CHAPTER 53

29 2 0
                                    


Allen POV

Pagkatapos kong makausap si Jellian, naghanda naman ako ng agahan. Paborito nung kambal yung ginawa kong sandwich na ang palaman ay itlog na prinito kaya naghanda din ako non para sakanila.

Pagkatapos ko magsaing at magluto ng ulam, sinasabit ko pa lang yung apron ng biglang pumasok si Tito Josh dito sa kusina kaya nagulat ako.

"Naks naman, ang sipag" nakangiti niyang sabi kaya napailing ako. "Tulog pa ba ang mga mag-iina?" Tanong niya kaya tumango ako.

"Kumain ka na ba tito?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya.

"Pumunta talaga ako dito kasi may importante akong sasabihin" sabi niya kaya pinaupo ko muna siya sa harap ng lamesa. "Ano bang balak ni Czar? Rinig ko hindi niya na ipagpapatuloy ang pagiging sundalo" sabi niya kaya tumango naman ako.

"Gusto niya daw ho sana ipagpatuloy yung pagiging model niya" sabi ko at ewan ko ba pero parang ayokong bumalik siya sa pagiging model niya.

Kasi naman, sobrang hirap nung pinagdaanan niyang training noon at jusko lord! Iniisip ko pa lang ang salitang model gusto ko ng itago si Czar. Ayokong makikita siyang nagsusuot ng masyadong revealing sa harap ng maraming tao, ako lang dapat makakakita ng katawa niya.

Ako lang.

Pero kung ano ang gusto niya, susuportahan ko na lang siya ng sobra-sobra kasi 'yon naman talaga ang kailangan kong gawin.

"Pero tito... Pwede pa ho ba na mangyare iyon? Pwede pa ho ba siyang bumalik sa pagiging model kahit may anak na siya? Nag-aalala po kasi ako" sabi ko.

Nag-aalala ako na baka kung ano-ano ang sabihin ng mga tao sakanya kapag bumalik siya sa pagiging model at malaman nilang may anak na pala siya.

"Wala namang kaso sa kumpanya namin 'yon. As long as maganda, malinis at super healthy ng katawan, wala 'yong problema saamin. 'Yon ay kung babalik si Czar saamin" sabi niya. "Alam mo wala namang masama sa isang model ang may anak na, katawan at beauty ang labanan pagdating sa modeling sa totoo lang, at alam nating lahat na pasok na pasok doon si Czar, kailangan lang natin siyang alagaan pa ng mabuti para bumalik sa dati ang katawan niya" sabi pa ni tito pero nag-aalala pa rin talaga ako.

"Kakausapin ko ulit siya tito" mahina kong sabi bago ako tipid na ngumiti sakanya. "Pero tito... Pwede ba, na kapag bumalik si Czar, ikaw ang magiging manager niya? Ayokong ipagkatiwala siya sa iba ehh" pakiusap ko kaya ngumiti naman siya.

"Kung gagawin ko 'yon, kailangan kong ibigay sa iba sina Jellian" sabi niya na ikinatigil ko. "Alam ko na binabalak mo ng layasan ang pagiging dancer at singer mo" sabi niya pa kaya bumuntong hininga ako.

"Layasan talaga tito? Grabe ahh, gusto ko lang na hindi na mahahati ang atensyon ko, gusto ko kay Czar, Czallen at Czallie lahat mapupunta ang atensyon ko" sabi ko.

"Paano ang pagta-trabaho mo?" Tanong niya kaya ngumiti agad ako sakanya.

"Kalmahan mo tito, baka nakakalimutan mong maraming gustong kumuha saakin pagdating sa showbiz" sabi ko kaya nabatukan niya ako bigla.

"Baliw ka pala ehh. Akala ko pa full atensyon sa mag-iina mo? Tapos balak mo pumasok ng showbiz?" Magkasalubong na kilay niyang sabi.

"Tito, iba naman kasi yung pagiging full time dancer at singer ko, sa pag-so-showbiz–"

"Ganon din 'yon tuleg!" Putol niya sa sasabihin ko kaya natawa ako.

"Pero at least hawak ko ang oras ko kapag pumasok ako sa showbiz hindi gaya ngayon na halos araw-araw may ganap sa buhay namin nina Jellian na parang 'di matapos-tapos. Nakakapagod kaya" natatawa kong sabi.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now