Chapter 22: Revelation

1.5K 23 0
                                    

Preet's  POV

natapos na ang sayawan nang dumating si Nix. bago pa man makalapit si Nix ay naka alis na si Alex, salubong na naman ang kilay nya na parang nag-away na naman sila ni Evone. pinabayaan ko lang sya. kunware hindi ko sya nakita.

hinila nya ako kaya naiwanan namin si Peach. tapos na kase yung sayawan ngayon ibang session na ang gagawin namin. hindi ko alam kung saan kami pupunta basta sinunsundan ko na naman sya.

"Saan ba tayo pupunta?!" galit na sigaw ko sa kanya. paano ganyan sya sa tuwing babalik sya sa upuan namin. para namang nadadamay ako sa galit o away nila ni Evone. Lalandi landi tapos mandadamay. ano to damay damay na? sama na niya si Peach para masaya ano!

huminto kami sa isang maliit na cabin.hindi kalakihan at kagandahan medyo malayo layo narin sa resorts. hindi ko alam kung bakit kami nandito. hinila ko ang kamay ko mula sa pagkaka hawak nya rito.

humarap sya sakin at ngumiti. parang kanina lang mukha syang galit ah tapos ngayon gaganyan sya. hindi ko rin gusto yung ihip nang hangin. masyadong malamig at napansin nya yata yun. ibinigay nya sakin yung naka doble sa damit nya. para syang manggas na jacket.

"bakit tayo nandito?" tanong ko ulit sa kanya. hindi man lang nag thank you sa jacket?

"gusto kaseng ipakita ni Dad sayo to. tiyak naman ako na matatakot ka kung si Dad ang makakasama mo." tinaasan ko sya nang isang kilay.

"hindi ah! bakit naman ako matatakot?" may pagtawa pa  ako. 

"oh sige. hintayin mo si Dad dito babalik na ako." tatalikod na sana sya  pero hinawakan ko sya sa braso. wow muscle ni hubby!

"wala naman akong sinabi." tumawa sya sakin at ginulo pa buhok ko. nakakaines! hindi nya ba alam na sinuklay ko nang maayos to pero mukha paring magulo? 

"ipakita ko raw sayo ang kabuuan nang cabin at pati na rin sa loob." tumango na lang ako. ano pa nga ba? kahit hindi ko alam kung bakit nila gustong pakita sakin tong cabin.

umakyat na kami sa hagdan. nauna sya at binuksan ang pinto nang maliit. sumilip muna sya at tumingin sakin.

"bakit ayaw mo pang pumasok?" tanong ko sa kanya. 

"baka kase may nag me-make love dito eh." sabay tawa nang mahina.

"seryoso? hindi nyo man lang ba tinignan yan bago nyo sakin pakita? ano ba naman yan." sabay irap sa kawalan.

"galit kana nyan? syempre nagbibiro lang ako." sabay bukas nang pinto. tumingin sya ulit sakin.

"mauna kana." tinaasan ko ulit sya nang isang kilay.

pinapauna nya ba talaga ako? "bakit ako? akala ko ipapakita mo sakin bakit ako pinapauna mo?" tanong ko pa ulit na may pagtataray.

"dito na lang pala ako sa labas maghihintay. hindi naman kalakihan yang cabin pagka sa loob na eh. kaya mo na yan." 

natatakot ba sya? wala ba syang bayag? letse na yan oh! nakakabwiset na talaga. pa dabog akong pumasok sa loob. hindi ko alam kung ano meron sa punyetang cabin na to eh. nagtingin tingin ako nang mga gamit at may mga malalaking paintings. may mga picture rin na naka display doon.

kakaunti rin yung mga gamit. pumukaw sakin ang isang kwarto na nakulay Red. nakasulat roon ang pangalan ni Daddy. Draco Montenegro. nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok ba ako. 

pero dahil curiosity kills dahan dahan kong binuksan ang pinto. lumangitngit yun na til ngayon na lang ulit nabuksan sa mahabang panahon. dahan dahan naman akong pumasok sa maliit na kwarto.

may isang malaking salamin na tumambad sakin. syempre nakakita ako nang maganda, sexy matalino at ka akit akit na babae. pwe! tama na nga buhat bangko na ako dito eh, pero totoo ah! 

may malaking picture akong nakita. nandun si Daddy at may kasama syang Babae. familiar yung mukha nya pero hindi yon si mommy. tumingin ulit ako sa salamin. bakit naman kaya kamukha ko tong babae na to? 

