Chapter 70: Curious

782 16 1
                                    

Nix's POV

"NIIIIXXXX!!!!" malakas na sigaw ni Preet galing sa kwarto. dali dali naman akong tumakbo papunta sa kinalulugaran nya. pagbukas ko nang pinto ay nandun sya. magkasalubong ang mga kilay nya.

"Saan ka pumunta?!" galit na tanong nya.

"Dyan lang sa baba. nag luluto." sabay ngiti sa kanya. akala ko matutuwa sya pero..

"Talaga?! baka may kausap kang iba!" salubong parin ang kilay nya. "Dalian mo, nagugutom na kase ako eh." bigla namang naging maamo ang mukha at boses nya. napakamot na lang ako nang ulo bago tumakbo ulit pababa nang kwarto.

Binilisan ko nang magluto pero masarap parin naman. ako pa ba? syempre basta sakin masarap! Ako na rin mismo ang nag akyat nang pagkain baka kase may masabi pa sya sa akin eh. Alam nyo naman. Hindi ko alam kung ako ba pinaglilihihan nito eh.

Hingal na hingal pa nga ako habang dala dala yung tray. Dahan dahan ko pang binuksan ang pinto.

"Oh? Saan mo dadalhin yan?" Tanong nya ulit. Yung mukha nya nagtataray na naman. Bumuntong hininga ako sa kanya.

"Dinalhan kita nang food." Sagot ko at ibinaba yun sa tabi nang kama nya.

Kinuha nya yon at nag-umpisa naman syang kumain. Pinagmamasdan ko lang sya pati yung tyan na lumalaki laki na rin. Nakakatuwa talagang pagmasdan ang mag-ina mo.

Hindi pa yata sya nakakalimang subo ay ibinaba na nya yung kutsara at inalayo yung pagkain nya mula sa kanya.

Kumunot ang noo ko sa kanya. Nakita nya yon kaya itinaas nya yung isa nyang kilay at maamong nagsalita.

"Gusto ko singkamas, bili ka Ne." Para syang bata na nagmamaka awa at syempre ang ganda ganda nya parin. Kahinaan ko na yata sya eh. Alam nya siguro yon kaya naman ang lakas mag pa awa sa akin.

Napakamot ulit ako sa ulo ko. "Saan ako bibili non? Hindi naman kapanahunan nang Singkamas ngayon." nag pout pa ako para naman maawa rin sya sa akin. Hindi naman ako umaasa kaya naman..

"Oh? Gumawa ka nang paraan Ne, Gusto ko yun. Please." huminga muna ako nang malalim bago nagpalit nang damit. Kitang kita ko sa mata nya yung tuwa habang nagbibihis ako. Lumapit sya sa akin.

"Kamukha ko siguro tong kambal na to." sabay kuha nang kamay ko para ipahawak ang tiyan nyang lumalaki na rin. pinagmasdan ko lang sya habang nakahawak parin sa tiyan nya. Ngayon nakita ko na naman yung ngiti nya na nakakapag pabihag nang puso ko. Corny noh. para sa kanya lang...

"Ikaw lang ang nagdadala pero sa akin talaga sila nagmana." kumindat pa ako sa kanya. bagay na pinagsisihan ko. naumbag tuloy nya ako sabay irap na naman. humiga sya ulit sa kama at binuksan ang T.V, Syempre ano pa nga ba pinapanood nya? edi si Ice Bear!!

"Napaka hangin mo, akala mo talaga kamukha mo." sabay irap pa. ang cute talaga nya eh. 

"Oh sige, Hindi ko kamukha kasi kamukha ni Ice Bear." pagbibiro ko pa. Hindi nya yata narinig dahil naka focus sya sa pinapanood nya. basta para sa tatlong bear ba yan kahit anong ginagawa na ihihinto nya para lang makapanood. 

Lumabas na ako sa mansion pero hindi ko alam kung saan ba ako pupunta, saan ko ba mahahanap yung Singkamas na yan. Tsaka wala naman yatang nagtitinda rito nang ganon. Ibang klase talaga yung kambal ko. 

Huminto ako sa isang maliit na tindahan nang mga Prutas. Wala kami ngayon sa Montenegro's Island. Hinahanap na nila kami. pina plano namin na i surprise sila... Sh!t!! ngayon pala namin pupuntahan si Lily. nakalimutan ko tuloy.

