Chapter 3: Car Racing No More?

3.1K 60 0
                                    

Nix's POV

Pagtapos kong makipag kita kay Evone ay dumaretso na ako sa bar na laging pinag ta tambayan namin nila Rex at Jon.

"Hey, musta buhay nang may asawa." Bungad agad ni tukmol Rex. Wala na talagang sinabing maganda.

"Parang hangin lang kami sa isa't isa ni Preet." Sagot ko.

Tumabi ako sa kanila ni Jon at umorder nang iinumin.

"Parang hangin. Pwede ba yun? Hindi man lang ba humanga sayo." Sa tono nang boses ni Jon ay parang naasar pa ah.

"Ayoko pang matali sa kahit sinong babae. Si Evone lang ang seseryosohin ko." Sagot ko na may pagmamayabang pa na tono.

Si Evone lang ang nababagay sa ka gwapuhan kong to. Naks! Mahangin ba?

"Seryoso ka ba talaga kay Evone? Anong tawag mo sa ginawa nyo ni ... hindi ko kilala eh. Ang dami non pre!" Matawa tawa pa si Rex.

"Ganon dapat pre. Dapat share ur blessings diba." Sagot ko pa. May ipagmamalaki naman ako bat ko ikahihiya to.

"Nasan na ngayon yung WIFE mo kuno." Tanong naman ni Jon bago uminom nang alak.

"Ayon nasa galaan rin. Mind her own business." Sagot ko.

"Mapapadali pala buhay mo. Parehas kayong gala, wala syang gusto sayo, edi hindi yan magsusumbong sa daddy mo." Sabay kindat ni Rex.

"Be thankful na si Preet ang napunta sayo. Actually nandito nga sila kanina. Hot nya ayaw mo ba sa kanya? Akin na lang." Pagbibiro ni Jon.

Nabatukan tuloy sya ni Rex habang tumatawa. Naiiling na lang ako sa pagka chick boy nang mga to.

Tumunog yung phone ko at agad ko namang tinignan yun baka si Tita Andrea yung mommy ni Preet.

Dylan's calling....

Si Daddy pala to. Bakit kaya tumatawag ang isang to. Nabigay ko naman kay Preet yung address through text.

Hindi kaya naligaw sya?

"Ano?" Bungad ko sa kanya.

"Kamusta kayo ni preet? Is Everything's going to be fine?"

Nangamusta pa eh ang kailangan lang naman nya apo.

Paano si Ate Darlyn sa sobrang busy nilang mag-asawa halos wala na silang time sa isa't isa ito namang si Kuya Nate okay naman ang relasyon nila pero habang tumatagal nalaman nilang may problema sa bahay bata si ate Rica. Kaya minsan lagi silang hindi nagkaka intindihan.

Kaya yan ang dahilan kung bakit ayaw ko pang mag-asawa. Nakikita ko yung hirap nang pagkakaroon nito.

"Okay lang naman kami ni Preet. Napaka sweet talaga nya Dad." Pag sisinungaling ko.

"Talaga nix? E kung banatan kita sa kidney nang malaman mong wala ka sa mansyon ngayon."

What?

"Ayusin mo pagsisinungaling mo. Hindi yan tatalab sa Daddy mo." Bulong ni Jon. Sinabayan pa nang tawa ni Rex.

"Pumunta ka ngayon na dito sa mansyon kung ayaw mong malintekan!"

Pinatayan na ako nang phone. Hindi ko pa natitikman yung inorder ko ay tumayo na ako sa pagkaka upo ko. Hindi na ako nag pa alam at baka pagtawanan pa nang mga tukmol nato.

Ano na naman kaya gusto ni Dad. Ang dami dami nya talagang alam na gawin.

Nang makarating na ako sa mansyon agad naman akong nag park. Nakita ko ang kotse ni Dad at isa pang kotse. Kay Preet siguro yun.

Pagka pasok ko palang umalingasaw na agad yung pabangi ni Dad. Masyadong matapang.

