Chapter 48: Eiffel tower

888 15 0
                                    

Andrea's POV

Plano ko sanang ituloy ang pagpatay kay Preet nang makita ko sa news si Gorge, nahuli sya at dahil yon sa kagagawan nang mga Montenegro. Mabuting manahimik na lang muna ako dito sa gilid.

"Ito na nga yung araw na hindi ko malilimutan." bulong ni Dylan, Hindi ko sya maintindihan at ibinaling ang tingin sa pintuan kung saan naka kulong si Alessa.

"Anong plano mo dyan kay Alessa? Hindi kaya bulabugin ang Building kung kasabwat ka ni Gorge?" hindi ko hahayaang makulong na lang ako nang basta basta.

"Malulusutan ni Gorge yan, Ganyan ang mga Saavedra." sagot nya.

"Paano kung hindi makalusot si Gorge? Paano kung si Nix hindi. makakaya mo bang makita yung anak mo na naka kulong nang pang habang buhay?"

"Tumahimik ka Andrea, Gaya nang ginagawa namin malulusutan namin to."

"Naniniwala naman ako eh, Huwag na huwag mo lang akong isasabit kung sakaling mahuli karin dyan kay Alessa pati na rin dyan sa hidden Business nyo ni Gorge."

"Hangga't nandyan si Preet kay Nix, alam kong makakalusot kami."

Hindi ko man lang maramdaman na parang natatakot tong si Dylan. masyado syang play safe sa lahat. 

"Kung gusto mong patayin si Preet gawin mo, kapag hindi nag work ang lahat." kumunot naman ang noo ko sa kanya,

"Kapag hindi umubra yung plano mo na matulungan kayo ni Preet pwede ko na syang patayin? So kailangan ko na nga talagang gumawa nang sariling plano." tumawa ako nang malakas. hindi ko talaga mapigilang matuwa kapag si Preet na ang pinag-uusapan.

Hinding hindi ko makakalimutan lahat nang kahihiyan na natanggap ko dahil kay Draco,ibabalik ko lang lahat yon. dapat nga sana matagal ko nang pinatay tong si Preet kung hindi lang nangako si Dylan na tutulungan nya akong mapadali yon pero tignan mo nga naman. mas matagal tumagal pa!

"Ikaw na ang bahala. Sa Japan na lang muna ako at isasama ko si Alessa. Ikaw Andrea magtago ka kung saan mo gusto. wala akong responsibilidad sayo."

"Excuse me Dylan. Isa lang naman ang gusto kong hingin sayo. dalin mo ako sa Paris France, ngayon na."

kinuha nya yung cheke nya at may isinulat doon. "Pagtapos nito ay wag ka nang magpakita sa akin."

tumango naman ako bilang sagot. Hintayin mo ako Preet. mamamatay kana mismo sa sarili kong mga kamay.

Preet's POV

"Alam kong hindi magagawa ni Nix to, Rex baka naman may na kwento sya sayo." pagmamaka awa ni Madyel sa kanya.

"Yung Tungkol nga sa drugs yon.Hindi naman talaga sya sangkot dito eh, Hindi sya nagtutulak nang kahit anong droga at hindi rin sya gumagamit. Tingin ko pinapalabas lang ni Gorge na sangkot si Nix para may kasama sya.Hindi ko naman alam na seryoso pala si G*go sa mga kwento nya samin."paliwanag ni Rex.

napatingin naman si Rex kay Krazer. "na kwento nya rin sa amin na pilit daw nyang ipinagtanggol ang Dad mo nung araw na pinagbintangan sya na spy nang kabilang building. diba yun yung mommy mo ngayon? napangasawa nang dad mo yung kalaban nila sa company kaya para na lang binasura si Dean, kaya lang naman nag stay si Dean sa mga Saavedra ngayon dahil may utang na loob sya dito." Dagdag pa nya.

"Mukhang marami syang na kwento sayo." may ngiti sa mukha ni Krazer pero mas nangingibabaw yung pag aalala bagay na ngayon ko lang nakita sa mukha nya sa tuwing napag-uusapan si Nix.

may malakas na kumatok sa pintuan, sunod sunod yung katok halos gibain na nga yata sa sobrang lakas.

agad namang binuksan yon ni Lily, sila Cindy at Meazy lang pala. mukhang nabalitaan na rin yata nila ang nangyare kay Nix.

