CHAPTER 55

29 2 0
                                    


Czarianne POV

Sumapit ang gabi at kanina pa ako palakad-lakad sa harapan ng bahay namin at nag-aalala na dahil hanggang ngayon wala pa din si Allen.

"'nak, pumasok ka na." Tawag saakin ni mama mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya na may pag-aalala sa mukha.

"Wala pa po kasi si Allen, ang sabi niya babalik siya ngayong gabi" nag-aalala kong sabi.

Hinawakan niya naman ang magkabilang balikat ko bago siya ngumiti ng bahagya saakin. "'wag kang mag-alala, maya-maya nanjan na 'yon. Baka nagabihan lang sa practice nila, tsaka bukas na yung event diba?" Sabi niya kaya tumango naman ako. "Uuwi na lang 'yon, nag-text na ba sa 'yo?" Tanong niya.

Tumango naman ako. "Opo. Pero kanina pa 'yon" sabi ko bago ako yumuko saka bumuntong hininga para ikalma ang sarili ko.

Nag-aalala lang talaga ako dahil bukod sa inaalala ko kung kumain na ba siya, baka pagod na pagod na 'yon ngayon.

"Ano sabi niya?" Tanong ni mama saakin kaya tinignan ko naman ang cellphone ko bago ako nagsalita ulit.

"Baka gabihin daw po siya ng uwi" sagot ko bago bumuntong hininga ulit.

"Iyon naman pala, sige na pumasok na tayo. Sa loob ka na lang maghintay" sabi ni mama kaya sumama naman ako sakanya maglakad papasok.

"Naalala ko noon mama, si papa kapag umuuwi ng gabing-gabi na, galit na galit ka" biglang sabi ko dahil naaalala ko yung mga araw na 'yon.

Eh si mama kasi likha ata talagang pinanganak na selosa kaya tuwing gabing-gabi na wala pa rin si papa, grabe na ang tumatakbo sa utak niya. Ehh sadyang pilyo daw noon si papa, kaya si mama naman todo overthink. Keso daw may ibang babaeng kinikita si papa, may hinahatid-sundo daw si papa ganon ganon.

"Ehh alam mo namang napakapilyo ng tatay mo noon, panong hindi magagalit. Ikaw ba naman pag-isipin ng grabe" natatawang sabi ni mama kaya napailing na lang ako habang nakangiti.

Pero buti na lang kahit ganon sila noon na halos dumadating pa sa point na nagigising ako ng hating gabi dahil sa away nila, tapos to the point na nakakarinig na ako ng masasakit na salita mula sakanila at halos mugto pa ang mata ko paggising ko. Pero pasalamat ako dahil hanggang ngayon magkasama pa rin sila.

*Kringg* *Kringgg*

Napatingin naman ako bigla sa cellphone ko ng bigla etong umilaw at tumunog.

"Si mistisong hilaw, tumatawag" sabi ko kay mama. "Sagutin ko lang po" paalam ko sakanya kaya tinanguan niya naman ako bago ako naglakad papunta sa dati kong pwesto kanina.

"Mistisong hilaw, si Allen?" Agad na tanong ko pagsagot ko sa tawag niya.

"Ako yung tumatawag, yung asawa mo ang hinahanap mo" nagtatampo niyang sabi. At pustahan tayo, nakanguso na naman 'to. "Ano ba namang buhay 'to oo, nabuhay na lang ata ako para maging witness sa pagmamahalan ninyong lahat–"

"Manahimik ka, ang drama mo" putol ko sa pagda-drama niya.

"Sabi ko nga" sabi niya. "Tch. Good evening diba?" Sarkastiko niyang sabi kaya napairap na lang ako.

"Tapos na ba kayo?" Tanong ko.

"'yon na nga. Napatawag ako kasi mukhang hindi makakauwi si Allen" sabi niya kaya agad naman akong nagsalita.

"Bakit!? Anong nangyare? May nangyare ba?" Sunod-sunod kong tanong.

"Kalma pards, kalma. Wala, walang nangyare kay Allen, ayos lang siya. Mukhang pagod lang ata dahil eto nakatulog dito sa sofa" sabi niya sa malumanay na boses kaya huminga ako ng maluwag.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now