CHAPTER 29

56 6 4
                                    


Continuation of flashback...

Mark Jade POV

Makalipas ang ilang weeks, hindi nakalabas ng bahay si Czar and even in her room, hindi siya lumabas at lagi lang siyang nakahiga sa kama niya at paminsan-minsan ko siyang naririnig na umiiyak.

Same goes to Allen, pagkatapos nung pangyayare kay Czar nung araw na 'yon pagbalik ko sa bahay namen nina Jellian tulala siya at mayamaya maiiyak at paulit-ulit na umiiling habang napapahilamos sa mukha niya. And nung tanungin namen kung anong problema, we we're so shocked when he said that something happened that night... He spend the night with a girl.

They're both problematic! And as for Czarianne's uncle, that devil, hindi man lang nahiya at talagang ang lakas ng loob niyang iharap ang mukha saamen matapos ng ginawa niya kay Czar.

At noon ko lang din napatunayan na wala talagang pakialam ang lolo nila sa kung ano man ang gawin ng demoyong 'yon sa mga apo niya. Kapag nakikita ko sila palaging kumukulo ang dugo ko at gusto kong manapak ng mukha pero wala pa akong lakas para gawin 'yon.

"Czar? Czar, please open the door. You need to eat" sabi ko habang kumakatok sa pintuan ng kwarto niya.

"Busog ako" mahinang sagot niya.

"Sinabi mo na din 'yan kahapon. Come on, Czar"

Bigla namang bumukas ang pintuan kaya yumuko ako at nakayukong humarap saaken si Czar kaya agad ko siyang niyakap.

"Let's go, your cousins is waiting in the dinning room" sabi ko at inalalayan ko siyang maglakad hanggang sa makapasok kami sa kusina nila.

Wala pa ang lolo at tito nila kaya mabuti ng kumain na siya habang wala pa ang dalawang 'yon. Pinaupo ko siya sa tabi ni Neicaj at agad siyang pinag-handaan ng pagkain sa plato niya, pero nang papaupo na ako sa tabi ni Czar ng bigla nameng marinig ang boses ng tito niya.

"You're eating without us?" Sabi niya kaya nilingon ko sila at nakita kong nakangisi siya habang naglalakad papunta sa upuan niya.

"Good morning, sir" bati ko sakanila ng walang reaksyon ang mukha at agad na naupo sa tabi ni Czar at hindi na muling nagsalita.

Patuloy lang kami sa pagkain at pasimple kong tinitignan si Czar baka hindi na naman kasi kumain ng maayos. Inabot ko ang tubig sakanya pero ng kukunin niya na sa kamay ko ang baso bigla siyang naduwal kaya agad niyang tinakpan ang bibig niya at nagmamadaling tumakbo papuntang banyo.

Nanlaki naman ang mga mata ko kaya agad ko siyang sinundan sa banyo. Inipon ko ang buhok niya sa likuran niya para hindi sita mahirapan sa pagduwal at hinagod ko naman ang likod niya gamit ang isa pang kamay.

"Are you ok, Czar?" Tanong ko sakanya at tumango naman siya bago niya pinindot ang flush button saka siya tumayo ng maayos.

Magsasalita pa sana ako ulit ng biglang may humila saaken palayo kay Czar at tinulak pa ako bago niya hinawakan ang buhok ni Czar at hinila niya papunta sa sala.

Patakbo akong sumunod sakanila at sinubukan kong hilain ang tito ni Czar palayo sakanya pero tinadyakan niya lang ako ng patalikod bago niya patulak na binitawan si Czar, dahilan para mapa-upo siya sa sahig.

"Czar" tawag ko sakanya at agad na inalalayan siyang tumayo.

"Are you pregnant!?" Biglang taas ng boses ng tito niya habang masama ang tingin kay Czar.

Natigilan naman ako sa tanong niyang 'yon at agad na napa-isip. Kung b-buntis si Czar... Napatingin ako sa tito niya at nagbabagang tingin ang binigay ko sakanya. Ginalaw niya si Czar. H-hindi, h-h-hindi pwede eto.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now