8 » ang nakalimutang malong

223 22 211
                                    

Payapa ang mundo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Payapa ang mundo.

Nagliwaliw ang mata ko sa mga burol. Parang mga berdeng alon sa malawak na kapaligiran hanggang sa abot ng aking natatanaw.

Mainit ang ihip ng hangin.

Lalo kasing nag-iinit ang katawan ko dahil wala man lang punong-kahoy o kahit ulap man lang na pwedeng masilungan. Nagpaligsahan ang mga butil ng pawis na pumatak at sumisingaw lang naman pagbagsak sa espaltadong kalsada na nakalatag sa ibabaw ng burol.

Lumipad ang tingin ko sa harapan nang may naramdaman akong pagpisil sa isa kong kamay.

Natagpuan ko na lang 'to na halos sinakop na ng kamay ni Frankie. Hila-hila niya pa rin pala ako.

Hindi ko maiwasang mapangiti. Ang totoo na para akong kinagat ng boltahe ng kuryente. 'Yong boltahe na parang pinaplaster ang ngiti sa labi. Pinisil niya ulit, lalong tumaas ang boltahe.

Pero teka, kanina pa 'to si Frankie ah. Nananadya na 'to e. Hindi porke't gusto ko e pwede na niyang hawakan at pisilin ang kamay ko.

Hinablot ko ang kamay na siyang paglingon niya naman. Ang inosente ng mata nito na tiningnan ako nang patanong.

"P-pasensiya ka na," mabilis niyang sabi nang nakita niya na tinago ko sa likod ang dalawa kong kamay.

Napangiti tuloy ako nang lihim sa pagkataranta niya. Dinaan sa kamot ng batok at paghahanap ng kung ano sa paligid. Hindi katulad kahapon na pwede siyang lumakad nang malayo. Alangan namang iwanan niya ako rito.

"E...sa'n na tayo ngayon?" tanong ko sa hindi pa rin mapakaling si Frankie. Ulo na ngayon ang kinakamot niya at parang naghahanap ng naliligaw na ibon sa kalangitan.

"Uh, punta tayo kina Barbara," sabi niya. Mukhang nakahinga rin siya nang maluwag dahil mahinahon at tuwid na ulit ang tindig niya.

"May...may kukunin lang ako sa bahay," dagdag niya.

"Pupunta tayo sa bahay n'yo?"

"Malapit lang," tipid niyang sagot.

"Malapit lang 'yan ha."

Tumango siya kasabay ang pinong ngiti. Binagalan ko na naman ang paglakad, letse kasi 'tong labi ko na ayaw tumigil sa pagngiti. Kaso katulad kanina na binagalan niya rin. Nakakainis ha. Pinilit ko na lang sumimangot para hindi halata.

Hindi katulad kanina na puro lang damo ang nakikita sa burol, ngayon ay may kalat-kalat na na ng puno ng kalamansi.

Nahuhuli ko si Frankie na napapangiti sa tuwing kumukunot ang noo ko. Pa'no ba naman kasi 'tong parang iisa lang ang hitsura ng mga kalamansi. Kung ano ang posisyon ng dilaw na dahon, nakalaylay na prutas, pati ang nabaling sanga sa taas ay parehong-pareho sa iba. Parang kinopya lang ang lahat ng mga 'to at basta na lang tinusok sa lupa.

"Namaligno ba tayo?"

Tumawa si Frankie. Ngayon ko lang siya narinig na tumawa. Pati ako napangiti. Nakakainis talaga ang boses niya, bakit kasi anlamig?

Issa IlusyunadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon