CHAPTER 20

74 10 3
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

"You're back! Hahaha come sit beside your brother–"

"Saaken siya tatabi" putol ni Tito Harvey kay lolo bago sila dumaan sa likuran ko at naupo sa harapan ko.

Kanina pa nakakuyom ang mga kamao ko dahil suot na naman ni Tito Henry ang manyak niyang ngiti at umaatake ulit ang phobia ko pero pinipigalan ko lang at hanggat maaari hindi ako sakanya tumitingin.

"Of course, I'm back" nakangising sabi ni Tita Joy kay lolo at diretsong kinuha ang kutsara tinidor at parang nasa isang karinderya lang siya na malayang ginagawa ang gusto niyang gawin sa pagkain na nasa plato niya. "So why the hell did you bring Czarianne, here?" May diin niyang tanong habang seryoso ang tingin kay lolo at Tito Harvey.

"Manners, Joy we have visitors here" madiin din na saway sakanya ni Tito Harvey kaya tinignan ni tita sina Mark Jade.

"Ano na namang pakulo 'to ha?" Taas kilay niyang tanong.

"Shut your mouth, Joy" banta sakanya ni lolo at balak pa sana sumagot ni tita ng pigilan siya ni Tito Harvey kaya napairap na lang siya at tumingin saaken bigla kaya napaiwas ako ng tingin sakanya.

Nakakatakot ang mukha ni tita ngayon.

"So, how's your work, Andres?" Biglang sabi ni lolo para pagaanin ang atmosphere sa paligid

"Same old, Ned. Same old" bored na sagot sakanya nung matanda. "So let's talk about your concerns now, you know that I hate wasting time" dagdag niya at bahagyang ngumiti.

Nagpatuloy ako sa pagkain at nakikinig lang ako sa usapan nila hanggang sa mag-salita ulit si lolo.

"How about having a arrange marriage? To that young man and to my granddaughter, Czarianne?" Sabi niya kaya nasamid ako.

"Pa!" Sabay na angal ni Tito Harvey at Tita Joy.

"I promise that your son, Nathan, will be having a good position to my business and also shares from my businesses" patuloy ni lolo ng hindi man lang pinapansin sina tita.

Agad ko naman pinunasan ang bibig ko matapos uminom ng tubig at ibinaba sa plato ang hawak kong kubyertos sa kamay.

"Hinding-hindi 'yan mangyayare–"

"Hindi pa ngayon. Pagtumungtong na sila sa tamang edad para magpakasal and we'll proceed to planning their wedding" putol ni Tito Henry sa sasabihin ni Tito Harvey.

"What do you think, Andres and Nathan?" Nakangiting tanong ni lolo sa dalawa.

Wala namang umimik at hinintay ang sagot nila. Tumingin silang dalawa saaken at nahuli ko din na nakatingin saaken ni Mark Jade pero iniwas ko din agad ang tingin ko sakanya bago ko tinignan si lolo.

"You said you'll do everything, kapalit ng kalayaan mong makalabas ng mansyon eto" nakangiti niyang sabi kaya matunog akong ngumisi.

"Do whatever you want, I'm done eating" mapakla kong sabi bago tumayo at naglakad palabas ng kusina at balak kong lumabas ng mansyon ngayon pero nakarinig ako ng mga yabag na sumusunod saaken.

"Czar, Czarianne teka lang" tawag saaken ni Mark Jade kaya tumigil ako sa paglalakad pero nanatiling nakatalikod sakanya hanggang sa maabutan niya ako.

"Gagawa ako ng paraan para hindi matuloy–"

"Hayaan mo sila sa gusto nila" putol ko sa sasabihin niya at naramdaman kong tinitigan niya ako kaya tinignan ko din siya. "Wala na akong pag-asang makalaya sakanila, hindi na ako makakabalik sa pamilya ko at hinding-hindi ko na magagawa ang mga gusto ko. Kaya bakit pa ba ako tututol? Nagmumukha akong puppet nila na dinidiktahan nila lagi kung anong gagawin ko sa buhay" sabi ko at sinuklay ko ang buhok ko pataas bago naglakad ng tuluyan palabas ng bahay pero nakasunod pa rin pala siya saaken.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now