12.1 » pulang takipsilim

80 9 70
                                    

"Natutuwa ako't napasyal ka, hija

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Natutuwa ako't napasyal ka, hija." Parang kisapmata na humaba at dumampot ng pritong langaw sa plato ang dila ng ginang. Ang hirap na hindi tumingin sa kanya gayong magkaharap lang kami sa lamesa.

"Opo, wala po kasi si Aling Maria," sabi ko na pahapyaw na lang ang tingin sa kanya. Ang pangit naman kung lagi na lang akong nakayuko.

"Oh, h'wag kang mahiya. Kain ka lang," sabi ng ginoo na nakaupo sa kabisera. Dumampot din siya ng langaw sa plato gamit ang dila niya.

'Yan nga ang problema ko ngayon. Bukod sa kakaiba nilang kinakain, at kahit na may pritong manok naman na hinanda ang ginang para sa 'min, pero hindi ako makasubo nang maayos dito sa katabi ko.

Nakakailang na siya pa talaga ang naglagay ng kanin sa plato ko. Siya rin ang naglagay ng hita ng manok. Pa'no niya naman nalaman na 'yon ang gusto ko?

"Sana dalasan mo ang pagpunta rito, hija. Si Frankie lang kasi ang laging kausap nito ni Barbara." Tinapunan ni Ginang Hunyango ng tingin ang katabi niya na kanina pa hindi ginalaw ang pagkain.

"Iba rin kasi pag kapwa babae ang kakuwentuhan 'di ba?" May pilyang ngisi pa ang ginang na parang may ibig sabihin lang.

"Opo, pag wala po kaming pasok, bibisita po ako," sabi ko. Lihim ko ring sinulyapan si Barbara. Hay naku, kung alam lang nila kung pa'no ako inaway kanina nitong hija nila.

"Itong si Frankie, parang anak na namin 'to," sabi ng ginoo at tinapik niya pa ang balikat ni Frankie na nasa kaliwa niya. Napatingin tuloy ako kay Frankie na hindi niya rin siguro sinasadyang tumingin sa 'kin. Nag-iwasan kami ng mata. Nadampot ko ang baso at nainom ang itim na tubig nang wala sa oras.

"Dati, laging seryoso ang hitsura n'yan. Kahit noong bata pa 'yan parang pasan lagi ang mundo. Kaya naman natutuwa ako't nakilala ko na ang nagpapasaya sa kanya."

Pinilit kong h'wag lumabas sa ilong ang nainom kong tubig. Sapilitan ko 'tong nilunok at muntik na akong mabilaukan. Ako ba ang tinutukoy nito?

"Oh, Barbara, hindi ka pa kumain," tanong ni Ginang Hunyango sa katabi. Totoong hindi pa kumakain si Barbara. Parang ewan na bigla na lang may sinisilip sa labas, tapos biglang napapatalon. Kanina pa 'to na parang hindi mapakali.

"Oo nga pala, mamang!" sabi ni Barbara. Kaduda-duda na bigla siyang masigla. "Dito raw po matutulog si Issa, wala raw po ang mamang niya."

Pinandilatan ko si Barbara ng mata. Ano bang pinagsasabi nito?

"'Di ba, Issa? Sabi mo kanina?" Pekeng-peke ang ngiti nito. Hindi naman yata naniwala ang ginang dahil gumalaw ang ibabaw ng mata niya kung saan do'n sana ang kilay.

"Magandang ideya 'yan!" sabi ng ginang. Akala ko nagdududa siya kanina, bakit bigla rin siyang masigla? "Magluluto ako ng masarap para sa hapunan. Sa kwarto ka ni Barbara matutulog, ha, hija?"

"Pero─"

"Wala si mamang mo 'di ba? Umalis?" Binigyan na naman ako ng pekeng ngiti nito ni Barbara. Kahit na pumunta siya sa bahay at wala si Nanay do'n. E pa'no pag umuwi mamayang hapon? Pagagalitan ako no'n pag hindi ako umuwi.

Issa IlusyunadaWhere stories live. Discover now