Chapter 8: Pledge

2.2K 37 1
                                    

Preet's POV

Natamaan ko na naman ang birdy ni loko. Paano kase ayokong ginaganon ako nang lalaki. Kung gusto ko namang humarap sa kanya haharap naman ako diba.

Pinunasan ko naman ang luha na kanina pa hindi tumitigil sa pag laglag. Hindi ko talaga mapigilan yung luha ko. Hindi ko talaga malimutan yung sakit na nangyare.

"Preet." Tawag ni Nix pero hindi ko sya pinansin. Hinayaan ko lang sya. Naramdaman kong umupo sya malapit sakin.

Subukan lang nyang tumabi sakin!

Ngayon ko lang naramdaman na nakakadiri na ang mga katulad nila. Hindi dapat sila minamahal nang totoo kase iiwan ka rin nila.

Mag samasama kayong lahat!!

"Birthday na birthday umiiyak ka." Yan ang bungad nya kahit sapo pa nya yung bayagra nya.

"Bakit ka nandito? Umalis kana dahil kaya kong pakalmahin ang sarili ko."

Hindi sya nag salita. Pinapakiramdaman nya lang ang bawat hangin na tumatama sa buhok ko at bawat hikbi na hindi ko mapigilan dahil sa iyak ko.

"Gusto kong pakalmahin ka bagay na hindi ko nagawa kay Mama." Sagot nya na may mababang tono nang boses.

"Gusto kong iparamdam sayo na hindi ka nag-iisa tulad nang naramdaman niya."

Baka nang go-good time lang tong si loko.

"Kung sa tingin mo madadala mo ako sa ganyan mo pwes nagkakamali ka! Wag mong idahilan yan para makuha mo ang loob ko." Pagtataray ko ulit.

May tumutulo parin na luha sa mga mata ko pero yung hikbi ko mawala wala na.

"Kung sa tingin mo ginagawa ko to para ikaw naman ang mabiktima ko pwes rin. Nagkakamali ka."

Tinignan ko sya nang may pagtataka.

"Ayokong nakakakita nang mga babaeng umiiyak."

"Sa tingin mo hindi iiyak yung mga babaeng nakuhanan mo nang V pag tapos nyong mag make love?" Pagtataray ko ulit sa kanya.

"Para hindi ko sila makitang umiiyak hindi pa sila nagigising mabilis na akong sumisibat."

"Utak lang yan." Sabay turo sa utak nya.

"Siraulo..." naging tugon ko na lang.

Na curios tuloy ako sa kanya. Higit na mas madami tong karanasan kesa sakin diba.

"Nakakailan kana ba?" Mabilis na tanong ko.

Hindi naman sya sumagot pero huminga nang malalim.

"Nakakailang babae ba sa kama?" Tanong nya.

"Uhmmm... madami na siguro. Bakit ko pa itatanong diba." Sabay tawa ko nang mahina para mainis sya.

"Wala pa."

"Sinungaling." Sagot ko. Postura palang nya kitang kita na diba.

"Never pa akong nakatikim nang babae dahil ayokong maging katulad ni Dad."

Tumunog bigla ang phone nya at agad naman nyang sinagot yon.

"Evone."
.....
"Pumunta kana lang sa office ko bukas."
....
"Cge. I love you."

At tsaka pinatay na nya yung phone.

"Sinong Evone? Yun ba yung nakaladkad ko sa office mo?" Tanong ko. Baka kase seryoso pala relationship nila ke epal ako sa office nila.

"Hindi. Iba tong si Evone. Kakaiba ang lahat sa kanya at hindi ko sya hahayaang mawala. Hindi ko na hahayaang iwan nya ako gaya ni Madyel."

Tumango na lang ako. Bahala sya sa buhay nya basta ako wala akong pakealam sa kanya.

Biglang tumunog yung phone ko. Si Dylan pala tumatawag. Hindi kami nag pa alam ni Nix.

"Nasaan kayo ni Nix ngayon?" Yan agad ang bumungad sakin.

"Nandito po sa surprise party." Hindi ko sinabing birthday ko. Ayoko ngang may nakaka alm na bithday ko eh.

"Buti naman. Umuwi na kayo ka agad ni Nix hinihintay na kayo ngayon nila Darlyn at Nate."inend na nya yung linya.

"Pinapa-uwi na tayo nang Daddy mo." Tsaka tumayo ako para pumunta sa kotse.

Nagpa alam na rin ako sa kanila bago umalis. Nauna na akong umalis at nakarating sa mansyon.

Naka upo sila sa sofa na tila hinihintay talaga kaming maka-uwi nang mansyon.

"Nasaan si Nix?" Tanong nang babae. At tingin ko sya si Darlyn dahil may pagkaka hawig sila ni Nix.

"Kasunuran ko lang po sya. Parating na po yun." Naging sagot ko na lang sa kanya.

Pina-upo nila ako sa tabi nila at mayamaya pa'y dumating na rin si Nix.

"Dahil masyadong malaki ang mansyon at lagi naman kayong wala. Dito ko na rin muna papatirahin sila Darlyn at asawa nya ganon din si Nate. Gagamitin sa project ang mansyon nila. Para na rin mabantayan kayo nang MAAYOS." Sabay tingin kay Dean ni Dylan.

Maganda na rin yun para kahit papano may makaka-usap ako.

"At napag disisyunan rin namin na magta trabaho ka. Puro lang naman paper works yun Nix pwedeng dito mo na lang gawin at hindi OFFICE. At kung sakali man alam na namin kung saan ka pupinta kung sakaling umalis ka sa mansyon." Dagdag ni ate Darlyn.

"Pero ate grabe naman yun. Hindi ba ako pwedeng gumala man lang?" Pagrereklamo ni Nix.

"Pwede naman. Kaso hindi ka pwedeng lumabas nang hindi kasama si Preet." Sabat ni Kuya Nate.

Napatingin naman si Nix sakin. Well alam ko na nasa isip nya. Napag usapan nanamin to kanina diba.

"Ok." Cool na pagkakasabi nya.

"Aalis na kami ni Nate at Darlyn kasama si Christ(asawa ni Darlyn). Dito na muna si Joan (asawa ni kuya Nate.) DEAN, ayusin mo ang trabaho mo." Pagtapos ay umalis na sila Dylan.

Hinatid sila ni Dean sa labas nang bahay.

Pumunta naman nang kusina si Nix at ako naman tinabihan ko si Ate joan.

"Hi." Bati ko sa kanya.

Binigyan nya lang ako nang ngiti.

"Akala ko nung una mataray ka." Sabay tawa nya para hindi masyadong seryoso ang usapan.

"Hindi naman. Sakanya lang." Sabay turo ko kay Nix na nasa kusina.

"Kamusta naman ang may buhay asawa." Napaisip naman ako sa tanong nya.

Jusq hindi ko na kaya mabuhay pa kasama tong loko na to.

"Okay naman lalo na pag nagkaka intindihan kayo." Sabay ngiti sa kanya.

Maganda talaga nagkakaintindihan kami yung tipong bahala sya sa buhay ko bahala sya sa buhay nya.

O baka baman spy to ni Dylan?

Lumabas nang kusina si Nix na walang damit. Like whutt?!!

Ang hot nya.

Ang ganda nang katawan at nakaka akit sya bes.

ASAWA KO YAN WOAH!!

Teka lang nga?!

Ano ba sinasabi ko ah! Ok ihale exhale.

Iniwas ko yung tingin ko pero etong Joan na to parang walang nakita. Nakatulala lang sya.

"Ate Joan kamusta na kayo ni kuya Nate?" Masayang tanong pa ni Nix.

"Ok lang kami." Walang emosyon na sagot nya kay Nix.

Nadi-distract talaga ako kay Nix. Hindi ba sya magdadamit man lang ha?!

"Sir eto na po yung paper works ninyo." Halos hila hila na lang ni Dean ang dalawang box na puno nang papel.

Kinuha naman ni Nix ang isangbox papunta sa kwarto namin.

"Tara magluto na tayo nang hapunan." Masayang pagkakasabi na naman Ate Joan.

"Sige po tara na."

At syempre hindi ako nakakapagluto pag walang procedure hehehe

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now