Nakita ko syang nasa sofa nagtatabako katapat si Preet. Tuwang tuwa sya sa kinukwento ni Preet.

Tawa na kahit kelan hindi ko pa babigay sa kanya. Pero si Preet? F*ck! Who the hell i care. Wala naman akong nagawang tama sa paningin nya.

"Nandito na pala ang magaling kong anak." Biglang nag seryoso ang mukha nya.

"Diba nangako ako na pag hindi mo tinrato nang tama si Preet at hindi mo rin sya tinrato bilang isang asawa sa ayaw at gusto mo hindi kana mag ka car racing diba." Kalmadong dagdag pa nya.

"What do you mean dad?" Seryosong tanong ko. Sapat na sa akin na binabawasan nya yung allowance handa akong tanggapin yon. Wag lang nyang idamay ang pag ka car racing ko.

"Kaibigan ko ang nagpapatakbo don at pinakuha ko na kay Dean ang no. Niya, maya maya ay hindi kana mapapabilang sa susunod na tournament."

Dahil sa sinabi ni dad ay agad kong nasuntok ang dingding. Napa lakas siguro kaya naman dumugo nang sobra yubg kamao ko.

Lahat ba kukunin na nya sakin. Pinaghirapan kong makapasok sa tournament tapos mawawala lang nang ganito ka bilis. F*ck!!

"Uhm... Sir uhm... Daddy i mean. Sorry pero kasama ko po sya sa bahay kanina." Sabat ni Preet.

Napatingin naman si Dad sa kanya. Kasabay nun ang pag dating ni Dean.

"Talaga? Bakit hindi ka nya hinatid king ganon." Naguguluhang tanong ni Dad.

"Nauna na po ako kase gusto ko pong gamitin yung kotse ko," pagpapalusot naman ni preet.

Mukhang pag dating kay Preet ay ang gaan gaan nang loob nya.

Kinuha nya parin ang papel na hawak ni Dean. Binasa nya at binigay kay Preet.

"Kung may gawin man syang hindi maganda. Tawagan mo lang ang no. Na to did you get it?" Sabay abot kay Preet.

Tumango naman si Preet at ngumiti.

Life saver si Preet. Siguro kung wala sya ngayon dito lahat nang pinaghirapan ko wala na ngayon.

"Si Dean ay maiiwan dito. Sya ang magbabantay sa inyo yet mag mo monitor kung ok lang ba ang lahat at kung may pangangailangan kayo. May no. Rin si Dean kung gusto mong makarating sa tournament umayos ka Nix."

Nakahinga ako nang maluwag nang maka alis si Dad. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko kaya naman nayakap ko si preet at bumulong sa tenga.

"Thank you Preet, Ur my life saver." Naramdaman kong bumilis ang tibok nang puso nya sabay tulak sakin.

"Lumayo ka nga sakin abno to!" Pagtataray nya ulit. Sa tuwing nag tataray sya sakin hindi sya nagmumukhang terror. Nagiging cute sya lalo.

Gumaganda sya sa paningin ko.

Nasabi ko na bang lahat nang babae maganda sa paningin ko?

*wink*

Nang makabalik ulit si Dean ay umakbay ako kay Preet. Gusto ko lang ipakita sa kanya na mabait ako at try nya lang tumawag sa no. Na yun sya malilintekan sakin.

"Tara preet sa kwarto may gagawin pala ako." Bat ko sabi yon?!

"Tara!" Sagot nya. Buti sumasakay si Preet sa lahat.

Mukhang narinig ni Dean ang sinabi ko kaya naman naiwan na namin siya sa sofa.

Nang makarating na kami sa kwarto agad nya akong binatukan sa ulo.

"OA umakbay to parang first time umakbay. Ganern?!" Pagtataray nya ulit.

Hindi ako magsasawang makarinig nang pagtataray nya kung lagi syang nandyan para iligtas ako kay Daddy.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now