CHAPTER 5

86 12 0
                                    

⚛⚛⚛

ALLEN

Natapos ang concert at naging successful naman at heto pasakay na kami sa van pero bago ako pumasok napansin ko na may nilalagay silang mga box sa isa pang van.

"Ano po 'yan?" Tanong ko sa isang guard.

"Yung mga box doon kanina sa pinasukan niyo" biglang sulpot ni Bella sa harapan ko at nilagpasan lang din ako at sumakay siya sa kotse niya.

Napakunot naman ang noo ko at napailing na lang ng isa bago tuluyang pumasok ng van.

"Ang weird bigla ni Bella ngayon" Sabi ni Jellian pag-upo ko sa tabi niya.

"Bakit?" Takang tanong ko.

"Bakit ka jan. Ehh kanina pa siya lingon ng lingon sa kung saan na parang may hinahanap" sabi niya kaya tinawanan ko siya.

"Ikaw ang weird kasi pati galaw niya binabantayan mo, gusto mo ba si Bella ha?" Asar ko sakanya.

"Luh? Ulol! Hindi kaya, hindi ako nagkakagusto sa kaibigan ko ano" sabi niya.

"Ahh ganon ba 'yon, Jellian?" Nang-aasar naman na sabat ni Justine.

"Pero bakit pala napapaamin ka bigla noon na gusto mo Czar, tuwing lasing ka" dagdag naman ni Lawrence.

"Ayy bakit kaya baliw na baliw ka din sa kaibigan kong iyon noon ha?" Balik ni Jellian kay Lawrence kaya tumawa ako.

"Bakit din daw kaya nakisali si Jade at balak din ligawan noon si Czar?" Sabi ni Lawrence sabay lingon kay Jade.

"Hoy! Aba't! Hoy kayo!" Turo niya saaming lahat. "Kayong lahat, 'wag niyong sabihin na hindi kayo nagkagusto kay Czarianne noon?" Taas kilay niyang tanong.

"Crush lang naman ahh!"

"Oo nga!"

"Tsaka kayong apat lang naman talaga nina Jellian ang gustong-gusto si Czar ahh. Pinag-aagawan niyo pa nga ehh" asar ni Zendel kaya nakatanggap siya ng batok doon sa tatlo.

"Hindi na ngayon" sagt ni Jade.

"May hinihinntay ako" sagot naman ni Lawrence.

"Ako? Aantayin ko na lang na babae ang lumapit saakin" sagot naman ni Jellian kaya nabatukan ko siya.

"Hindi ka ang liligawan, loko ka" natatawa kong sabi sakanya.

"Ayy! Kahit saan-saan na naman napunta yung usapan natin. Si Bella yung– ay teka speaking of Bella, diba kotse niya 'yon?" Sabi niya kaya napatingin naman kami sa bintana netong van habang umaandar.

"'yan ba? Baka parehas lang" sagot ni Justine.

"No. 'Yan 'yon, anong ginagawa niya jan?" Nakakunot noo kong sabi. "Pahiram po ako nung phone ko" sabi ko sa ikalawang manager namin na nasa harapan lang.

Pero nung tumingin ako sa harapan si Julie ang nakita ko. Yung make-up artist namin.

"Julie?" Nagtataka kong sabi.

"Julie? Hoy tol sinong Julie? Tawagan mo na si Bella at delikado na sa daan– Julie!?" Gulat din na sabi ni Jellian ng humarap siya.

"Anong–"

"Pinasabay na ho ako dito ng manager niyo–"

"Si tito?" Tanong ko sakanya.

"Opo. Tutulungan ko din ho kayong ayusin ang mga gamit niyo pagdating niyo sa bahay ninyo" Nakangiti niyang sabi.

"Yung phone ko at kuya pwede pahinto muna sandali ng kotse sa gilid" sabi ko at hindi pinansin ang sinabi niya.

Agad niya namang binigay saaken yung phone ko kaya tinawagan ko agad si Bella.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now