Chapter 47:Padlock Bridge

1K 16 1
                                    

Preet's POV

Kasalukuyan kaming nandito sa Café ni Kate. Naiinis parin ako! Paano ba naman kase nandun pala yung Meazy at Cindy na yon dun sa Public Hit Spring!! And i condiser myself a loser!!

Talo ako sa ginawa ko. Hanggang ngayon nga hindi ko parin kinaka usap si Nix. Bahala sya!!

"I.B ano bang gusto mong i order?"

Inirapan ko nga sya. I.B his face! Order his face! Bahala sya. Naiines ako.

Pinagtataka ko lang naman eh bakit naman nasa Public Hot Spring sila Meazy at Cindy. Bakit? Naghihirap naba? May trabaho naman na si Mommy ngayon ah.

Speaking of mommy, Tumawag ulit sila Dad para ikumbinse ako na maniwala at mag-ingat sa kanya pero hindi parin talaga ako naniniwala. Nakipag deal ako na kapag wala silang na presinta na ebidensya hindi na talaga ako maniniwala. She's still my Mommy.

"Kung ano ang order ko yun narin sayo."

Hindi ko na naman sya pinansin. Jusq!! Lambingin mo naman ako! Naiines na nga ako oorder pa sya nang hindi ako kasama.

Bahala nga sya!!

nagpapa lambing lang eh.

tumayo na sya papunta kay Kate. nakita kong sumulyap sya sakin. syempre sumimangot naman ako para kunware eh. galit pero TOTOO TALAGA AKONG GALIT. ok! pabebe queen na ako! paano ba naman kase nasaktan ako.

dapat stick to one na sya sakin! 

kumalumbaba lang ako habang nakatingin sa phone ko. bumalik na si  Nix pero wala namang dalang coffee. tinignan ko sya habang naka taas ang isang kilay ko.

"Hindi ako o-order nang hindi ka kasama." yung itsura nya parang ano. parang ewan! nakakatawa sya. akala nya ah! ayoko parin, hindi ako kumbinsido sa kanya. hindi ako kinikilig hehehe.

"Hindi ka o-order nang hindi ako kasama? di bale babayaran naman kita wag kang mag alala." pagtataray ko sa kanya. akala nya patatawarin ko sya sa ginagawa nya. ok pa sana yung mga babae na iba eh.  bakit kase sila ano...

ayoko nang magsalita. maliit na bagay pinapalaki ko?.. immature? sige try kong akitin nang pa ulit-ulit yung asawa mo! ang hirap kasing magtimpi bes! nakakapuno.

"Kung tungkol doon yan kanina, Sorry na. Nag re-relax lang naman ako."

"So ganon yung way nang papa relax mo? Try ko nga minsan yan nang ma relax na ako sa buhay ko Ne, I need a Break!" pasigaw na pagkakasabi ko.

hindi ko naman sinasadya na ilakas yung pananalita ko eh. narinig tuloy nang ibang tao. akala ba nila nakikipag break ako kay Nix? Hindi yun ang ibig sabihin ko!

"I need a break for everything except you. hindi ako mapapagod pero naiines lang." agad kong nilinaw yon. inalis na nila yung tingin sa amin. sabay irap na naman kay Nix. 

"Wag ka nang maines.Lalayo na ako kahit na sinong babae except lang din sayo." sabay hawak pa sa kamay ko.

"So parang napilitan ka pa yata." pagtataray ko na naman. lahat na napansin eh.

"Ang arte naman I.B bahala ka na nga dyan." sabay tayo. hindi ko sya hinabol kaya bumalik na naman sya.

"Ano? tara na." sabay hawak na naman sa kamay ko. hindi ko naman pinakita na ngumiti ako non. pumila na muna kami at nang kami na ngumiti ako kay Kate. Si Kate pala ung tinutukoy ni Rex. tsk tsk iba na rin pala ang mga kaibigan ko. mukhang nag-uumpisa na rin silang bumuo nang future hehhehe, except sa dalawa. alam nyo na yon.

nakapili na kami nang order namin.nag evil grin pa nga ako sa kanila ni Kate at Rex pero mukhang si Rex lang yata yung natutuwa sa tingin ko. mukhang nasa stage pa sila nang courting. yies nemen!!

napagdesisyunan namin ni Nix na maglakad lakad na lang muna, gusto ko sanang makita yung eiffel tower, nakakatuwa kase hindi ko naman pinangarap na pumunta dito pero dito ako dinala nang kapalaran, Soon na lang siguro yung Japan, JP! JP! JP!