"Nasaan si Nix? wag nyo na syang itago!" sigaw ni Meazy at walang pakundangang pumasok sa kwarto. samantalang si Cindy naman ay humarap sa akin. hindi ko sya pinansin at nakatulala parin ako.

"Ano Preet? masaya kana? ito yung sinasabi namin sayo ni Meazy! ito ba ang gusto mong mangyare kay Nix?!!"malakas na sigaw nya. umarte ako na parang walang naririnig. ako nga ba talaga ang dahilan? baka naman hindi ako ang dahilan kung bakit nangyayare to kay Nix.

makukulong nang pang habang buhay? hindi ko yata kakayanin yon. makita yung asawa mo na nahihirapan sa kulungan. hindi ko kaya..

sinabunutan nya ako. agad namang inawat ni Lily at Madyel si Cindy samantalang si Meazy naman ay nagwawala na rin dahil sa galit at ines narin siguro dahil wala dito si Nix.

"DIBA BINALAAN NA KITA!! inuuna mo kase yang landi mo kesa sa buhay nang tao!"sigaw ni Meazy. 

"Hahayaang may masirang buhay masunod lang ang puso!"

"SELFISH KA PREET!!"

naramdaman ko lang na tumutulo narin yung luha ko. Ano ba naman kase ang dahilan kung bakit hindi kami maging pwede ni Nix? ikinasal lang kami pero hindi kami ang taong para  sa isa't-isa, ganon ba yon? 

Ang hirap hirap naman nang ganito. 

"Nasaan na ngayon si Nix?!" malakas na sigaw ni Meazy.

bigla akong napatingin sa malaking orasan sa gilid. it's already 12AM, bigla ko namang na alala kanina na gusto kong pumunta sa eiffel tower, baka naman kase nandoon lang sya. nagbabaka sakali lang naman ako.

kahit na umiiyak pa ako ay pumunta na ako doon. hindi ko iniinda yung sakit nang puso ko. hindi ko iniinda yung mga pagtataka nang mga taong nakatingin sa akin. Alam kong walang kasalanan si Nix. naniniwala ako doon.

hindi pa ako tuluyang nakakarating sa eiffel tower natanaw ko na si Nix. nakaupo lang sya at tila naghihintay. mas bumilis ang labas nang luha ko nang lumingon sya sa akin. agad ko syang nilapitan at niyakap sya nang mabilis.

yakap na ngayon ko lang binigay sa kanya. yakap na sobrang higpit.yakap na wala nang hiwalay hiwalay pa! basta ang gusto ko lang gawin ngayon ay samahan sya. samahan sya na ipaliwanag sa lahat nang tao na mali ang hinala nila kay Nix. na sangkot lang sya. wala syang kinilaman kay Gorge. 

wala.

pero mukhang lumabas na yata sa iba't-ibang bansa ang balita. nakarinig ako nang tunog nang kotse nang mga pulis. sabay sabay na tumutunog yon. alam ko na hindi lang dalawa yon kundi napaka rami.

"Mukhang hina hunting na nila kami ni Gorge."

"Bakit?"

"Tumakas si Gorge at pumunta rin dito. gusto nyang sabay kami na mahuli dito."

pumasok sya sa kotse nya. 

"Ne, sasama ako." pagmamaka awa ko sa kanya.

"Syempre, hindi ka pwedeng maiwan dito baka ikaw pa ang pag-initan nila. tara na sumakay kana."

dali dali akong sumakay sa kotse at mabilis nyang pinatakbo yon. sobrang bilis, at malayo na rin ang pagitan namin sa kanila. Mabilis kasing nakaka iwas si Nix sa mga sasakyan dala na rin siguro nang pagiging racer nya.

nakarinig ako nang isang napaka lakas na putok nang baril. hindi lang paka isa yun kundi maraming beses. halos manginig na ako sa takot. hindi ko na kinakaya ang mga pangyayare. pakiramdam ko isa akong nasa panaginip. isang bangungot. napaka lalang bangungot.

hinawakan ni Nix ang kamay ko. "Magtiwala ka lang sakin." tumango naman ako sa kanya. naniniwala ako na kaya nya. na malulusutan nya. makakalusot sya rito nang hindi tinatakasan ang lahat.

biglang tumunog ang phone ko.

Fred's Calling....

Someday, Maybe. ( Completed )Donde viven las historias. Descúbrelo ahora