Chapter 16: Is Preet's Feelings Real?

1.7K 32 6
                                    

Preet's POV

"Nix!" Tawag ko kay Nix at pumasok sa kwarto. Hindi ko sya mahanap sa kwarto kaya naman lumabas na ako.

Pag labas ko nang mansyon nakita ko si Nix na nakatayo sa labas nang pinto.

Kaka alis rin ni Kuya Nate gamit ang kotse nya pero wala yung mga box.

Tingin ko nasa mga lalaki yun kanina at nauna sigurong umalis ang mga yon.

Limapit ako kay Nix pero hindi sya nagsalita. Nakatayo lang kami na parang mga poste.

Alam kaya nya yung business nila? Tingin ko hindi kase wala siyang pake alam. Pero imposibleng hindi nya alam diba.

Ewan! Magtatanong na ako sa kanya.

"Nix wag kang mabibigla."

Wew! Para kaming nasa palabas ah. Panget nang intro pwe!

"Tungkol ba sa Business yan namin?" Tanong nya.

"Paano mo alam?" Tanong ki sa kanya.

Inakbayan nya ako sa balikat. Nakaramdam ako nang ground sa braso nya.

Agad kong inalis yun kase nahihiya ako kay Tukmol pero deep inside gustong gusto ko.

Ang tanga mo Preet tinaggal mo pa!

"Sorry." Panghihingi nya nang tawad.

"Sorry kase hindi ko sinabi sayo at narinig mo pa kay Ate Joan lahat."

Gusto ko pang makarinig nang sorry mula sa kanya. Nararamdaman ko yung sincere nya.

"P-paano mo na-nalaman?" Pa utal utal na tanong ko pa. Bwiset ka Preet! Umayos ka wag kang papahalata!

"Narinig ni kuya Nate lahat kanina." Ahh.. so kanina pala hindi pa nakaka alis si kuya Nate kanina?

So it means alam ni Kuya Nate na alam ko na?!

"Tara mag dala kana nang mga damit mo." Nagtaka naman ako sa kanya.

"Anong sinasabi mo? Tsaka masaya kana ulit. Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.

Umakbay na naman sya sakin. Eto na naman ako. Ang init na ah! Parang pakiramdam ko nawala lahat nang hangin at pinagpapawisan ako.

Pumasok na kami sa loob pero naka akbay parin sya.

"Magtitipon tipon ang Saavedra sa Resort nang Megadrillente para i celebrate ang successful na mga project mamaya." Paliwanag nya.

"Wag mong kalimutan yung binili ko sayo." Sabay kindat sakin.

Inalis ko yung pagkaka akbay nya sakin at naramdaman kong umiinit yung mukha ko. Ano ba tong nararamdaman ko ha!

Kay Krazer ko lang to nararamdaman eh!

"Siraulo!" Sigaw ko sabay takbo sa taas. Hindi ko pinakita yung mukha kong namumula na.

Hindi ko alam kung anong nangyayare. Hindi ko sya gusto ok! Ganun din naman sya sakin!

Naglagay na ako nang damit sa maleta na nandito sa kwarto. Maleta talaga? Yung small version lang.

Wow! May small version pang alam eh. Hahaha

Magpapalit na sana ako nang damit Kaso nakapukaw nang atensyon sakin ang isang Maroon na Dress. Napaka ganda.

Sa kakatingin ko nang Dress ay hindi ko namalayan na may nakalapit na pala saking impakto.

Si Nix pala to.

"Maganda ba?"tanong nya.

Ayan na naman yung boses nya eh! Ang husky husky na parang nang-aakit! Nakakainis na bes!

"O-oo." Sagot ko. Nauutal na naman ako. Nakaka bwiset ano ba ginawa netong Nix na to sakin!

"Yan ang susuutin mo papunta natin doon." Letcheng yan.

Parang nang-aakit na yata talaga tong si Nix eh! Parang nagbabalak na si Tukmol!

"Oo susuutin ko na ok!" Pagtataray ko naman sa kanya.

