CHAPTER 17

53 7 0
                                    

⚛⚛⚛

CZARIANNE

Continuation of flashback...

Nang makarating kami sa mansyon namamawis na ako ng malamig at sobrang pinagpapawisan na din ang dalawa kong kamay kaya naiyukom ko yun.

Natatakot ako, inaamin ko, dahil hindi ko alam kung ano pa ang kayang gawin saaken ng tito kong 'yon.

Pagpasok na pagpasok ko sa loob ng mansyon agad na bumungad saaken ang mukha ni tito na sobrang seryoso ng tingin saaken at may hawak pang sinturon kaya napalunok ako.

"What did you do?" Madiin at sobrang lalim ng boses niya ng sabihin niya 'yon.

"P-pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko–"

"Pinahiya mo lang ang pangalan ng lolo mo!" Sigaw niya kaya napaitad ako at napaatras.

"Mas mahalaga pa ho ba 'yan kesa sa kaligtasan ko?" Matapang kong sabi dahil hindi ata tama na pagalitan niya ako gayong pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko.

"You're talking back now?" Naiinis niyang sabi at tumalikod saaken at kinausap ang isang kasambahay bago ulit humarap saaken.

Lumapit siya saaken at bawat yabag niya ay sobrang bigat at habang papalapit siya ng papalapit, mas lalo din akong kinakabahan kaya napapaatras ako.

Hinawakan niya ang kaliwa kong braso ng sobrang higpit bago ako pabagsak na itinulak sa sahig.

"Matuto kang disiplinahin magsimula ngayon" madiin niyang sabi kaya tiningala ko siya at binigyan ng masamang tingin.

Hinding-hindi ako magpapatalo sa 'yo!

Bumalik yung kasambahay na kausap niya kanina na may dalang dalawang nigo pero magkaiba ang laman. Nilapag niya 'yon sa harapan ko at nakita kong asin at monggo ang laman non kaya alam ko na agad ang gagawin saaken.

"Lumuhod ka sa dalawang nigo na 'yan, ngayon na!" Galit niyang sabi.

Magsasalita pa sana ako ng hilahin niya ang buhok ko dahilan para mapatayo ako at pabagsak niya ulit akong binitawan kaya parehong tuhod ko na ngayon ang nakaluhod sa asin at monggo.

"Lagyan ng tigdalwang mabibigat na libro ang kamay niya" utos niya sa isa pang kasambahay saka niya kinuha ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay ng libro sa dalawang kamay ko dahilan para mapadaing ako. "Hindi ka aalis jan hanggat hindi pa magtatanghalian" sabi niya bago ako iniwan sa gitna.

Pagkaalis nilang lahat bumagsak na lang ang luha ko dahil nahihirap talaga ako sa sitwasyon kong eto. Ayoko dito.

Dumating ang tanghalian at saka lang ako nakatayo ng dumating sina Julie at Neicaj at tinulungan akong makapaglakad. Hindi rin ako nakakain ng maayos dahil sa pagod kaya nakatulog ako.

Kinagabihan, sinabi saaken ni Neicaj na nakaburol na daw ang peke kong katawan sa bahay at naibigay na din ang mga sulat na ginawa ko kaya napapalunok na lang ako para pigilan ang 'wag umiyak.

Patawad. Siguro nga mas mabuti na ganito ang mangyare kesa sila pa ang mahirapan.

Araw-araw ganon ang sistema ko sa pamamahay na eto, kung hindi didisiplinahin, pahihirapan, pagagalitan at higit sa lahat momolestyahin ng tiyuhin kong nakahithit ng isang libong katol.

Pero hindi naman natutuloy dahil palaging saktong dumarating ang kakambal niya para iligtas ako. Nagkaroon ako ng phobia tuwing makikita ko si Henry kahit na si Tito Harvey.

"Lumayo ka saaken!" Sigaw ko sakanya ng bigla na lang siyang pumasok sa kwarto ko.

"Czar!" Sabay-sabay na tawag saaken nina Bella pagpasok dito.

Miss Super High Standards (Season 2)Where stories live. Discover now