CHAPTER 15

79 9 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

"Eat" sabi ni Lolo Kier ng makita niyang hindi ko pinapansin ang platong nasa harapan ko.

"Hey, kumain ka na kung ayaw mo masigawan" pabulong na sabi saaken ng katabi ko kaya tinignan ko siya.

"Huh?" Tanong ko.

"You're spacing out, snap it! Eat your food before he gets mad at you" sabi niya kaya tumalima naman akong kumain kahit wala akong malasahan ni isa sa pagkain na hinain saaken.

"How old are you, Czarianne?" Tanong ni lolo saaken.

"S-sixteen" nauutal kong sagot.

"It's been sixteen years simula ng umalis ang nanay mo dito, alam mo ba 'yon? Naikwento ba niya kami sa 'yo?" Nakangiti niyang tanong saaken.

Tango lang ang naisagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Magaganda naman siguro ang naikekwento niya sa 'yo tungkol saamen" tango-tango niyang sabi.

Kabaliktaran ang kinukwento saaken ni mama.

"So siguro naman nasabi na sayo ni Henry ang hindi mo dapat gawin since pinalabas namen na patay ka na" sabi ni ulit.

*Klang*

Nagulat naman kami ng biglang mahulog ng katabi ko ang kutsara niya sa plato kaya agad siyang humingi ng pasensya.

"Sorry po, dumulas sa kamay ko" sabi niya bago pinagpatuloy ang pakain.

"So I was saying, nasabi niya na ba sayo?" Pagpapatuloy ni lolo sa sinasabi niya kanina

Tumango ulit ako.

"You're dead as meat kapag nagpakita ka sakanila" dagdag niya. "So, whenever you like or not, papasok ka sa eskwelahan kung saan sasanayin ka at magsasanay ka sa pagkasundalo." Sabi niya ulit na ikinatigil ko.

"Pero–"

"No buts. Wag kang aangal kasi isa sa mga hindi tinapos na trabaho ng nanay mo" madiing sabi ni Tito Henry bago ako nginisihan. "Gagawa ka din ng trabaho ng mga lalake dito sa bahay na to, kahit ayaw mo ay kailangan mong gagawin. Walang prinse-prinsesa sa pamamahay na to. Naiintindihan mo?" Medyo may kalakasang boses niyang sabi kaya napatango na lang ako dahil sa takot.

Dumating ang gabi at nagkulong lang ako sa kwarto kung saan nila ako dinala.

"Pst" tawag saaken ng kung sino kaya napalingon ako sa kung saan pero wala naman akong makitang tao. "Pst Czarianne, dito sa kabila" rinig kong sabi niya ulit mula sa likod kaya lumingon ako.

Nakita ko yung mga babae kanina na tingin ko ay mga kaedaran ko lang at nasa isang pintuan sila ngayon at hindi ko alam kung bakit sila nandito.

Dali-daling naglakad yung isa pero hindi sumunod sakanya yung babaeng katabi ko kanina kaya bumalik siya at hinila eto papalapit saaken.

"Ok ka lang ba?" Tanong saaken nung isa. "Ahh nga pala ako si Julie, nanay ko yung katabi ko kanina. Magpinsan tayo" pakilala niya saaken at ngumiti siya ng bahagya.

"Neicaj. Pinsan mo din ako, stop crying, 'wag mong ipapakita na mahina ka" sabi naman nung isa na katabi ko kanina kumain.

Bumuntong hininga silang pareho ng hindi ko sila kausapin at bigla na lang akong niyakap ni Julie.

"Nandito kami, tutulungan ka namen ha. Kaya please 'wag ka ng malungkot, demonyo talaga ang mga tao dito–"

"Ikaw lang" natatwang putol sakanya ni Neicaj.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now