyo at higit sa lahat, suot ko pa rin ang sando at shorts na pantulog ko.

Nakakahiya!

"Nandito na ho tayo" anunsyo ni Coleen kaya naman agad akong tumanaw sa may bintana at nanlaki ang mga mata ko nang makitang huminto kami sa isang magarang hotel kaya napalingon ulit ako sa tatlong kasama ko.

"D-dito tayo?" Tanong ko sakanila.

"Opo. Aalis din naman po tayo agad pagkatapos ng mga kailangan niyong gawin dito" sabi ni Amara.

"Ano ba kasi ang gagawin–"

"Tara na po" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil inaya na nila ako palabas. "Kuya, hintayin niyo na lang po kami sa parking lot. Thank you!" Sabi ni Coleen sa driver bago nila ako hinila papasok sa hotel.

Shocks! Nakakahiya!

"Good morning, ma'am. Naka-ready na po ang room ninyo" biglang bati saamin ng isa sa mga empleyado ng hotel kaya mas nagtaka ako.

Ano ba kasi ang gagawin ko dito!?

"Miss Czar, didiretso na ho ba tayo sa kwarto o kakain na ho muna kayo?" Excited na tanong saakin ni Coleen kaya napaisip naman ako bigla.

"Gusto ko kumain, pero–"

"Nakahanda na ho ba yung pagkain?" Nakangiting tanong ni Chloe doon sa empleyado at tumango naman eto. "Pahanda na po ako nung mga pagkain" sabi niya dito kaya agad naman etong nagpaalam saamin.

Hinila ulit ako netong tatlo papasok sa elevator papunta sa 9th floor at saka kami pumasok sa isang VIP room. Pero bago kami pumasok pinigilan ko muna sila.

"Teka lang, bakit dito tayo?" Tanong ko sakanila kaya nagkatinginan naman ilang tatlo habang nakangiti pero hindi nila sinagot ang tanong ko at agad akong hinila papasok.

Muntik na akong mapanganga ng makapasok sa loob dahil napaka-eleganteng tignan dito. Pero para lang siyang restaurant na pinalaki dahil may counter din sa gilid at sa likod no'n ay may mga naka display na iba't ibang alak.

Inalalayan naman ako ni Amara at Coleen pababa sa hagdan papunta sa isang table na puno ng pagkain kaya doon na ako napanganga.

Ang sarap tignan! Unang titig ko pa lang natatakam na akong lantakan lahat ng 'yon lalo na nung makita ko ang pagkalaki-laking lobster.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now