CHAPTER 27

63 9 0
                                    


Continuation of flashbacks...

Czarianne POV

Dumaan ang ilang araw at heto na naman ako, naglalakad sa gilid ng kalsada at napapatingin na lang sa mga dumadaang mga sasakyan. Gabi na at dumaan lang ako saglit sa bahay namen para bisitahin sina mama.

Napapa-isip na naman ako na kapag nagkakasakit sina mama, inaalagaan kaya siya ng mga kapatid ko? Dati ako gumagawa ng bagay na 'yon at ngayon pakiramdam ko, ang sama kong anak dahil hindi ko man lang sila maalagaan ngayon.

Naputol naman ang pag-mu-muni-muni ko ng biglang mag-ring ang cellphone ko kaya agad kong sinagot ang tawag ng makita ang pangalan ni Tito Joshua, ang tito ni Allen.

"Tito" bungad ko ng maitapat ko ang cellphone sa tenga ko.

"Nakita mo ba si Allen?" Nag-aalalang tanong niya mula sa kabilang linya.

"H-ho? H-hindi po. Bakit po?" Naguguluhan kong tanong.

"Hindi mo ba siya sinusundan ngayon?" Tanong niya ulit kaya umiling ako kahit hindi niya naman ako nakikita.

"H-hindi po. Bakit po, may nangyare po ba?" Nauutal kong tanong.

"Well... Ano kasi akala ko sinusundan mo siya ngayon kaya napatawag ako dahil hindi na naman namen siya makita" sabi niya na puno ng pag-aalala ang boses. "Anyway, kami na ang bahala sakanya, 'wag ka nang mag-alala, sasabihan na lang kita 'pag na hanap na namen siya" sabi niya ulit saka niya ako binabaan.

Napapikit naman ako ng mata sandali bago ko inilabas ang sumbrero ko bago ko sinuot 'yon saka ako tumakbo sa kung saan.

Pumasok ako sa maliliit na iskinita at palingon-lingon ako habang tumatakbo at nag-babakasaling makita si Allen. Lumabas ako at puro na mga mall at market site na ang nakikita ko pero naghanap pa rin ako.

Masyado nang sikat ang pangalan at mukha ni Allen kaya sigurado akong pag-titinginan at pagkakaguluhan siya kung sakali namang may makakita sakanya. Pero gabi na din at malabong may makakilala pa sakanya lalo na kung naka-disguise siya.

Takbo lang ako ng takbo habang napapatingin ako sa screen ng cellphone dahil baka nag-text o tumatawag na si tito, pero wala pa naman kaya nagpatuloy ako sa pag-hahanap.

Mayamaya lang napahinto ako sa harapan ng isang bar ng parang bigla kong makilala ang likuran ni Allen. Nag-tago ako sa isang poste malapit sa entrance ng bar at hinintay ko siyang huminto para masigurado ko na si Allen nga 'yon.

"Tol!" Sabay-sabay kaming napalingon sa lalakeng sumigaw mula sa may kotse pero ng makumpirma kong hindi naman siya isa sa mga kaibigan ko ay ibinalik ko ang tingin sa lalakeng 'yon at saktong lumingon din siya at bigla na lang tumalon ang puso ko ng makita ko ang mukha ni Allen.

Mas ibinaba ko pa ang sumbrero ko para walang makakilala saaken saka ako naglakad papunta sa entrance ng tuluyan siyang makapasok.

Eto ang unang pagkakataon na makapasok ako sa isang bar, bigla akong nappaagilid ng bigla-bigla na lang may susulpot sa harapan ko habang sumasayaw. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at agad kong nakita si Allen sa mahabang counter at nasa harapan niya ang isang bartender.

Tumayo ako sa isang mataas na table na halos dibdib ko ang taas at tinanaw ko si Allen mula dito. Medyo malayo ang pwesto ko sakanya at tama lang para hindi niya ako makita at mapansin.

Nakaka isang minuto pa lang at isang jumbo beer na ang naubos niya.

"Hey, want to drink with me?" Biglang lapit saaken ng isang lalakeng mukhang kano hawak ang isang baso ng alak kaya agad akong umatras.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now