11 » ang huling issa

95 11 65
                                    

Ang gulo

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang gulo.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isipin. Kung binigay 'to ni Lydia kay Barbara para ipakita sa 'kin, pero bakit? At bakit dinaan niya pa kay Barbara? Bakit hindi na lang niya binigay sa 'kin nang diretso?

Isa pa, kahapon lang kami nagkakilala. Hindi pwedeng may alam na siya tungkol sa 'kin. Hindi pwedeng may kilala siya sa mga nakapalibot sa 'kin.

Ang sakit sa ulo.

"Anong ibig sabihin nito?" Sa lahat ng tanong na sumiksik sa utak ko ay 'yan lang ang nangingibabaw at ang tanging lumabas sa bibig ko. Kahit gustuhin ko man na masagot lahat, pero mukhang malabo.

"Pinuntahan kita sa bahay n'yo." Ang layo ng sagot niya. Naningkit ang mga mata kong inaral ang mukha nito. "Kaso─"

"Kaso, naligaw ka? Hindi ka pa naman nakapunta sa 'min e." Ako naman ngayon ang nameywang sa harap niya.

"Hindi ako naligaw, tanga. Tinanong ko si Jack."

"Tinanong mo si Jack?"

Lalong sumakit ang ulo ko. Bakit kailangan pa akong puntahan ng personal kung nagkikita naman kami sa trabaho araw-araw. At sinadya niya pa talaga si Jack. At isa pa kung bakit hindi niya ako naabutan kung nauna pala siya kay Frankie, baka nga may iba talaga siyang pinuntahan. Marahas kong kinamot ang ulo kahit hindi naman makati.

"Issa─" Natigil ang rambulan ng utak ko sa muling pagsalita ni Barbara. Matagal niya akong tinitigan na parang binabasa ang lahat ng galaw ko.

"Issa, kailangan mo nang umuwi." Nagpanting ang tenga ko. Kakarating ko lang dito, papauwiin na 'ko? Gano'n na ba ako kasagabay sa kanila?

"Sabi ko nga." Binitawan ko siya ng matalas na tingin bago nagtungo sa pinto. Hindi ko matiis at nilingon ko pa siya.

"At kayong dalawa ha, magsama kayo!"

Parang kisapmata na nasa harap ko na agad si Barbara. Pinagdikit niya ang magkabilaan kong braso sa tagiliran at tinulak ako hanggang kama.

"Ano ba, Barbara! Bitiwan mo nga 'ko!"

"Tigil! Upo!" Sapilitan akong napaupo sa lakas ng pagkatulak niya sa 'kin.

"Sabing bitiwan mo 'ko e!" Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang lakas niya. Para akong bata na walang magawa kahit na anong gawin kong pagpupumiglas.

"Isa! Dalawa!"

Hindi ko inalis ang matalim na tingin kay Barbara, at nakikipagkompetensiya pa sa 'kin. Ilang minuto ang lumipas at pareho kaming tumigil. Sabay din kaming nagpakawala ng buntong-hininga.

"Hindi kita pinapauwi sa inyo." Binitiwan niya rin ako nang maramdaman nitong hindi na ako gumalaw. Sa pangalawang pagkakataon nagpakawala ulit siya ng napakalalim na buntong-hininga. Ang tagal nitong nakatayo sa harap ko na parang naghahanap ng bwelo.

"Issa, ikaw na lang ang natira. Mahirap ipaliwanag, pero nasa panganib ka."

"'Yan na 'yon? 'Yan na 'yong palusot mo? Akala ko magaling ka?" Tinawanan ko siya sa mukha. Nakakainis, hindi ko rin maintindihan kung bakit ako galit na galit.

"Umayos ka nga!" Tinulak na naman ako papaupo nang akmang tatayo na ako sa kama. Malapit lang naman ang agwat namin sa tangkad, bakit hindi ko siya kayang tatagan?

Lumipad ang mata niya kay Frankie na natuod sa pinto. Sumisenyas na nagtatanong sa damuhong hindi makatingin sa 'min nang diretso.

"Ang hirap mo naman," sabi ni Barbara na may pailing-iling pa.

Hindi ko tuloy alam kung ano ba talaga ang nangyari. Tsaka ko lang naramdaman ang maalinsangang hangin na umihip galing sa veranda. Kahit papano ay nagpakalma ako nito.

"Issa─" Tiningala ko si Barbara sa muli niyang pagsasalita.

"Hindi ka ba nagtataka kung bakit nagsasalita ang aso?"

Nataasan ko siya ng kilay. Ano na naman? Tinotopak na talaga 'to e.

"Hindi 'yon normal, Issa."

"Ibig mong sabihin hindi normal ang nanay at tatay mo?" Nagawa kong tumayo at tinigasan ang mukha sa harap niya.

"H'wag mo ngang isama ang Mamang at Papang ko rito!" Inalis ko ang mabigat niyang kamay na dumapo sa balikat ko.

"H'wag kong isama, e sino ba 'yang tinutukoy mong aso? Si Kuya ko 'yan ah!" Nakatiim ang bagang ko na tinitigan ang nagtitimpi niyang kamay. Ang kapal naman ng mukha niya na siraan si Kuya, sa harapan ko pa.

"Isabelle─" Humarang si Frankie kay Barbara.

May kung anong pwersa ang umihip sa lahat ng inis ko nang nasa harapan ko na siya. Unang beses niya akong tinawag sa buo kong pangalan, pero bakit nalalasahan ko ang pait sa tono nito? Pait na hindi ko alam kung saan niya hinugot.

Malamig. Kasinlamig ng nagyeyelong tubig ang boses niya na kailangan ko pang yakapin ang sarili. Kasinlamig ng abandonadong kama, ng umagang walang sinta.

Isabelle. Ayan na naman. Ang boses niya na tinatangay ako sa karimlan. Hahayaan ko na lang ba para marinig ka lamang?

"Barbara, anak?"

Kumurap ako. Natuon ang mata ko sa nakabusangot na si Barbara. Hinablot ko ang kamay ko kay Frankie, bakit hawa niya?

"'Nak, ano ang ihahanda ko kay Issa?" tanong ng ginang sa labas ng kwarto.

Tiningnan muna ako nang masama ni Barbara bago bumaling sa nanay niya.

"'Yong katulad lang po ng kay Frankie, 'mang."

Ang maldita nito. Tinulak pa 'ko sa balikat bago nagtungo sa tokador. Dinampot niya do'n ang pitsel at nakabusangot pa rin na bumalik sa kinaroroonan namin.

"'Yan, sa 'yo na, tig-isa kayo!" Nagulat ako nang tinulak niya sa harap ko ang hawak niya. Hindi ako tinigilan hangga't hindi ko 'yon kinuha.

"Tss, hindi mo agad sinabi." Sinadya niya pang banggain si Frankie bago nagtungo sa pintuan.

"Dinala mo pala 'yan sa lungga mo," dagdag niya bago lumabas ng kwarto.


********************

H'wag kalimutang magkomento, at pindutin ang bituing walang ningning :D

Issa IlusyunadaWhere stories live. Discover now