3 » ang mga pesteng uban

440 65 504
                                    

Kahit minsang tinatamad na 'ko ay hindi naman nakakasawang pumunta dito sa bahay ni Aling Maria

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kahit minsang tinatamad na 'ko ay hindi naman nakakasawang pumunta dito sa bahay ni Aling Maria. Malayo pa lang e nanunuot na sa ilong ang matamis na amoy ng rosas at sampaguita.

Magaling at mahilig kasing magpatubo ng bulaklak itong matanda. Akala mo tirahan ng diwata e. Napakakulay ng paligid. Paborito ko 'yong arko niya ng bougainvilla, pati 'yong koleksyon niya ng rosas. Nakakainggit kaya.

Mahilig din kasi ako sa bulaklak. Pero sila ang walang hilig sa 'kin. Lagi na lang nila akong sinusukuan. Inaalagaan ko naman sila nang mabuti. Nakakasama lang sa loob.

Natigil ako nang mapansin kong sarado pa ang tarangkahan ng bakod. Tahimik din ang paligid. Ano kayang nangyari? Araw-araw ko kasing naaabutan si Aling Maria na nagdidilig ng halaman. Sa'n kaya nagpunta?

"Aling Maria?"

Walang sumagot. Tinalon-talon ko pa ang bakod.

"Aling Maria, andyan ho ba kayo?"

Wala pa ring sagot.

Umikot na 'ko sa likod at sinipat-sipat ang kubo. Mukhang wala talagang kaluluwang gumagalaw sa loob ah.

Uwi na lang kaya ako?

Bumalik na lang ako sa harap ng tarangkahan at naupo sa tabi. Pinag-iisipan ko pa ang balak kong pag-uwi ng maaga. Kung tutuusin kasi pwede ulit akong matulog.

Pero sayang din 'yong bayad na isang kilong kamatis. Magagalit kasi si Nanay pag wala akong dala. Ewan ko nga do'n, ang hilig niya sa kamatis─mukha na nga siyang kamatis e.

Matapos dumaan ang isang oras sa pagpalipat-lipat ko ng pwesto ng pwet, na minsan ay kinakausap ko na lang ang mga nakausling bulaklak sa bakod, pati ang mga insektong naligaw sa kinauupuan ko ay may naaninag na rin akong parating

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Matapos dumaan ang isang oras sa pagpalipat-lipat ko ng pwesto ng pwet, na minsan ay kinakausap ko na lang ang mga nakausling bulaklak sa bakod, pati ang mga insektong naligaw sa kinauupuan ko ay may naaninag na rin akong parating. Hay salamat!

Ang nasa unahan sa kanila ay si Aling Maria. Kuba at uugod-ugod ang kilos. Gumegewang-gewang din habang naglalakad, akala mo matutumba e. Buti na lang at may dala siyang tungkod, disgrasya panigurado kung wala.

'Yong matangkad naman ay si Frankie. Nagmukhang maliit ang dala nitong supot dahil sa laki ng pangangatawan. Kasamahan ko siya sa pag-uuban. Hindi lang talaga mahilig magsalita, nalunok niya siguro ang dila niya.

Issa IlusyunadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon