Chapter 76: Choose

768 13 0
                                    

Preet's POV

8 Months na yung Babies ko. Ngayon ko lang naramdaman na kailangan ko pala si Nix sa panganganak ko. Naiiyak ako nang sobra pag naaalala ko na wala sya sa tabi ko kung kailan kailangan ko sya.

Nangako sya na nandun sya sa panganganak ko. Syempre! Aasa naman ako nang sobra. Kaming dalawa lang ni Ate Joan ngayon dito. Karga karga nya si baby Josh.

Maya maya pa'y may lumapit na maid sa akin. May bisita daw ako. Hindi ko sure kung si Alex o Meazy. Lagi kasi silang nakatambay dito eh.

Sya na mismo ang pumasok sa loob. Naka upo ako sa sofa habang pinagmamasdan sya. Ganon rin si ate Joan ay nakatingin sa kanya. Dala dala nya si Bea. Yung anak ni Alex. Sya siguro yung asawa ni Alex.

Inilahad nya yung kamay nya at kinamayan ko naman yun. Ngumiti sya nang malapad bago umupo sa harap kong sofa.

"Ikaw si Preet diba." Paninigurado nya kaya naman ngumiti ako at tumango sa kanya. "Ako naman si Violet. Asawa ni Alex."

Tumango ulit ako sa kanya. Sa itsura palang nya ay masasabi kong maganda sya at may side na minamata nya kami ni ate Joan. Tingin na parang hindi kami nababagay sa mansion na to.

"Kailangan ko nang tulong." Medyo bastos pa sya ah. Wala man lang 'pwedeng humingi nang tulong' o kaya naman yung tipong mabait sana yung pagkakasabi kaso... bakit parang sya pa siga dito.

Itinaas ko yung isang kilay ko sa kanya. FYI!! Hindi ko pa nga sya pinapa pasok dito diba!

"Hihingi lang ako nang tulong. Baka naman gusto mong tumulong, diba." Yung pagkakasabi nya parang ako pa may utang na loob sa kanya. Tsk!nakakaines!

Umirap muna ako sa kawalan bago sumagot sa kanya. "Ano PO ba maiutulong ko." Ines na pagkakasabi ko. Wow! Diba. As in WOW TALAGA!.

"Mukhang napipilitan kapa yata." Huh. Sya pa may ganang magtaray ah. Well, well, well kung sabihin kong hindi ko sya tutulungan ay pwede ko ring gawin.

"Why not? Kung sabihin kong hindi kita tutulungan ay pwede ko ring gawin. May magagawa ka kaya?"

Mabilis syang tumayo at akma na sana nya akong hihilahin sa braso nang mapansin nya yung tyan ko.

"So... may anak na pala kayo." Sabay irap niya ulit at iginala yung paningin sa paligid nang mansion.

"Nagagawa nang totoong pagmamahal." Sagot ko. Naglakad sya at napalakas yata yung pagbangga nya sa upuan kaya naman tumama nang ka unti yung tyan ko. Napahawak ako rito dahil kahit ganon ay ang lahat nang impact sa tyan ko.

Habol habol ko yung hininga ko. Agad na lumapit sa akin si Violet na tila nag aalala. Si ate Joan naman ay tinawagan na si Nix. Pakiramdam ko manganganak na ako pero pwede ba yun? 8 months?

Pinagtulungan akong buhatin nila papuntang kotse. Grabe pakiramdam ko ano mang oras pwede na akong mamatay sa sakit.

Habol habol ko na talaga yung hininga ko as in sa bibig na ako humihinga nang sobra. Ipinikit ko na lang yung mga mata ko pero pinipigilan nila akong matulog. Wag na wag daw akong matutulog pero nahihirapan na talaga ako.

Nix's POV

Agad akong pumunta sa Hospital kung saan dinala si Preet. Hindi ko alam kung bakit pero manganganak na ba talaga sya?ang aga namab yata nun. Mag na 9 Months palang ah.

"Ate Joan! Nasaan si Preet!" Sigaw ko mula sa malayo para marinig nila ako. Nandun rin si Violet na naghihintay sa pintuan.

"Nasaan po ang asawa?" Natatarantang tanong ni Doc. Agad naman akong lumapit sa kanya.

"Nakita po namin na isa lang ang uterus nang Mommy, kailangan po kasing dalawang uterus para makaka kain nang maayos ang dalawang bata sa loob nang tyan." Paliwanag nito. Yung ibang nurse naman ay inilabas na si Preet.

"Teka lang po! Saan nyo dadalhin yung asawa ko!" Sigaw ko habang hinahabol sila.

"Dito na lang po muna kayo. Kailangang mailabas ang dalawang baby." Sabay sarado nang pinto. Wala ako sa sarili nang maka upo sa gilid. Paano ko lulusutan to? Hindi ko alam kung paano.

Biglang may lumabas na Nurse at agad na lumapit sa akin. Hingal na hingal pa sya nang makalapit sa amin.

"Gusto po kayong papiliin no Doc. Yung dalawang baby raw po ba o yung mommy?" Tanong nito.

Napatingin ako kay Ate Joan. Napatingin ako sa itaas. Hindi ko alam kung sino. Gusto kong parehas silang mabuhay. Si Preet ay katumbas nang dalawang bata.

"Sabi po ni Doc. Kung yung Babies daw po ang pipiliin nyo hindi daw po sila 100% sure na maililigtas ang Babies. Bihira lang po ang nakakaligtas sa sitwasyong ito." Napasabunot ako sa ulo. Napasalampak ako sa sahig. Paano ko lulusutan ko. Bakit ngayon pa.

"Nix. Pumili kana. Tumatakbo ang oras." Bulong ni Ate Joan habang umiiyak na rin. Nasa akin ang desisyon.

"Sir?" Pagtatanong ulit nito.

"Asawa ko." Sagot ko. Agad namang bumalik sa loob ang nurse at dahan-dahan namang bumuhos ang luha ko. Hindi ako makapaniwalang nangyayare ngayon sa akin to. Ang healthy healthy tapos naging ganito..

Nagsidatingan na rin ang iba. Kapwa pare-prehas ang tanong nila pero si Ate Joan lang ang sumasagot. Nakayuko parin ako at tila hindi ko ma process na nangyayare ngayon to.

"Pre." Sabay tapik ni Kelvs sa braso ko. Hindi ko yun pinansin. Wala na akong ibang inisio kundi yung mag-ina ko.

Hindi ko maipaliwanag ang nataramdaman ko. Masakit. Masakit ang mawalan nang anak pero masakit ring mawalan nang asawa. Hindi ko alam kung paano ko lulusutan to. Baka naman may ibang solusyon. Baka naman pwedeng mabuhay na lang silang tatlo.

Hindi ko ininda kung sino man ang nakatingin sa akin. May mga ilang nurse ang lumalabas at iba naman ay pumapasok sa loob. Hindi ko maiwasang maiyak sa mag-ina ko.

"Magiging okay rin ang lahat." Bulong pa nang ilan. Oo. Magiging okay ang lahat pag natanggap ko nang nawalan ako nang dalawang anak. Kaso... ang hirap hirap talagang tanggapin.

Mga ilang oras kaming naghihintay rito. Naisipan ko munang lumabas nang Hospital. Nagpa lamig muna ako sa labas. Gusto kong ilabas ang galit ko sa mundo kaso hindi ko magawa.

"Nix." Boses ni Madyel yon mula sa likuran. Hindi ko sya pinansin nakatingin lang ako sa napaka laki at liwanag na buwan.

"Hayaan mo muna akong mapag-isa." Yan ang unang sinabi ko nang makalapit na sya sa akin.

"Bakit hindi dalawang baby ang pinili mo?" Malungkot na tanong nya.

"Hindi ako pumipili nang taong wala namang kasiguraduhan." Sagot ko.

Napatingin rin sya sa buwan. Hindi ko alam kung bakit tumagal ang operasyon nang ganito. Sa totoo lang.. wala talaga akong kasiguraduhan sa lahat. Kung gusto na ni Lord na kunin ang mag-ina bakit hindi? Kayang kaya nya yun diba.

"Alam kong kaya mo lahat Nix. Kaya nyong lampasan lahat to." Bulong nya. Naglakad na sya papalayo sa akin. Kaya ko nga ba? Paano kung kaya ko pero si Preet umayaw na. Paano na kami? Matatapos lang ba sa ganito ang lahat sa amin...

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now