Chapter 19: Silly Nix

1.5K 30 0
                                    

Preet's POV

Tinext sakin kanina ni Nix yung room namin dito sa resort. Kanina pa sya text nang text pero hindi ko sinasagot.

Gusto pa sana akong ihatid ni Alex sa room namin kaso hindi na ako pumayag.

Malapit lang pala dito sa kinatatayuan namin ang kwarto. Buti na lang nandito si Alex. Napagaan nya yung pakiramdam ko.

Buti sa kanya nalabas ko yung lahat nang hinanakit ko.

Kumatok ako sa kwarto pero hindi man lang nya binuksan ang pinto. Pinihit ko yung door knob at luckily! Bukas sya.

Pumasok ako sa loob at madilim, tanging ang ilaw mula sa buwan lang ang nagbibigay liwanag sa kwarto na  pumapasok sa bintana.

"Nix?" Tawag ko pero walang sumasagot. Nakaramdam naman ako nang takot.

Baka nandito na naman yung mga bavarian. Akma na sana akong lallabas nang may humawak sa waist ko.

Inilapit nya ang kanyang mukha sa tenga ko.

"Saan pumunta ang asawa ko?" Malambing na tanong ni Nix. Nakakapanibago pero gusto ko ang posisyon namin ngayon.

"Dyan l-lang naman bakit?" Sagot ko. Pinilit kong tarayan sya pero hindi ko nagawa. Parang nanlalambot mo ang katawan ko dahil sa kanya.

Inamoy nya muna ako sa leeg bago halikan. Si Nix nga ba talaga to?!

Agad kong binuksan ang ilaw at nakita ko si Nix. Si nix na naka sando at boxer shorts lang!

Nagbakatan ang dapat bumakat sa katawan nya besy! Ang yummy ni hubby!

Pero act natural. Napalunok ako sa ganda nang katawan nya. Wow ulam bes!

Papalapit na sya sakin. Samantalang ako pa atras ako nang pa atras. Hindi ko alam kung may aatrasan pa ako eh.

Nangwala na akong malampasan ay napasandal na lang talaga ako. Lumapit sya bes. As in lapit na lapit!

"Hindi kaba maghuhubad?" Tanong nya na may pagka husky na tono.

Nakaka akit bes pero baka may HIV nato. Hindi pwede!

"Anong maghuhubad?! Tigilan mo ako Nix ah!" Ayan umubra na yung taray ko.

Tinulak ko sya pero natulak nya ako pabalik.

"Diba mas masarap matulog kapag walang...." tapos tinanggal nya yung sando nya bes.

Tumambad sakin yung malalaking pandesal nya. Nanlaki yung mata ko.

"Nix sinasabi ko sayo hindi ko gusto yang pinapahiwatig mo!" Sigaw ko.

Hindi pa ako handa noh.

So ibig sabihin magpapakarat ka rin sa kanya?

Eh ewan ko bastas ayoko na muna!

Pagtapos nun ay tumawa sya nang malakas. Nagkaroon ako nang pagkakataon para makawala sa kanya.

Humarap ako sa kanya na may matalim na tingin.

"Siraulo!" Sigaw ko bago tuluyang makapasok sa c.r, naligo ako at sinadya kong tagalan para pag labas ko tulog na si Tukmol.

Paglabas at paglabas ko sa c.r nakita ko si Nix na sarap na sarap sa pag tulog. Hindi parin nag suot si Tukmol nang sando.

Tumabi ako sa kanya. Medyo inusod ko pa si Nix nang konti para makalayo sakin.

Ayoko namang matulog sa baba paano malamig. Eh kung laglag ko na lang kaya ulit siya?

Ok bright idea!

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now