"1AM pumunta tayo dito para makita natin yung eiffel tower habang umiilaw." tumango lang si Nix. napipilitan lang yata. ayan na naman ako eh. ahahah ang negative ko pero anyway!! masanay na ako bipolar nga pala to.

"Sa ngayon kailangan muna nating pumunta sa Padlock Bridge, sa mga lovelocks." nagliwanag naman yung mga mata ko! pangarap ko rin makapag lagay nang padlocks dun with my everything kaso everything ba talaga ako neto? walang tiwala eh hahahah 100% sure ako na isusulat ko ang N&P, (No Problem) ahahahah

Ang dami kong pangarap sa buhay. sumama na lang ako sa kanya. lahat kase alam nya eh, bida sya edi sya na! wow! parang nanalo lang sa Jackpot eh.

bumili muna kami nang Padlocks, syempre N&P nga ang sinulat ko hindi ko lang alam kung ano ang sinulat nya. dahan dahan ko pang nilagay yung lock sa rehas eh. nagulat naman ako nang ibato ni Nix yun sa tubig.

"HUY! tanga ka talaga beshy, bakit mo hinagis?" 

"Mas tanga ka isipin mo naman kung sakaling magiba yan hindi saan dadalhin yang mga padlocks na yan? buti kung dyan ko ilagay yung padlock ko hindi na magigiba nakatabaon lang sya dyan parang pagmamahal ko sayo."

peweww!! Jusq Indoy!

"So sinasabi mo ikaw yung malaking tubig dyan? what if may magtapon nang maraming padlocks dyan lahat kami nakabaon sa puso mo? ayos mo explanation mo Ne," 

"Panis  ka talaga,"

ako pa ngayon panis? eh kase ayokong ipahalata na kinikilig ako, nakakaines nga naman nang ka onti kase binabara ko sya kapag nasa cheesy stage na sya, kaso hindi ako sanay. hindi ko alam kung bakit ganito akong tao.

"Ano sinulat mo sa Padlock?" tanong ko. curios ako eh.

"IB.&NENE,"

"sino si & babae mo yun noh!" pagbibiro ko sa kanya.

"Sus! lahat naman babae mo eh. kinikilig ka lang. pero joke lang na yun ang nilagay ko." 

sabi na nga ba eh. tama ung desisyon ko na wag munang kiligin. 

kanina ko pa sya kinukulit kung ano ba yung sinulat nya don sa padlock. Parang napaka bigdeal naman non kung malalaman ko. hanggang sa naka uwi na kami hindi nya parin sinasabi,

"Paano, uwi na ako. nasan na yung kiss ko?" naka-isip tuloy ako nang plano sa tanong nya.

"Hindi ko ibibigay sayo yon kung hindi mo sasabihin kung ano yung naka lagay dun sa padlock,"

"Hanggang ngayon ba na isip mo parin yan? ibang klase ka talaga." sabay tawa. "Hindi mo pa pwedeng malaman ngayon. maybe next time."

"Kailan yung next time na yon?" pagtataray ko naman sa kanya.

biglang tumunog yung phone nya. pinatay nya ka agad yon. pero pa ulit-ulit yung tumatawag sa kanya.

"sino ba yan? baka importante sagutin mo na." pag sabat ko pa. May ines sa mukha nang sagutin yung tawag. maya maya pa'y tumalikod na sya. tinawag ko sya nang pa ulit-ulit pero parang wala syang naririnig. 

ano kaya problema nitong si Nix, parang kanina lang eh.Hindi ko tuloy ma alis sa isip ko kung ano ba problema nya. naines kaya sya kase hindi ako naga kiss? wew! ang babaw naman nya kung ganon. eh yung tawag kaya? may kinalaman kaya yun sa tawag kanina?

pumasok na ako sa kwarto, malungkot kong natagpuan sila Lily at Madyel, para silang kinakabahan yet natatakot na ewan. hindi ko sila maintindihan ah.

"Anong nangyare at ganyan kayo makatingin." pagbibiro ko pa para naman hindi sila sobrang seryoso.

"Alam mo na ba?" tanong ni Lily sakin.

"Ang alin?"

Si Madyel naman ang sumagot sa tanong ko. "Hinahanap na nang mga Pulis si Nix, Makukulong sya nang pang habang panahon."

napa-upo ako sa sahig. may mga explanation pa silang sinabi pero hindi ko marinig. naka focus lang ang isip ko kay Nix. Paano nangyare to?

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now