CHAPTER 24

53 8 0
                                    

⚛⚛⚛

MARK JADE

Continuation of flashbacks...

Nandito na silang lahat sa sala at minu-minuto akong napapasulyap sa bawat parte ng mansyon namen dahil baka bigla na lang lumabas si Czar sa pinagtataguan niya.

"Bakit nga pala kayo napunta dito?" Tanong ko sakanila kaya napunta saaken ang atensyon nila.

"Tatambay? Lagi naman kaming nandito tuwing sabado ahh" sagot ni Lawrence kaya napakamot ako ng batok.

Sabado ba ngayon? Akala ko linggo na.

"Hep! Hep! Hep–"

"Hooray! Hooray! Hooray!" Dugtong nila sa sinasabi ko kaya natampal ko ang noo ko.

"Jellian, saan ka pupunta? Balik" utos ko kay Jellian ng makita kong papunta siya sa may hagdanan.

Tinignan niya naman ako ng matagal bago siya tumingin kina Lawrence bago siya ngumisi ng nakakaloko.

"Eyy! May babae dito ano? Meron ano?" Pang-aasar niya kaya nanlaki ang mga mata ko. "Sabi na! Sabi na! Sabi na ehh! Nasaan? Saan mo pinatago–"

"Jellian" banta ko sakanya.

"Nah! Ikaw ahh kaya pala ang weird mo magsimula pa kanina. Nasaan? Tol hanapin niyo dali!" Nakangising maloko niyang sabi at agad na tumakbo sa taas.

"Yah! Errr" naiinis kong sabi at pabagsak na napaupo saglit sa sofa dahil sa ginawa ni Jellian pero agad din akong tumayo at tumakbo papunta sa kwarto kung saan madalas tumatambay si Czar kapag nandito siya.

Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan wala akong nakitang Czar, pero pag-sara ko ng pintuan kinabahan ako bigla ng marinig ang boses ni Jellian.

"Huli!" Sabi niya pero nanatili akong nakatalikod sakanila. Patay.

Humarap naman ako sakanila ng kalmado ang mukha pero ang totoo kinakabahan na ako ng sobra.

"Walang tao dito–"

"Anong ginagawa mo dito kung ganon?" Nakangising tanong ni Val kaya isa-isa ko silang tinignan at pare-parehong nakangiti ang mga labi nila.

"It's our maids room" sagot ko.

"Eyy, sigurado ka?" sabi ni Jellian. Wala talaga akong takas sakanila. Nasa kabilang dulo pa ang kwarto ng mga maid namen. "Ohh? Sino 'yon?" Biglang turo niya sa kung saan kaya napatingin ako doon pero isang pagkakamali na lumingon ako doon dahil pinagtulungan nila akong hilahin palayo sa pintuan para makapasok sila.

Napabuntong hininga na lang ako at napahilot ng sintido ng tuluyan na nga silang lahat makapasok sa loob. Napailing-iling ako pagkatapos pero agad din akong napatingin sa direksyon ng hagdanan ng makita ko si Czar doon.

Sinenyasan ko siyang tumaas kaya mabilis naman siyang pumanhik pataas kaya nakahinga ako ng maluwag bago ako pumasok sa loob ng kwartong pinasukan ng mga kaibigan ko.

"Wala namang tao mga tol" dismayadong sabi ni Zendel bago siya humarap saaken

"This is our maids room, at nandito ako para mag-utos. Ano ba iniisip niyo? Wala akong babae ok" kalmado kong sabi.

"Inaasar ka lang namen ehh, pero teka nasaan si Allen?" Sabi ni Jellian kaya hinanap ng mata ko si Allen dito sa loob ng kwarto pero wala, kaya sabay-sabay kaming lumabas ng kwarto at tinawag si Allen.

"Allen–" natigilan naman kaming lahat sa pagtawag sakanya ng makarinig kami ng lagabog mula sa taas kaya agad akong tumakbo pataas.

"Allen!" Tawag ko sakanya pero napahinto naman ako ng makita kong nakatayo lang siya at nakatalikod saamen at nasa gilid niya ang nabasag na vase naka puwesto sa gilid. "Allen, anong nangyare?" Tanong ko sakanya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now