7 » ang musika ni lolo

211 23 206
                                    

Ang kaninang itim na ulap ay nagkawatak-watak sa malakas na pag-ihip ng hangin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang kaninang itim na ulap ay nagkawatak-watak sa malakas na pag-ihip ng hangin. Bumugad ang bughaw na langit. Lumiwanag ang paligid. Humuhuning muli ang mga ibon at mga kulisap.

Pero─

Hindi ko kayang maglakad sa tabi ni Frankie. Nakakailang kumilos, nakakailang tumingin. Nakakailang ang katahimikan sa gitna namin. Sana nauna na lang siya e.

Bahagya akong sumulyap, gusto ko lang namang malaman kung sa'n siya nakatingin. Pero napatingin din pala siya. Sa hindi inaasahang pangyayari, nagtama ang aming mga mata.

Nag-iwasan kami ng tingin. Nakakailang ang dumaang sumisitsit na hangin.

"Tara na," basag ni Frankie sa katahimikan.

"E...sa'n pala si Barbara?" tanong ko sa kanya. Pilit kong binabalik ang dati kung saan wala akong hiya sa harap niya.

"Nauna na," maiksi niyang sagot, hindi man lang tumingin sa 'kin.

Katahimikan na naman.

Binagalan ko ang lakad, ayoko lang sa tabi niya. Nagsisitayuan kasi ang balahibo ko sa braso pag napapadikit siya. Nakakainis!

Kaso binagalan din niya. Ano ba? Umusog ka nga nang konti. Do'n oh, ganyan.

Nakayuko ako at hinahanap sa mabatong lupa kung ano pa ang sasabihin. Pa'no ba? Itatanong ko ba kung maayos ang gising niya? Kung ano ang agahan niya?

"Mainit 'no?" sabi ni Frankie. Nagulat ako. Nahulog kaya 'to sa higaan? Ngayon ko pa lang siya narinig na unang nagsimula ng usapan.

"Oo nga e, m-mataas na kasi ang araw." Nagulat din ako sa sagot ko. Ang bait lang, hindi ako 'to e.

Palihim akong sumulyap. Bakit, bawal? Kaso letse, nahuli ako. Nakatingin din pala sa'kin. Ang inaasahan kong iiwas siya ulit, pero hindi. May biglang naghahabulang paruparo sa tiyan ko sa pag-ngiti niya.

At biglang lumakas ang ihip ng hangin. Tila nilalaro nito ang kulay-lupang buhok ni Frankie.

May musika. Mabagal at nanunuyong musika na sinasabayan ng pagkutitap ng mga alitaptap na naligaw sa kasikatan ng araw.

Natagpuan ko na lang ang sarili na nakatingala sa mapusyaw na kayumanggi sa mata ni Frankie. Kasabay ang malago at mahabang pilikmata, ito ang ngumiti para sa kanya. Tumagos sa balat ang tingin niya, para akong tinutunaw.

"Errmm─"

Bigla akong natauhan sa pagtikhim niya. Ang mga mata niya ay naging patanong. Kumunot ang noo ko.

Tumikhim ulit si Frankie, at isa pa ulit.

Lalo pang nalukot ang noo ko. Hinahanap sa kasulok-sulukan ng mukha niya ang sagot. Kakahanap ko nga e naligaw sa manipis at mapula niyang labi ang mata ko. Lumukso ang dibdib ko nang gumalaw ito dahil sa pagtikhim niya na naman. Hindi ko talaga maintindihan, hanggang sa tinulak ng daliri niya ang baba ko.

Issa IlusyunadaWhere stories live. Discover now