Chapter 42: Trip To Paris.

1.1K 20 1
                                    

Nix's POV

Kasalukuyan akong naka higa dito sa kama. Pakiramdam ko mamamatay na ako kung hindi ko pa makikita si Preet. Ilang araw na rin akong ganito. Tambak na rin yung mga paperworks ni Gorge.

Si Evone at Meazy naman ay nasa baba. Nangungulit silang lumabas kami pero hindi ako sumasama. Si Preet lang gusto kong makausap. Nakakamiss rin pala lahat nang katarayan nya.

Nang tumunog yung phone ko agad ko yung kinuha. Nagbabaka sakali ako na si Preet na yon. Halos hindi ko na nga iniinda yung sugat ko.

[Pa uwi na kami sa mansyon. ] si ate Darlyn pala. Natuwa ako pero mas natuwa ako nang maisip ko kung. Paano kung si Preet ang nag text sakin nang ganon.

Lihim naman akong ngumiti. Nami-miss ko na ang kumpare ko. My only Pre/ Wife.

Bumukas na naman ang pinto. Hindi na ako nag abala pa na tignan yon. Bukod sa hindi naman sila nag papa alam tsaka wala naman akong tinatago dito.

"Pa uwi na daw sila Ate Darlyn at Christ." Boses ni Ate Joan yon.

Hindi ako sumagot.

"Ang sabi nila matagal na rin nang maka-uwi sila dito pero mas minabuti muna nila na sa mansyon na lang muna nila sila tumuloy." Dagdag pa nya.

Hindi ko parin sya kina-kausap.

"Eto na rin yung pagkain mo."

Maya maya ay narinig kong sumarado na ang pinto. Kinuha ko yung unan na laging yakap ni Preet, napangiti naman ako nang mamasdan yung unan. Si Ice Bear mula sa palabas na We Bare Bears. Naamoy ko yung mabangong pabango na nakaka kapit dito. Mas lalo ko lang syang na miss.

"Nix." Boses naman yun ni Ate Darlyn.

"Hindi ka na daw kumakain, Saan ka kukuha nang lakas nyan?" May pag-aalalang tanong nya.

"May bago na naman kaming pupuntahan na bansa. Gusto kase nang naka Deal namin na doon na lang daw gawin para narin mabilis na ma transpose."

"Ano naman ngayon?" May inis na pagtatanong ko pa sa kanya.

"Balak sana naming isama ka. Para na rin naman makapag bakasyon ka. Hindi yung puro dito ka lang."

"Hindi ako sasama. Hihintayin ko dito si Preet. Naniniwala akong babalik sya. Gusto ko sa pagbalik nya ako agad ang makikita nya."

"Nix. Baka pagbalik ni Preet ay patay kana? Ni hindi kana nga kumakain hindi kapa lumalabas."

"Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka samin."

"Pwede po ba kaming sumama?" Sabay na tanong nila Evone at Meazy.

"Sure. Why not?" Sagot naman ni Ate Darlyn.

Preet's POV

Hindi ako makapaniwala na bukas na yung lipad namin papuntang Paris.

"Grabe sobrang excited ko syete!!" Sigaw ni Lily.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Sleep over!! Para bukas ay sabay sabay na kami sa airport.

Sa sobrang busy at maraming ginagawa namin nung nakaraan pakiramdam ko yung pagod ko to the highest level na! Buti na lang may pa Trip To Paris ang mga itech!!

"Sana naman walang mangyareng hindi maganda don." Nag pout pa si Madyel. Ang cute nya tuloy tignan.

"Wala naman siguro. Maganda talaga doon sa Paris ang balita ko." Sagot ko pa.

Ang balita ko... so ibig sabihin chismis lang?

May kumatok sa pinto. Bumukas ang pinto at ngumiti si Dad samin.

"Nakahanda na ba lahat nang dadalhin nyo?" Tanong nya. Kita sa mukha nya yung tuwa at excitement.

"Yes Dad handa na." Sagot ko.

"Syempre tito, we're excited already!" Sigaw ni Madyel sa tuwa.

"Yes Tito, Camera and Money are always ready." Sagot naman ni Lily habang hawak yung credit card at camera nya.

"Excited rin kami para sa inyo. Oh sige na matulog na kayo. Maaga pa kayo bukas." Kumaway si Dad samin at ganon rin kami sa kanya. Isinarado na ni Dad ang pinto.

Nakatulog parin naman ako kahit na sobrang excited ko, kaso bigla na namang sumanggi sa utak ko si Nix. Hindi talaga maalis sa isip ko na baka ponag pi piyestahan na sya ni Meazy.

Kahit na ganon ay pinilit kong ipokit ang mata ko at matulog nang bukas ay magising ako nang maaga. Kailangan kong mag relax bukas.

Kate's POV

Hindi ko ine-expect na ang kapatid ni Nix ang naka deal nang magulang ko.

Natutuwa naman ako dahil na fe-feature na yung Coffee Shop na ipapamana nila Mom and Dad sakin.

Mga ilang araw na lang daw at darating na rin sila. Mas excited naman ako nang maisip ko na baka kasama nila sila Nix at Preet.

Tumunog bigla yung phone ko at dinampot yun.

Unknown num.

Kahit na hindi sya naka save sa contacts ko ay sinagot ko parin yon.

"Hello." Bati ko.

[Si Kate ba to?]

"Yes, sino po sila?"

[Si Nix to. Ikaw na lang yata ang hindi ko napagtanungan.]

"Bakit?"

[Baka naman alam mo kung nasaan si Preet? Baka may na kwento sya sayo.]

So umalis si Preet? Walang pa alam man lang? Hindi ko rin alam ay hindi na rin kami nakapag uusap.

"Hindi na kami nakakapag-usap ni Preet. Busy na kase ako at ganun rin naman sya."

[Sige salamat,]

Inend na nya yung call. Ano naman kayang problema ni Preet? Anong pumasok sa utak nun at ginawa nya yon?

Tinry ko syang i contact pero hindi ko na ma contact. Naka patay yung phone nya. Baka tulog na.

Hindi pa kasi ako pwedeng matulog ngayon dahil marami pa akong pwedeng gawin.

                           ****
Makalipas ang ilang araw eto na nga ang pinaka hihintay naming lahat.

Tinapat namin yung schedule na busy ang mga tao ngayon para kakaunti ang mga taong pupunta ngayon dito sa Coffee Shop.

Masaya naman naming sinalubong sila Ma'am Darlyn at Sir Christ.

Umupo kami kasama sila Mom and Dad. Sinuklian naman namin yung ngiti nila.

Nang mag-uumpisa na kami ay pumasok sa shop si Nix kasama sila Meazy at Cindy.

Napasulyap naman ako sa katabi nang pintuan. Hindi yata napansin ni Nix si Preet sa gilid.

Akma na sanang lalabas si Preet dahil nakita nya si Nix dali dali ko naman na tinawag si Nix tsaka tinuro si Preet na kaka alis lang.

Mukhang nakilala naman nya si Preet kaya dali dali nya itong hinabol sa labas.

Bakit kaya tinatakbuhan / tinataguan nya si Nix. LQ kaya to? Pero grabe naman yon.

"Katelyn, Did you Understand us?" Tanong ni Mom sakin.

Nag aalangan naman akong tumango. Kahiy sa totoo lang si Preet at Nix ang laman nang utak ko kanina sa meeting na yon.

Someday, Maybe. ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon