CHAPTER 6

75 11 1
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

"Ilang taon ka na nga ulit, Julie?" Tanong ni Renzo kay Julie na kanina pa pabalik-balik dito sa loob ng bahay at naglilinis.

"Twenty two" sagot niya habang patuloy na pinupulot lahat ng kalat sa sahig.

"Ako na niyan" sabi ko sakanya at inagaw yung hawak niya dustpan at walis tambo at ako na ang nagpatuloy sa paglilinis.

"Edi nag-aaral ka pa pala?" Tanong naman ni Zendel.

"Home schooling" kibit balikat niyang sagot. "Ehh kayo ba? Ilang taon na kayo?" Tanong niya saamin.

"One hundred multiply by ten subtracted by eight hundred fifty minus one hundred add six minus thirty three" sagot ni Jellian kaya tumawa ako at napapailing na binalik sa kusina ang dustpan at walis tambo.

"Twenty three" mabilis na sagot ni Julie.

"Whoooo!" Sabay-sabay nilang sabi at pati ako ay napabilog ang bibig dahil sa bilis niyang ma-solve 'yon.

"Ang galing ahh, apir tayo jan" nakangising sabi ni Jellian sakanya.

"Ohh edi nag-aaral pa din kayo?" Nakakunot noong tanong nita ulit saamen.

"Hindi na. Nag advance learning na kaming lahat sa ibang bansa at pumasa naman dahil sa angking talino at kagwapuhan namen" mayabang na sabi ni Jellian at may kasama pang pagtaas baba ng dalawa niyang kilay.

"Yabang" nakangiwing sabi ni Julie.

"May ipagmamayabang syempre, so since tapos ka na naman maglinis. Puwede na ba kaming lumabas ha? Kanina pa kami nakaupo dito ohh" sabi niya.

"Hindi p'wede. May show kayo mamayang gabi–"

"Mabilis lang kami sa labas" putol ko sa sasabihin niya at nginitian siya.

"Ano ba kasi ang gagawin niyo sa labas?" Tanong niya at tinaasan kami ng kilay.

"Maglakad-lakad? Ano pa ba?" Pilosopong sagot ni Renzo sakanya.

"Hindi–"

"Oo na daw! Yes! Tara na!" Biglang sigaw ni Jellian kaya nagsitakbuhan kami pataas ng kwarto namin para magpalit.

Ganito ang ginagawa namen tuwing wala kaming ginagawa, ang maglayas sa bahay at takasan ang mga PA at manager namen noon. Kaya magsimula noon hindi na ulit kumuha si tito ng PA namen dahil matitigas lang naman daw ang ulo namen hahahahaha.

Pagbaba ko nakita ko na hinihila na ni Lawrence at Zendel si Julie palabas ng bahay at pinipilit na sumama.

"Sumama ka na lang para damay-damay tayo pag napagalitan kami ni tito" nakangiting sabi ni Jellian kaya umakbay ako sakanya.

"Haaaa!" Hikab naman ni Mark Jade mula sa likod namen.

"Puyat na puyat tol ah" pansin sakanya ni Val.

"Bakit pala nasa sofa ka na kanina natulog?" Nagtatakang tanong naman sakanya ni Zendel kaya napunta kay Mark Jade lahat ng tingin namen.

"Oo nga. Kagabi naalala ko pumasok ka sa kwarto mo tapos nung silipin kita sa loob tulog na tulog ka naman" sabi naman ni Jellian.

Palagi niya talagang sinisilip ang mga kwarto namen bago siya matulog. Para nga naming nanay 'yan sa sobrang pagpapaalala saamen na bago matulog.

"Nagising ko siya kanina hehehe" biglang sabi naman ni Julie kaya sakanya naman napunta ang tingin namen. "Doorbell kasi ako ng doorbell, siya yung nagbukas nung gate tapos nakita ko nakatulog na lang sa sofa" sabi niya pa at mukhang nailang siya sa mga tingin namen kaya dali-dali siyang pumasok sa loob ng van.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now