4 » kina aling maria

336 49 316
                                    

Tumatagaktak ang mga patak ng tubig sa sahig na gawa sa kawayan

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumatagaktak ang mga patak ng tubig sa sahig na gawa sa kawayan. Nahiya akong tumuloy, ang kintab kasi. Alagang-alaga sa bunot e.

Mabilis ko na lang tinakbo mula pintuan hanggang kusina, siniguradong konti lang ang naiwang bakas sa sahig.

Naabutan ko ro'n si Aling Maria na nagtitimpla ng juice sa isang malaking pitsel. Pula ang kulay dahil s'yempre kamatis na naman 'yan.

"Ala e mukhang gutom ka na, ineng. Kumuha ka na riyan," sabi niya at katulad kanina na ang lapad pa rin ng ngiti.

"Pasensiya na po sa sahig." Pinakita ko sa kanya ang basa kong shorts at bestida.

"Ala e ayos lang, ineng. Kuha na riyan e."

"Opo," sagot ko. Hindi naman mapagkaila dahil sadyang traydor 'tong tiyan ko. Ang lakas ng tunog, ipangalandakan talaga e.

Ang bilis ng mga paa kong naglakad papunta sa isang mahabang lamesa. Hmmm, ang bango ng adobo. May namataan din akong isang bandehado ng pinakbet. Napalunok ako nang wala sa oras.

Hindi lang pala 'yon, kumakaway ang escabecheng isda. Nang-aakit ang usok ng kanin sa isang dambuhalang kaldero. Ginisang sili sa kaliwa at sa kanan. Pyesta!

Nakakapagtaka rin na ang bilis magluto ni Aling Maria, kahit siya lang mag-isa e. Minsan nga ay itatanong ko sa kanya kung ano ang sikreto niya. Ang hirap kasi kay Nanay, hindi ka man lang matutuwa.

"Ineng," tawag ulit ni Aling Maria. Tinakpan na niya ang pitsel na kanina niya pa hinahalo.

"Kumuha ka nire nang kuminis ang iyong kutis." Binigyan ako ng pilyang ngiti na may kasamang kindat pa. Kaloka lang po, umaano kayo e.

"Opo," sagot ko na lang. Alam niya na hindi talaga ako umiinom n'yan, pero ang kulit niya pa rin. Kahit pampakinis pa ng kutis, hindi bale na lang po.

Matapos kong maglagay ng maraming pagkain sa plato ay dumiretso na 'ko sa maliit na sala na kadikit lang sa kusina. Naiilang pa rin ako sa tumutulong tubig galing sa damit ko. 'Di bale, ayusin ko na lang mamaya.

Umupo ako sa dulo ng mahabang sofa na gawa sa kawayan. Paborito ko 'tong pwesto dahil malapit sa bintana. Masarap kayang kumain pag may kasabay na maaliwalas na hangin, tapos may maganda pang tanawin. Busog na ang tiyan, busog rin ang mata.

Nagsimula na akong kumain at wala pa 'yong dalawa. Umusli ang nguso ko, ano pa kaya ang ginagawa nila sa labas?

Nangalahati na ko't kakapasok pa lang ni Barbara. Walang tingin-tingin na dumiretso ito sa kusina. Nakasimangot din, ano kayang problema no'n?

Mayamaya'y tumabi rin siya, hindi ko tuloy maiwasang tumingin sa kanya.

"Ang tagal n'yo yata?"

Binigyan lang ako ng blankong tingin bago pinasakan ng adobo ang bibig niyang malaki. Natanga tuloy ako, bakit parang galit?

Issa IlusyunadaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon