Chapter 59: Touchdown

874 18 0
                                    

Preet's POV

Malapit na kaming makababa, pinagmamasdan ko lang tong bata na katabi ko ngayon. nakatingin sya sa labas nang pinto. Ang ganda pala nang batang to. ka edaran lang siguro ni Zyreen at Bea, Ang amo nang mukha nya eh.

Hinimas ko yung buhok nya. napatingin  naman sya sa akin tsaka ngumiti. hindi katulad nung nasa Airport lang kami iyak sya nang iyak pero ngayon nangingiti na sya. parang ayoko na tuloy mag anak dahil sa kanya.

"Nandito na tayo." bulong ni Nix sa akin. napansin yata nya na nakatingin ako sa bata, Pumitik sya kaya naman na agaw nya yung atensyon ko.

"Kanina ka pa nakatingin sa bata ah, anong meron?" bulong nya ulit para hindi marinig ni... Sino nga ba tong bata nato.

"Anong pangalan mo?" tanong ko with sweet voice para naman sumagot.

"Karieshma." sagot nya. resting bitch face ang itsura akala mo may hinanakit sa mundo. huminga na lang ako nang malalim. mabait naman sya at magalang pero yung mukha lang nya nagmumukha syang mataray.

nagbabaan na kami, dahil sa bandang unahan naman kami naka pwesto kami na ang nauna.

"WOAH!! TOUCHDOWN PHILIPPINES!!" halos sabay sabay na sigaw namin.

"yes naka uwi ren!!" sigaw ko. parang isang taon kami sa France Jusq! mga nangyare doon sa bansang yon.

napatingin naman sila Krazer at Lily sa batang kasama ko. akala siguro nila pinapahinto ko lang sa pag iyak si Karieshma Jusq! ang komplikado nang Name. Isha na lang for short hehehe 

"Ipag sha-shopping ko sana si Isha para may masuot syang matinong damit."sa pag sabi ko  noon para namang naisip nilang kukupkupin ko na si Isha,And yes! kukupkupin ko sya kapag hindi na namin mahanap ang magulang nya.

"So, mauna na ba kami?" tanong nila. tumango naman ako bilang sagot. Sumakay na kami nila Nix at Isha sa kotse na naghihintay sa amin. si Dean ang driver. na miss ko tuloy sya. Tuwang tuwa nga sya nang makita kami lalo na si Lily at Krazer syempre.

pumasok na kami sa mall, nakaka agaw nang pansin si Isha paano ba naman kase hindi pa namin sya nabibihisan nang maayos. kung ano yung suot nya kanina nang makita ko ay ganun parin. wala kasing magkasyang damit sa kanya na kahit ano. Hindi naman namin kasama sila Mama and Dad kase hindi namin sila kasabay. Kaya hindi kami nakahiram nang damit kay Zyreen.

"Dito tayo, bagay mga damit dito sayo." pumasok kami sa isang shop kung saan ang gaganda nang mga damit at bagay kay Isha, kaso hindi naman yata marunong ngumiti to, hindi ba sya nagagandahan sa mga damit?

"Eto bagay sa kanya." sabay bigay ni Nix nang isang bistidang color pink. Basta pink bagay na sa kanya ganern? hahahah ang cute nga ni Nix eh. para talaga kaming isang pamilya.

"Isha look, ang ganda diba?" sabay pakita ko nang bistidang binigay ni Nix sa akin kanina.

tumango sya pero hindi man lang namangha. "maganda." sagot nito sabay tingin na naman sa iba pang mga damit.Nagkatinginan naman kami ni Nix. Hindi kase namin mawari kung ano bang gusto nyang damit.

sinundan na lang namin sya at napansin naming lagi syang tumitingin nang mga color red na damit man o mapa bistida man. tapos titingin nang presyo then ibabalik ulit. parang nahihiya syang ibigay sa amin.

lahat nang binabalik nya kinukuha namin ni Nix. huminto sya at humarap sa amin.

"Eto ba yung mga gusto mo?" tanong ni Nix na parang ina amo amo sya. tinignan naman nya yung mga damit na hawak namin. hindi sya sumagot bagkus nagtanong pa sya.