lumapit pa ako sa painting na ngayon ko lang napagtanto na may hawak hawak na baby ang babae. sa gilid naman ni Dad may katabi syang dalawang batang lalaki na kambal. may nakasulat na pangalan sa bawat damit nila. ang pangalan nang lalaking naka simangot ay si Fred at ang isa naman ay si Zack na may magandang ngiti.

at sinipat ko naman nang tingin ang baby na hawak wak ni Elena. oo Elena ang nakalagay na pangalan sa babae at ang baby naman ay si Preet... bakit naman ako nandito? tumingin ako sa pinaka taas nang picture. may naka ukit na. Montenegro's Family.

so it means sila ang totoong pamilya ko? ibig sabihin yung babae na akala ko kapit ni Daddy ay sya pala ang totoong mommy ko? at yung dalawang bata na maliit na nasa picture ay mga kuya ko?

napaupo ako sa isang tumba-tumba na parang naghihintay saking upuan ko. kaya siguro ako pinapunta nang daddy ni Nix dito ay para ako mismo ang maka discover nito. pumikit ako at huminga nang malalim. bakit sunod sunod naman ang mga nalalaman ko. hindi ko tuloy alam kung totoo ba tong lahat.

para akong na reveal sa katotohanan pero hindi ko alam kung maniniwala ba ako. alam kaya to ni Cindy? si mommy kaya? all this time naniniwala akong iniwan kami ni Daddy dahil sumama sya sa iba tapos ganito! 

gusto kong makita si Elena. ang totoong Mama ko! ang totoong dapat nandito sa tabi ko. gusto ko syang makita at mayakap kaso paano? hindi ko nga alam kung nasaan sila eh. nasaan nga ba ang mga montenegro.

makaka kuha kaya ako nang sagot kay Lily? kay Madyel kaya? mga Montenegro sila hindi ba?!

ilang segundo rin akong naka upo at naka sandal sa tumba tumba nang marinig kong may bumukas nang pinto. si Nix to alam ko. nararamdaman kong dahan dahan syang naglalakad pa pasok sa loob nang magsalita ako.

"buti pumasok ka?" tanong ko habang anka pikit parin ako. nang imulat ko ang mukha ko nakita ko syang parang gulat na gulat. mukha na ba akong multo? sa ganda kong to ginaganyan nya lang ako?!

"umuulan kase sa labas. ikaw bat ka nandyan?" balik na tanong nya sakin. hindi ko sya sinagot. mukha bang may alam tong si Nix na hindi ako totoong anak ni Mommy Andrea? lumabas ako nang kwarto.

may sofa na maliit at umupo muna ako doon. hindi ko ine-expect na uulan nang ganito ka lakas. mas lalo tuloy lumakas ang ihip nang hangin. parang tumatagos na tuloy ang lamig sa damit ko. kiniskis ko yung kamay ko para uminit man lang.

lumapit sakin si Nix at nagbigay nang comforter. buti may comforter dito sa cabin no?

"saan mo nakuha to?" tanong ko sa kanya.

"mag may me-make love ba dito kung walang ganyan?" sabay ngisi sakin. iniwas ko yung tingin ko sa kanya. siguro nakipag make love na rin sya rito kaya may ganyan.  sus! kala nya hindi ko alam.

"ikaw siguro naglagay nyan para just in case pag dito kayo inabutan handa ka." sagot ko sabay irap sa kanya.

"oo kaya ano pa nga bang gagawin naten?" sabay tingin sa buong katawan ko. tinakpan ko naman yun nang comforter at sinipa sya pero hindi natamaan.

"kidding a side, naintindihan mo naman ba ang nakita mo sa loob?" tanong nya sakin. ang tinutukoy nya siguro yung Family picture namin.

"alam mo naman pala na isa pala akong Montenegro. bakit hindi mo pa sinabi sakin kagad?" tanong ko sa kanya pabalik.

"maniniwala ka ba pag sinabi ko sayo nang walang ebidensya?"

tama nga naman. tulad nang kay Peach diba. gusto ko pang makita nang dalawang mata ko na nag de date sila ni Cindy bago ako maniwala.

lumapit sya sa ibang cabinet at nang humarap sya sakin ay maroon syang dala dalang baril na maliit. hindi ko alam kung namamangha lang ba sya o ano.

"at alam mo rin ba na ang mga Montenegro ang ka kumpetensya namin sa lahat?"

mas lalo tuloy akong kinabahan. hindi kaya barilin ako neto para mabawasan ang mga Monetenegro?

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now