CHAPTER 38

63 7 0
                                    


Czarianne POV

"Think about it my dear Czarianne, bakit ka namen dadalhin dito kung walang malalim na dahilan? Bakit gusto kitang kunin kesa sa mga kapatid mo?" Sabi pa ni tito kaya napaatras naman ako ng isang hakbang. "Hindi ka totoong anak ng tatay mo Czarianne, hindi ka niya anak. Hindi mo buong kapatid ang mga kinikilala mong kapatid. Ampon ang nanay mo–"

"Sinungaling! Sinungaling ka!" Sigaw ko sakanya at nakita kong nagsimula ng umiyak si Czallie habang sunod-sunod na paghinga ang ginagawa ko dahil pakiramdam ko ay sumikit ang dibdib ko.

"Mom-i" umiiyak na tawag saaken ni Czallie.

"Hahahahahahaha bakit? Masakit marinig ang katotohanan mula saaken?" Natatawang tanong saaken ni tito.

"Manahimik ka na tito! Sinungaling ka!" Sigaw ko sakanya pero mas tumawa lang siya bago tinignan ang anak kong si Czallie.

"At etong anak mong 'to? Hindi ko 'to pamangkin, alam mo kung ano ko 'to?" Nakangisi niyang sabi kaya mas kinuyom ko pa ang kamao ko na halos bumaon na ang mga kuko ko sa palad ko. "Anak–"

Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at agad kong pinaputok ang baril na hawak ko. Nadaplisan sa pisngi si tito pero nakangisi pa rin siyang nakatingin saaken.

"Czar!" Rinig kong sigaw ni Allen kaya dumoble pa ang kabang nararamdaman ko ng dumapo ang tingin ni tito sakanya.

"Kailangan mo pa ng konting insayo para patamaan ako ng bala sa mukha" nakangisi niya sabi at binalik ulit ang pagkakatutok ng baril niya sa ulo ng anak ko. "Nandito na lang din ang asawa mo, mabuti pang sabihin ko na ang totoo" sabi niya pa at naramdaman ko naman ang paghawak ni Allen sa kamay ko.

"Dad-i" sabi ni Czallie at kita ko kung gaano siya kasabik na lumapit sa tatay pero pinigilan siya ni tito.

"Anak" mahinang sabi ni Allen kaya hinigpitan ko naman ang pagkakahawak sa kamay niya.

Una nilang pagkikita 'to pero ganito pa ang nangyayare.

"Bitawan mo ang anak ko!" Sigaw ko sakanya.

"Anak ko din siya Czarianne, hindi mo ba alam 'yon? Kasama mo ako nung ginawa sila" sabi niya. "Naririnig mo ba ako Allen? Anak ko ang batang pinakilala sa 'yo ni Czarianne pati na ang batang 'to" sabi niya pa pero hindi umimik si Allen at ramdam ko lang ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ha! Mandiri ka nga sa sinasabi mo!" Sabi ko sakanya habang ramdam na ramdam ko ang pagiinit ng mga mata ko dahil sa pagpipigil ko sa mga luha ko.

"Totoo naman, anak ko sila. Hindi naman pwedeng maging apo ko sila dahil ako ang ama ng batang 'to" sabi niya at literan na bumagsak na nga ang mga luha ko.

"Apo?" Sabi ko.

"Ako ang totoo mong tatay" sabi niya kaya nasuklay ko ang buhok ko pataas bago ko tinignan sina Tito Harvey at lolo.

"Sabihin ninyong hindi totoo ang mga sinasabi niya" sabi ko sakanila.

"Syempre sasabihin nilang hindi totoo dahil ayaw nilang sumama ang loob mo sakanila anak ko–"

"Manahimik ka! Nakakadiri ka!" Putol ko sa sinasabi ni tito habang galit ang mga mata ko na nakatingin sakanya.

"Tito, sabihin niyong nagsisinungaling siya!" Sabi ko ng ibalik ko ang tingin kay Tito Harvey.

Halos maluha-luha na din ang mga mata ng mga pinsan ko lalo na si lolo at Tito Harvey. Yumuko na lang si tito kaya umiling-iling ako.

"Kita mo na? Hindi nila masabi-sabi ang totoo dahil takot silang magalit ka sakanila. Dapat matuwa ka nga saaken dahil ako pa mismo ang nagsabi sa 'yo" sabi ni Tito Henry kaya tinignan ko siya.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now