"I'll wait for you to finish." Umupo sya sa kama at tila parang naghihintay nga.

Pumasok na rin ako sa C.R para maligo at makapag palit nang damit. Excited na ako sa dress! Napaka ganda talaga.

Paglabas ko nang pinto nakita ko sya na parang gulat na gulat pa nang makita ako.

Inirapan ko sya. Ang ganda nang damit na to kung hindi bagay sakin susuutin ko parin. Letche wala akong pake sa sasabihin nila bahala na.

Mag-aayos na sana ako sa salamin nang may baklang lumapit sakin. Syempre nagulat ako.

Hindi naba babae ang tipo ni Nix? Nahuli na ba ako? Wow! Panget ko ah drama ah!.

"Baby girl upo kana dito para maayusan na kita." Saad nang bakla at pina-upo ako sa harap nang salamin.

Pumasok naman nang C.R si Nix siguro magbibihis na rin. Mga ilang oras pa naayusan narin ako nang bakla. Pati ang buhok ko naayos ko na rin.

"Perfect!" Sabay palakpak sa kamay nya.

"Pagmasdan mo yung sarili mo baby girl!" Sigaw nya ulit.

Ginawa ko naman yung sinabi nya at namangha ako. Mas lalo akong gumanda! Hindi sa pagmamalaki pero maganda na talaga ako.

Weeeehhhh.

Seryoso ako.

"Ang ganda ko." Yan ang lang nasabi ko sa kanya.

"Mas lalo kang gumanda. Pasalamat ka sa powers ni Tita Peach🍑. !!" Sigaw nya pa.

Natawa naman ako sa kanya. Nakakatuwa pala to ano. Pang goodvibes nang araw.

"Trabaho nyo na po ba yan?" Tanong ko sa kanya.

"Yes babygirl. Trabaho ko na to." Tsk! Sayang sana makasama ko to dito sa bahay para may ka kwelahan man lang ako dito.

Lumabas si Nix nang banyo at namangha ako sa kanya. Napaka!! Bagay na bagay sa kanya yung Graphite Grey Tuxedo sa kanya. Naglitawan lahat nang muscles at abs nya.

GUSTO KONG ISIGAW NA ASAWA KO YAN!

Kaso wag na lang.

Napatingin naman si 🍑 (pwet?) Sa kanya. Hehehe Peach yow!

Tingin na nakain na kita sa paningin ko hahahah nakakatawa nga eh. Naiilang tuloy si Nix.

"Tara na!" Basag ko sa katahimikan na nagaganap.

Biglang napatingin si Nix sakin. Nagkatitigan kami pero sabay kaming nag alis nang tingin.

"Ok na ba yung mga dadalin mo?"tanong nya. Nakakatuwa kase tinatanong nya pa hahaha.

Ok.

Huyy Preet tinanong ka lang nya may nalalaman ka pang natutuwa. Sampalin kita dyan eh.

So eto na nga ka babayan kinuha na nya yung maleta ko. Feeling ko happy couple tuloy kami.

Ano ba tong iniisip ko! Demenyo tong kasama ko ok!

Naunang bumaba si Nix kaya nagkasabay kaming bumaba ni Peach. Walang galang eh. Pero feel ko ka edad ko tong ao beshy eh.

"Ang gwapo nang asawa mo." Bulong ni pwet sakin. Eh matambok rin kase pwet neto. Ano ba yan hahahah

"Oo. Syempre akin lang yan hindi ako marunong mag share." Sagot ko na may pagmamalaki pa sa boses.

"Well ah." Sabay tingin na naman sa katawan ni Nix. Hinarangan ko yung mata nya gamit kamay ko.

"Tama na baka ako mawalan." Biro ko sa kanya.

Tumawa na naman sya ulit.

"Nako beshy ah. Bantayan mo si Papi baka hindi mo magustuhan makita mo mamaya sa Resort." Nagpalipat lipat sya nang tingin samin ni Nix.

Someday, Maybe. ( Completed )Where stories live. Discover now