Nagtingin tingin ako kung mayroon nga dito nang Singkamas. malayo layo na rin yung nalalakad ko pero wala parin akong makita. Pwede kayang malalaking bayabas na lang? bakit naman kase Singkamas pa.

Nagtingin tingin pa ako kung ano ang pwede kong makita nang may iba akong nahagip. Nagkatitigan kaming dalawa pero agad nyang inalis ang tingin sa akin. Pinilit ko syang sundan pero hindi ko nagawa. Nagkasiksikan na kase dahil dumaan sya sa maraming mga tao.

Hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.

Si Meazy...

Si Meazy na malaki na rin ang tyan. Nata-tantsya ko eh parang mag kasing tagal na rin ang kanilang tyan ni Preet.

Ibig sabihin at may asawa na rin sya? Good for him. Hindi bat sya na mismo ang umiwas so ibig sabihin nag bago na talaga sya. Nagbagi sya para sa anak nya.

"Sir? Ano pong hanap?!" Mula sa malayo ay may isang tinderang sumigaw mula sa likod ko.

"May singkamas ba kayo dito?" Medyo pa sigaw na pagkakasabi ko. Lumapit naman ako nang makitang tumalikod sya at tila may hinahanap.

"Ito na lang ang natira. Marami rin kasing bumili buti na abutan mo pa." Sabay lagay sa plastik. Inabot ko na yung bayad at akma na sana akong tatalikod nang tapikin nya ako sa balikat.

"Masarap yan pag may kaparis na bagoong o kaya Asin." Sabay turo na naman nya sa gilid nya na tila nag po-promote nang pagkain.

Tumango na lang ako para maka alis na rin. Nagkaka gitgitan na rito dahil siguro nandito ako. Alam naman natin kung gaano ako ka gwapo diba? *sabay lahad nang kamay sa magkabila* honest is the best policy. *wink*

Pumasok na ako sa kotse. Kahit na sobrang lamig sa loob nang kotse pakiramdam ko napaka init parin kaya naman nag tanggal ako nang damit. Naka sarado naman yung window kaya free na free ako. Tinted rin.

Dahan dahan kong pinaandar yung kotse ko. Yung lumang kotse ang ginamit ko kaya naman free na free sila kung madumihan. (Wow yemen).

Hindi pa naman ako nakakalayo nang may parang tumatawa sa backseat. Hindi ko na lang pinansin. Baka naman naririnig ko parin yung ingay sa palengke.  Umiling iling na lang ako.

Pero... habang tumatagal ay lalong lumalakas yung tawa. Hininto ko yung kotse at dahan dahan pa akong sumilip.

"Pick-a-boo!!"

Hindi ako nagulat sa pang gugulat nya sa akin dahil mas nagulat ako nang sya ang makita ko.

"WTF MEAZY?!" Pa galit na pagkakasabi ko sa kanya. Salubong ang dalawang kilay ko. Mukhang nagkamali ako. Baka may plano na naman sya.

"Easy Nix. Wala akong gagawing masama." Sabay himas sa tiyan nya at tumingin sa akin.

"Alam mo ba kung kanino to? Syempre hindi diba? So i just want tou to know--"

"Hindi ako interesado." Binuksan ko yung pino. "Lumabas kana at hinihintay na ako nang asawa ko." Pa galit parin ang boses ko pero mukhang hindi sya natatakot. Hindi parin sya gumagalaw sa pagkaka upo nya.

"Hindi ka interesado? Well Nix pag nalaman mo baka ikaw pa mismo an--"

"I said i'm not interested! Get out to this fùck!ng car. NOW!." Halos pa sigaw na pagkakasabi ko. Ayoko nang makinig sa kanya. Wala na akong dapat malaman sa kanya. Gagawa na naman sya nanng kwento? Paniniwalain na naman nya ako? Tanga na kung tanga noon pero hindi na ngayon.

"Bye Nix."pa dabog nyang sinarado ang pinto. Mabilis ko namang pinaandar yung kotse papalayo sa kanya. Habang buma byahe ako pa punta sa mansion hindi ko rin makaka ila na curious rin ako kung sino nga ba ang ama nang anak nya. Tama kaya na hindi ko inalam yun?

Imposible namang ako diba?

Pero bakit naman ako kinakabahan?

Bakit naman inaalam ko pa?

Sh!t hindi kaya...

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now