CHAPTER 16

97 14 2
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

"Again!" Sigaw saaken ng sundalong nagtuturo saamen.

Kasalukuyan akong nagsasanay ng paglalakad ng maayos, yung pantay dapat ang likod pero may nakapatong na tatlong libro na sobrang bigat at kapal sa ulo ko.

Nagawa ko na 'to noon, sigurado akong kakayanin ko ngayon. Ang pagkakaiba nga lang, naka high heels ako at isang libro lang ang nakapatong sa ulo ko nung nagsasanay ako bilang isang modelo.

Nakailang balik-balik ako ng hindi nahuhulog at maayos ang pustura ng katawan ko pero kinabahan pa rin akong magkamali dahil sa hawak na latigo nung sundalo.

"Now, march!" Sigaw niya ulit kaya nagsimula kaming magmartya. "And left right, left right..." Dagdag niya at nilagyan niya ng ritmo ang pagkakasabi nun.

Tinignan ko naman sa gilig ng mata ko ang mga kasama ko at pansin ko na ako lang ang maraming nagagawang mali, ang sabi saaken nina Bella ay mga pinsan din namen sila. Mga second cousin at yung iba anak na ng mga pinsan namen.

Natapos ang halos limang oras na pagsasanay namen at sumasakit na ang katawan ko pero nagitla ako ng makarinig ng malakas na pito.

"Tara na" yaya saaken ni Neicaj at hinawakan ako sa braso para alalayang maglakad.

Nagugutom na ako. Hindi pa kami pinag-aalmusal at tanging tubig lang ang binigay saamen kanina.

"Anong gagawin naten?" Nanghihina kong tanong.

Alas kwatro ng madaling araw kami nagsimula kanina at palagay ko ay alas nwebe na ng umaga.

"Papasok na tayo sa eskwelahan" sagot saaken ni Julie habang patakbo kaming maglakad papasok ng mansyon.

May pinasukan kaming parang isang booth at may nagbigay saamen ng susuotin namen uniporme. Tinignan ko ang ginawa nina Bella at bigla na lang sila naghubad sa harapan ko.

"Normal na 'to saamen, now go get changed Czar" sabi ni Neicaj kaya naiilang naman akong naghubad at nagmadaling sinuot ang maiksing palda at mala jacket na pang-itaas.

Agad akong hinila ni Julie palabas nung booth na 'yon at nagsitakbuhan naman ang ilan palabas ng mansyon at nakita kong sobrang daming kotse at van ang nag-aantay sa labas.

"H-hindi tayo kakain?" Tanong ko sakanila.

"Hindi nila kami hinahayaang kumain sa umaga, tuwing tanghali at gabi lang ang oras kung saan tayo maghaharap-harap sa mahabang lamesa na 'yon" sagot saaken ni Bella.

'Hoy pards! Kumain ka ng maayos ahh para gumaling ka kaagad'

'Wag kang magpapalipas ng gutom pards! Wala pa namang nag-aalaga sa 'yo. Kawawa ka naman'

Bigla ko naman naalala si mistisong hilaw kaya kinagat ko ang ibabang labi ko ara pigilan ang nagbabadya kong luha.

Ano na kaya ang ginagawa nila ngayon? Kumusta na kaya sila?

Pumasok ang ilan sa van pero nagtaka ako kung bakit sa kotse kami pumasok nina Bella.

"Tayo ang pinaka apo ng matandang 'yon kaya hindi niya hinahayaang mawala tayo sa paningin niya at mapahalo sa iba" sabi ni Julie bago siya tumabi saaken dito sa loob ng kotse.

"At hindi ko din hahayaan na hindi kumain ang mga prinsesa namen" sabi ng kung sino kaya napatingin kami sa unahan.

"Tito Harvey!" Gulat na sabi ni Julie.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now