Chapter 77: Is This Last?

913 14 0
                                    

Nix's POV

Si Krazer ay nakaka usap namin kahit papaano sa vid. Call at ok naman daw sya ganon na rin si Lily. Sa totoo lang ok na nga ang lahat... sa amin lang ni Preet ang hindi.

Mag iilang buwan na kami rito at tanging machine na lang ang nagbibigay buhaysa dalawang kambal ko.

Oo...

Nailabas ang dalawang kambal ko samantalang si Preet ay nandun sa kama.

Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko sa ngayon. Para na akong dinudurog. Pakiramdam ko wala nang mas importante sa akin kundi sila lang.

Hindi na yata tulog ang ginagawa ko kundi idlip na lang. Ayokong mawala sila sa paningin ko.

Umiiyak na lumapit sa akin si Mommy Elena. "Bakit humantong sa ganito." Bulong na pagkakasabi nya habang pinagmamasdan si Preet na nakahiga lamang sa kama.

Pinilit ko syang pakalmahin lalo na ang sarili ko. Walang nakaka alam... walang nakaka alam na mangyayare ang lahat nang ganito diba.. wala..

Kakapatahan ko lang din kay Isha na kanina pa umiiyak at dahil sa sitwasyon nang Mama Preet nya. Pa strong na ang lagay ko ngayon gayon yung gusto ko na ring magwala.

"Nix! Nix!! Tumawag ka nang doctor!" Malakas na sigaw ni Mommy Alessa sa amin.

Agad akong tumawag nang Doctor at mabilis kaming tumakbo kung saan nandun ang dalawang anak ko. Hindi na kami hinayaang pumasok sa loob.

"Anong nangyare?" Natatarantang tanong ko kay Mommy Alessa.

"Kanina habang nag pa pump ako bigla na lang nag violet yung kambal." Kita ko sa mga mata nya ang pamumugto nito.

Maya maya pa'y malungkot na lumabas ang Doctor. Umiling iling sya kaya naman halos lahat kami ay magkandarapang lumapit sa kanya.

"Last na Oxygen na lang to. Pag hindi pa nag work wala nang ibang paraan." Agad namang umalis ang Doctor para asikasuhin ang ibang baby na wala nang buhay.

Agad kaming pumasok sa loob. Nakita namin ang kambal na anak kong mahimbing na natutulog. Halos lahat sila ay umiiyak na dahil sa sitwasyon nang anak ko.

Hindi ko matiis na makitang nangyayare sa anak ko to. Alam kong g@go ako pero sana naman wag yung karma ko mapunta sa anak ko.

Tulala akong lumabas nang kwarto. Lumapit ako kay Preet. Ang lamig lamig na nang kamay nya. Umupo ako sa tabi nya at pinagmasdan ang magandang asawa ko.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Preet sa akin. Natawa ako nang bahagya nang makitang namumugto rin yung mga mata nya. Kakatapos lang ding umiyak at puyat na puyat rin sya.

"Gagaling din sila.... diba?" Sabay hawak sa kamay ko. Mahigpit ang pagkakahawak nya rito at ganon rin ako sa kanya.

"Gagaling sila.." bulong ko sa sarili ko. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko wala na... huli na..

"Sorry..Sorry kase kasalanan ko.. na Depressed ako nang sobra... sorry.." bumuhos na naman ang luha nya. Ipinikit ko yung mga mata ko at hinalikan sya sa noo.

"Hindi mo kasalanan. Nangyare lang to." Pagpapakalma ko sa kanya. Alam kong pinipigil nya ang pagiyak pero hindi nya magawa.

Ilang araw na rin ang nagdaan at ganun parin ang sitwasyon. Ilang araw na rin kaming walanh tulog. Ako At si Mommy Alessa at Mommy Elena lang ang laging nag stay dito. May mga trabaho rin naman ang iba. Si Isha ay nadoon sa mansion kasama si Ate Joan. Ayokong makita kami ni Isha na palaging umiiyak.

Nandito ako sa tapat nang pinto kung saan naka confine ang twins ko. Nakita kong papalapit si Preet sa amin. Hinang hina sya kaya naman agad ko syang inalalayan para maka upo sa tabi ko.

"Ok na ba pakiramdam mo?" Tanong ko. Tumango sya pero nakatingin lang sya sa mga kapwa baby sa loob.

"Gusto ko nang iuwi ang babies ko." Bulong nya habang nagpupunas na naman nang luha sa mata.

"Gusto ko na rin pero hanggat nandito sila mas maayos ang buhay nila."sagot ko pero hindi rin ako nakatingin sa kanya.

"Iuwi na natin sila Ne, Gusto ko silang katabi." Nagmamakaawa yung mga mata ni Preet at basag na rin ang boses nya.

"Hindi pwede I.B, alam naman natin kung bakit diba.." pang-aamo ko ulit sa kanya. Sumandal sya sa dibdib ko at inakbayan ko naman sya.

Hindi ko nakikita noon ang sarili ko na mangyayare ang araw na to. Hindi lang yata araw kundi ilang linggo. Ang tagal na namin dito.. Ngayon ko lang naisip na sana naging matino ako noon edi sana.... hindi kami nahihirapan nang ganito..

Inihatid ko na si Preet sa kwarto nya. Pinakalma ko muna sya sa pag-iyak at hinintay na makatulog na rin. Lumabas muna ako nang saglit at natagpuan ko roon si Meazy... ngumiti sya sa akin habang dala-dala ang baby nya.

"Gusto ko sanang dalawin si Preet." Ngumiti sya ulit sa akin. Pinagbuksan ko sya nang pinto at pumasok naman sya. Sumunod ako at umupo sa gilid.

"Hi Preet." Bati nya nang imulat ni Preet ang namumula nyang mata kaka iyak.

Hinawakan ni Preet ang kamay nang baby ni Meazy. Nilarolaro nya rin ito na parang anak namin.

"Sya si Baby Vincent." Sabay ngiti ni Meazy. "Baby Boy namin ni... uhm.. secret pala muna. " sabay tawa nang mahina.

"Ang cute nang baby mo." Halos pa bulong na pagkakasabi ni Preet. Ayokong nakikita na umiiyak si Preet pero sa sitwasyon namin ngayon.... anong magagawa ko. Kahit ako ay gusto ko na ring magwala.

"Alam mo Preet. Ang ganda nang kambal mo at ang gwapo.... gagaling rin yun!" Sabay mahinang tapik sa balikat ni Preet. Ngumiti naman si Preet kahit na pilit.

"Alam ko... sana... hahahah totoo.." sabay punas na naman sa luha nya.

"Tama na ang ka dramahan Besh! Kukunin kitang ninang dito kay Baby Vince ah!"

Tumango lang si Preet at ngumiti. Napatingin sila sa aking dalawa. Lumapit ako kay Preet at tila gusto na naman nyang makita ang dalawang anak namin.

"Tara. Puntahan natin yung baby nyo."pagyaya ni Meazy. Nauna syang lumabas at ako naman ay inaalalayang tumayo si Preet.

Papalapit palang kami ay agad na sumalubong sa amin ang ingay nang mga tao. Nagkakagulo na naman sila. Agad kaming lumapit kung ano ang nangyayare.

Hinanap namin yung baby namin sa loob pero pinalabas rin kami. Mag stay muna daw kami sa labas. Malakas ang tibok nang puso ko. Kinakabahan ako.

Naalala ko na naman yung sinabi nang doctor na last Oxygen na lang yun at... ayoko sanang isipin pero kusang nabubuo sa utak ko.

"Ano kayang nangyayare.." bulong ni Meazy pero narinig ko. Kinakabahan kami. Hindi ko rin mahahilap ang Sila Mommy. Hindi ko alam kung anong nangyayare.

Maya-maya pa'y biglang bumukas nang malaki ang pinto at tinatakbo nang Doctor ang dalawang nak namin. Hindi namin nagawang mahabol sila dahil inaalalayan ko si Preet at si Meazy naman ay dalang bata..

Agad kaming lumapit sa kanila dahil hawak hawak ang mga kamay nila at tila nagdadasal ang ilan sa mga nurse... ano kayang nangyare...

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now