"Mahal po yan diba? huwag na lang po." magalang na paagkakasabi nya. alam namin ni Nix na nahihiya lang sya kaya naman kinausap namin sya nang maayos.

"Pwede ba Isha, Kapag hindi na natin nahanap yung magulang mo amin ka na lang?" tanong ko sa kanya. tumango naman sya. nang tanungin ulit sya ni Nix kung gusto nya ba yon nag aalangan na naman syang tumango tsaka yumuko. natawa naman kami ni  Nix. 

Lumaki siguro sa hirap si Isha, nang mabayaran namin yung mga damit nilinisan na lang umuna namin sya bago ipasuot yung mga damit na napili nya. 

paglabas namin sa fitting room para bihisan sya nakita kong ngumiti si Nix sa amin. pati yung ibang mga tao ay natutuwa kay Isha ngayon. syempre natutuwa rin naman ako, feeling ko anak ko talaga sya.

"Gandang bata naman nyan. mana sa magulang." sabay ngiti sa amin nang isang babae. nakangiti rin naman si Isha sa kanila lalo na nung nakita nya yung sarili nya. priceless.

"Tara na sa Mansion Reyna at prinsesa ko." yumuko pa si Nix na parang nagbibiro pa. pumunta na kami nang parking lot para sumakay sa Kotse. Umulan nang pa puri sa amin kanina sa Mall. nakakatuwa lang.

agad naman kaming naka-uwi nang mansion namin pero nagulat kami nang nandun silang lahat. sila Daph sila Mama kumpleto kaming lahat. akala ko ba uuwi na sila? pagod yata sila eh.

"Welcome Back!!"sigaw nila na para bang hindi namin kasabay na umuwi sa France. pumalakpak pa sila nang malalakas. Habang si Nix ay buhat si Isha. nakangiti naman si Isha sa amin. 

"Dahil naka uwi tayo nang ligtas,Party na!!" sigaw ni Jon sabay taas nang isang boteng alak. nang isarado ang mga bintana nagkaroon nang konting kadiliman at sabay bukas nang disco lights.

Nagpatugtog sila nang Paris by Chainsmoker (Surface Remix), naalala ko naman yung pinakinggan ko sa earphone ni Nix, yan yung kanta. sa tuwing naririnig ko tuloy yung kanta na yan si Nix, Paris at lahat nang alala doon ay bumabalik sa akin.

Napaka dami kong naalala sa kantang yan.

"Congrats besh!" sigaw ni Daph nang makalapit sa akin. kinamayan nya pa ako pati si Jon. ang dami pa nilang bumati sa amin ni Nix.

"Hi mga anak ko." napatingin naman kami kay Mama at Dad, pati na rin si Mommy Alessa ay kasama nila.

"Excited na ako sa kasal ninyo!" sigaw ni Mommy Alessa habang kitang kita sa mukha nya yung tuwa.

"Sa pangalawang pagkakataon, ikakasal ka na ulit." pangangantyaw ni Mama sa akin.

"basta mga anak, mangako kayo na hindi kayo maghihiwalay kahit na anong mangyare." tinaas pa ni Dad yung isa nyang kamay na para bang nanunumpa. ginaya namin siya ni Nix at nanumpa naman kami.

kitams! malayo pa kasal namin pero parang tapos na kaming kinasal hehehe ihhh kase nga kasal na kami pero sa papel lang ok. dream ko to. ito yung pinaka favorite part ko sa pagkakaroon nang asawa bagay na muntik nang ipagkait sa akin.

Nang matapos na yung party isa-isa na silang umuwi. may mga maids na rin dito sa bahay at sila Mama and Dad ang nagsabi na sila ang naglagay nun. nag thank you kami ni Nix. mga maids na rin ang mga nag-ayos nang mga kalat na iniwan nila.

kaya ayokong nag pa-party sa bahay namin dati kase pagtapos nang party sayo lahat nang kalat. 

umakyat na kami sa kwarto kasama si Isha, mmagkakatabi kaming natulog. naka yakap si Isha kay Nix na para bang isa nya itong tunay na ama. natutuwa ako sa kanilang dalawa. tulog na tulog na sila halatang pagod sa biyahe. 

niyakap ko sila bago tuluyang maka tulog. baka bukas o makalawa ay paguusapan na ang kasal namin ni Nix. excited na ako...


Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon