CHAPTER 48

28 1 0
                                    


Czarianne POV

"Si Tita Joy?" Biglang tanong ko ng mapansin na wala so tita sa paligid namen kaya sabay-sabay naman silang tumingin saaken.

"I'm here"

Napalingon naman ako sa likuran ng marinig ang boses na 'yon at 'kita ko si tita na paika-ikang maglakad habang inaalalayan ng dalawang lalake.

"Tita, anong nangyare sa 'yo?" Nag-aalala  kong tanong sakanya.

"Ehh ayon, hindi ako makalabas sa sasakyan nung paulanan kami ng bala. Nung paglabas ni Allen, sinubukan kong magmaheno pero tinamaan na ako sa balikat kaya ayon, naaksidente ako" kwento niya habang papalapit saamen. "Pero ayos na naman ako, 'wag ka na mag-alala saaken," sabi niya bago ako niyakap. "ang mahalaga nakaligtas kayo" sabi niya pa bago naupo sa tabi ko.

Tapos na akong kumain kanina pa dahil nagprisinta si Allen na subuan ako kaya ginaya siya ng dalawang anak namin kaya busog na busog na ako, kaya hinintay ko na lang silang lahat na matapos.

"Pards" biglang tawag saaken ni mistisong hilaw kaya binigyan ko siya ng nagtayanong na mukha. "Wala hahahaha" sabi niya habang tumatawa pero bumuntong hininga lang ako dahil alam ko na kanina pa siya nangangati magtanong.

Handa akong ikwento sakanila lahat ng gusto nilang malaman. Gusto ko na din kalimutan lahat ng masasamang nangyare saakin noon at gusto kong mananatiling alaala na lang 'yon dahil gusto ko ng ulit ng bagong buhay kasama siang lahat.

"Anong itatanong mo?" Sabi ko sakanya kaya saakin naman lahat napunta ang atensyon nila.

"Yung... Yung ano, diba ikaw 'yong nagsusulat kay Allen ng mga letters noon?" Sabi niya kaya tumango ako at umani naman ako ng asar mula sakanila pero tinawanan ko lang sila.

"Anong ibig sabihin nung KMM?" Dugtong ni Val sa tanong ni mistisong hilaw kaya napangiti ako.

"Saakin na lang 'yon" sagot ko kaya nagreklamo naman sila.

"Madaya!"

"Sabihin mo na!"

"Nahiya pa, dali na sabihin mo na"

"Kami lang 'to"

Sabi nila kay tumawa ako.

"Ayy alam ko na!" Biglang sabi ni mistisong hilaw kaya naghintay ako ng isasagot niya. Ngumisi naman siya bago ako tinuro. "Ikaw, alam mo kilala na kita ehh" sabi niya kaya mas natawa ako dahil mukhang alam niya nga.

"Ano?" Natatawang tanong ko.

"'wag mong sabihin na baliktad 'yon at magiging MMK?" Sabi niya kaya nagsitawanan naman sila.

"Maala-ala mo kaya? Pft HAHAHAHAHA" malakas na tawa ni Zendel.

"Taena, seryoso?" Hindi makapaniwalang sabi naman ni Renzo.

"Teka lang! 'di pa nga ako tapos ehh" sabat ni mistisong hilaw bago niya ulit ako tinignan. "Alam mo binaliw mo talaga ako kakaisip kung sino ang posibleng nagpapadala kay Allen ng letters noon, hindi lang nila alam" sabi niya kaya pigil tawa naman ang ginawa ko. "May meaning pa 'yong MMK na 'yon diba?" Tanong niya kaya tumango ako kaya pinag-apir niya ang dalawang palad niya.

"Ano? Ano?" Curious na tanong ni Ken kaya pinandilatan ko si mistisong hilaw at binabantaan na 'wag sabihin.

"Hoy! Ano nga?" Atat na tanong ni Val.

"Alam niyo kung ano?" Tanong ni mistisong hilaw kaya napaiwas na lang ako ng tingin. "Siya na ang bahala magsabi sainyo" sabi niya kaya umangal naman sila pati na sina tito kaya tumawa ako.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now